Chapter 36: Royal Worries

13.9K 397 19
                                    


Abigail

"Good morning, my beautiful daughter in law." Nagulat ako nung biglang narinig ko ang boses ni King Reagan.

Agad akong humarap sa kanya saka yumukod. "Good morning, Your Majesty."

Nakangiti siya sa akin na para bang ang ganda ng umaga niya. Kung sabagay, lagi namang nakangiti si King Reagan. Kahit dati pa noong hindi pa ako prinsesa, nakita ko na ang gaganda ng mga kuha niya sa newspaper o mga magazine, lagi siyang nakangiti. Kaya mahal siya ng mga tao dahil masayahin siya at napakabait. Mas seryoso ang reyna kumpara sa kanya. Kaya feeling ko talaga ay sa reyna minana ni Kael ang pagkaseryoso niya.

"It is a beautiful morning, is it not?" nakangiting tanong niya habang nakatingin sa magandang view nitong garden.

"Opo, Your Majesty," tipid na sagot ko.

Tumingin siya sa akin nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "But I notice that your mood does not match the nice weather. Is something wrong?"

Mabilis akong napailing. "Wala po."

Binigyan niya ako ng nagdududang tingin. "Pero nakita kong nakasimangot ka kanina. Please tell me, is it my son or is it my apo who is giving you a rough morning?"

Napayuko ako bigla dahil nahiya ako kay King Reagan. Nakakahiya dahil nakita niya pa akong nakasimangot.

Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng nalaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko. At tama nga ako, kumalat din agad sa media ang tungkol dito. Madami na nga akong natanggap na cards and flowers mula sa mga tao. Sobrang tuwa rin nila sa balita. Madami ang nag-congratulate sa amin ni Kael. Pati ang hari at reyna ay natuwa rin sa balita lalo na si King Reagan na mukhang excited nang maging lolo. Sinabi ko na rin sa pamilya ko ang balita at sobrang tuwa rin nila. Sinabi pa nga ni papa na gusto niyang nandito siya kapag nanganak ako. Sana talaga ay okay na si mama kapag dumating ang araw na 'yon para makauwi na sila dito sa Pagonia at makasama ko sila sa mahalagang araw na 'yon ng buhay ko.

Sa katunayan, pwede ko ng makita ang pamilya ko. Tapos na kasi ang one hundred days na sabi sa rules. Gusto ko na nga silang puntahan doon sa Amrika, eh, kaya lang busy pa ang schedule namin ni Kael. Hindi pa kami nakahanap ng bakanteng oras para dalawin sina mama, papa at Astrid. Sinabi ko nga kung pwedeng ako nalang muna ang pumunta pero ayaw ni Kael na mag-isa akong umalis lalo na ngayong buntis ako.

Nagkatotoo ang pakiramdam ko na madaming magbabago ngayong buntis na ako. May magaganda pero mas madaming hindi magagandang pagbabago at isa na doon ay 'yong naging mas strikto sila sa akin. Nadagdagan ang body guards ko kapag lumalabas ng palasyo, binawasan na rin ang mga trabaho ko para hindi ako mapagod at para hindi ako ma stress, at mas madami ng mga mata ang nakatingin sa akin. Bawat maling galaw ko ay agad nalalaman ni Kael kaya ayon, pagsasabihan niya ako agad.

"Princess Abby," pagkuha ni King Reagan sa atensyon ko nung hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.

Umiling ako. "Masama lang po ang gising ko kaya nadamay si Kael at ayon, nagkasagutan po kaming dalawa kaya naabutan niyo po akong nakasimangot."

Nakita kong tumawa siya. "Pregnancy can be exciting but it also tests the love and patience of the married couple," natatawang sabi niya na para bang may naalala siyang pangyayari noon. "Tell me, did my son fail to exercise his patience again?"

"Hindi naman po. Kasalanan ko po ata dahil tinrigger ko ang galit niya."

Tumango si King Reagan. "You know why I like you for my son?" Nagulat ako sa narinig mula sa hari kaya hindi ako nakasagot. "You are so patient with him. And even if it is his fault, you still try to defend him. You even support him in his endeavors. For me, he is a blessed man to have a wife like you."

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now