Chapter 46: Royal Motives

5K 218 49
                                    


Prince Kael

"Why are we in a hurry to go home? Did something happen that I was not aware of?" tanong ni Kael kay Chief Edric nung nakapasok na siya sa royal plane.

"Utos kasi ng hari na umuwi tayo agad pagkatapos ng state dinner. Pero diba ito naman ang gusto ninyo? Ang makauwi agad dahil nag-aalala kayo kay Princess Abby?"

Napakunot ang noo ni Kael nung marinig ang pangalan ng asawa niya.

"Have you heard from Lady Zia? It's been a week since we left, and I haven't heard anything from her."

Umiling si Chief Edric. "Hindi po siya nakapag-report sa akin kahit isang beses."

Napabuntonghininga si Kael. "Her loyalty is with Abby. Maybe she listened to her not to report anything to me."

"Siguro po," tanging sabi ni Chief Edric.

Paglapag ng eroplano sa Pagonia ay agad na bumaba si Kael at dumiretso sa kotse para makauwi na sa palasyo. Pagpasok niya sa palasyo ay hindi na maganda ang pakiramdam niya.

"Can I see my wife first? Tell the king that I will be there afterwards."

Akmang kakaliwa na sana si Kael nung hinarangan siya ni Chief Edric. "Matigas na bilin sa akin ng ama ninyo na sa kanya kayo dumiretso, Your Highness."

"But why?" takang tanong ni Kael.

"Hindi ko po alam pero mukhang importante."

Walang nagawa si Kael kung hindi ang dumiretso ng lakad papunta sa kung saan ang ama niya. Pagdating niya sa opisina nito ay nagtaka siya na makitang nandoon ang imbistigador kasama ang mga magulang niya. Tumayo ito at yumukod nung nakita siya.

"Maupo ka, Kael."

Pansin ni Kael na may kakaiba sa boses ng ama niya. Mukha itong galit at naiinip kaya umupo siya agad pagkatapos niyang batiin ang ama at ina niya.

Akmang lalabas na si Chief Edric nung sinabi ng hari na, "Stay here, Edric." Kaya naman hindi siya lumabas ng kwarto.

"Go ahead, Jacob," sabi ng hari na kinataka ni Kael. Napakunot pa ang noo niya.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng hari hanggang sa narinig niya nalang na nagsalita ang imbistigador na si Jacob.

"Prince Kael, pwede niyo po bang ikwento sa amin kung bakit kayo nakipagkita kay Ms. Yvonne nung araw na ito?"

Nanlaki ang mga mata ni Kael nung nakita ang picture na nilagay ni Jacob sa mesa na nasa gitna nilang apat. Kuha sa litrato ang yakapan nila ni Yvonne.

Gulat na tumingin si Kael sa ama niya. Hindi siya makapagsalita dahil sa gulat at kaba na nararamdaman niya. Dati naman ay wala lang sa kanya tuwing lalabas ang litrato niya sa dyaryo na may kasamang babae. Pero ngayon, abot langit ang kaba niya. Una niyang naisip ay si Abby. Nag-alala siya ng sobra baka nakita na ito ng asawa niya.

"Answer it, Kael," matigas na sabi ng hari.

Bumaling si Kael sa reyna. Nakita niya ang magkasamang lungkot at galit sa mga mata nito kaya mas lalo siyang nabahala.

"Did Abby see this photo?"

Mas lalong nagalit ang itsura ng hari dahil sa tanong niya. "Just answer the question! Who is that woman to you, Kael?!" galit na sabi ng hari.

"M-my ex-girlfriend," nauutal na sagot niya.

Napasampal ng noo ang reyna dahil sa sagot niya. Mukhang alam na nito ang susunod na kwento kaya mas lalo itong nalungkot.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now