Chapter 44: Royal Grief

4.7K 181 38
                                    


Abigail

"I'm leaving, Abby."

Hindi ako sumagot. Nakatalikod lang ako mula sa kanya habang nakahiga sa kama.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama at hinawakan ang kanang kamay ko.

"I am sorry about last night. I know I have upset you so much. Let's talk again when I come back, okay? And please, do not do something impulsive while I am away. I will be back," sabi niya saka naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko bago niya ako binigyan ng halik sa pisngi. "Please take care of yourself, for me and for our baby."

Hindi pa rin ako sumagot kaya naman narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim. Ilang sandali ay binitawan na niya ang kamay ko at saktong may narinig akong dumating sa kwarto.

"Kailangan na po nating umalis, Your Highness."

Umalis si Kael mula sa pagkakaupo sa kama. Siguro ay lumapit siya kay Chief Edric.

"I am not feeling good about leaving. Can we just not go?"

"Hindi pwede, Your Highness. Kailangan nating umalis."

"I know, but I am not confident about leaving. I feel weird about it. Besides, I do not want to leave Abby in times like this."

"Naiintindihan ko pero hindi matutuwa ang hari kung hindi tayo sisiput sa state meeting. Masisira ang reputasyon natin sa ibang bansa kung hindi natin tutuparin ang pinangako natin."

Narinig ko ulit ang malalim na paghinga ni Kael saka sinabing, "Okay."

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko narinig ang mga hakbang niya na papalayo.

"Please update me regularly about her because I know that she won't take my calls. Call me right away if something happens," rinig kong bilin niya kay Lady Zia bago siya tuluyang umalis.

Napadilat ako ng mga mata nung alam kong nakaalis na siya. May pumatak na mga luha mula sa mga mata ko dahil alam ko na magiging mahirap para sa akin ang susunod na mga araw. Doble-doble kasi ang sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako dahil sa pagbabalik ni Yvonne, nasasaktan ako sa ideya na may gustong manakit sa akin, at nasasaktan ako dahil kay Kael.

Ang mas malala, feeling ko ay mag-isa lang ako. Wala akong kakampi at kaibigan na masasabihan tungkol sa mga nararamdaman ko. Simula nung dumating ako sa palasyo, nag-iba na ang buhay ko. Pinilit ko namang masanay at tanggapin ang sitwasyon ko pero ang hirap talaga. Ang dami kong sinakripisyo at tiniis bilang isang prinsesa. Lagi rin akong nasasaktan. Gaganda pa ba ang buhay ko rito?

Madami ngang tao na nag-aalaga sa akin dito pero feeling ko mag-isa pa rin ako. Feeling ko kasi lahat sila ay kakampi ng batas at tungkulin nila, hindi nila kakampi kung ano ang gusto ko at nararamdaman ko. Kaya ganun nalang ang lungkot ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo. Agad akong nahawakan ni Lady Zia nung muntik na akong matumba.

"Prinsesa, okay lang ba kayo? Nahihilo ba kayo?" concern na tanong niya.

Napahawak ako sa ulo ko. "Nahihilo ako," sagot ko.

Siguro nahihilo ako dahil sa kakaiyak mula pa kagabi. Isa pa, ilang araw pa lang simula nung kakalabas ko ng hospital at simula nun, lagi na akong may iniisip na problema kaya hindi ako nakapagpahinga ng mabuti. Kaya siguro hindi pa rin bumabalik ang lakas ko. Feeling ko nga ay mas lalo akong nanghihina. Wala rin akong ganang kumain minsan pero pinipilit kong kumain kahit konti para lang may lakas ako.

"Umupo po muna tayo sa kama," sabi niya saka inalalayan akong bumalik sa kama. "Tatawag ako ng doctor para matingnan kayo, Your Highness."

"Huwag na, Lady Zia," pagpigil ko sa kanya. "Mawawala rin ito. Kailangan ko lang magpahinga."

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon