Chapter 34: Royal Secret

13.2K 379 30
                                    


Abigail

"Thank you po, prinsesa."

Ngumiti ako kay Alexa saka umupo na sa harapan nila. Kasama kong kumakain ng breakfast sina Alexa, Erica, at Lady Zia dito sa staff lounge.

"Ang sarap niyo talagang magluto, Princess Abby," sabi ni Erica.

"Salamat. Maaga kasi akong natutong magluto dahil sakitin si mama," paliwanag ko saka sumubo na ng pagkain.

Ang aga ko kasi nagising ngayong araw. Madilim pa ay gising na ako at hindi na makatulog ulit kaya naligo na lang ako saka bumaba dito sa kitchen para magluto ng breakfast. Nagulat pa nga sina Lady Zia noong naabutan nila ako sa kitchen na patapos nang magluto ng breakfast. Dinamihan ko ang luto para makakain din nito ang mga staff dito sa South Wing.

Nagulat pa ang iba nung binigyan ko sila ng tig-isa-isang plato na may lamang pagkain na niluto ko. Nahiya sila dahil ako raw dapat ang pinagsisilbihan nila pero nakita ko naman na natuwa sila dahil sa ginawa ko. Masaya akong pagsilbihan sila dahil ginagawa nila ang lahat para alagaan kami ng mabuti ni Kael at protektahan.

"Ang swerte talaga namin na kayo ang prinsesa. Napakabait po ninyo sa mga nagtatrabaho sa inyo. Bihira sa royal family ang pagsilbihan ang mga trabahador nila. Kayo pa lang po ang unang nagluto ng pagkain para sa amin kaya mahal na mahal po kayo naming lahat."

Napangiti ako ng malawak. "Ang sarap naman pakinggan. Pero maliit na bagay lang naman ang ginawa ko kumpara sa mga ginagawa niyo para sa amin ni Kael," sabi ko saka kinuha ang bottle ng ketchup at mayonnaise na nasa table saka naglagay ng marami sa plato at hinalo ko ito sa pagkain ko. Napasarap lalo ang kain ko.

"Kailan pa po kayo natutong kumain ng hinahalo ang ketchup at mayonnaise sa isda at itlog?" tanong ni Lady Zia.

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pagkadisguto sa mukha niya na parang nagtataka siya at nakangiwi.

"Ewan ko nga, Lady Zia. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala 'yong ganito," sabi ko saka sumubo ulit.

"Princess Abby, gusto niyo po ba ng coffee? Ikukuha ko po kayo."

"Huwag na po. Gatas na lang. Thank you," sagot ko sa isang tagasilbi dito sa kitchen. Nagpasalamat ulit ako sa kanya nung binigay na niya ang gatas.

Sumusubo ako ng huling laman ng plato ko nung nakita kong pumasok si Kael dito sa lounge at nakasunod sa likod niya si Chief Edric. Pareho silang ayos na ayos na.

Napansin kong yumukod ang lahat nung napansin nila si Kael. Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa akin. Mukhang masama ata ang gising niya dahil nakakunot ang noo niya.

"I was looking for you," sabi agad niya noong nasa harap ko na siya.

"Maaga kasi akong nagising kaya bumaba agad ako dito. Nagluto ako ng breakfast. Wait, ikukuha kita. Upo ka muna diyan," sabi ko sabay tayo at pumunta sa loob ng kitchen para ipaghanda si Kael ng pagkain.

Paglabas ko ng kitchen ay nakaupo na siya sa kung saan ako nakaupo kanina. Naupo rin si Chief Edric sa tabi nina Lady Zia. Nilapag ko sa harap nina Kael at Chief Edric ang mga plato na dala ko saka iyong coffee ni Kael.

"Ako na sana ang kumuha ng sarili kong pagkain, Your Highness."

"Okay lang, Chief Edric. Huwag na kayong mahiya. Minsan ko lang naman ginagawa ito kaya sulitin niyo na po," biro ko saka naupo sa tabi ni Kael.

Pansin ko na tumahimik ang staff lounge simula no'ng dumating si Kael. Tahimik lang silang kumakain at iyong iba ay tumayo na at umalis ng lounge. Bumalik ang tingin ko kay Kael na kumakain na rin.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now