Chapter 2: Royal Offer

18.2K 508 13
                                    


Abigail

"Ate!" Kumakatok ang kapatid kong si Astrid sa pinto sa labas ng kwarto ko. "Ate, may naghahanap sayo."

"Sino raw?" tanong ko habang nagmamadaling magbihis.

"Basta. Lumabas ka nalang, ate."

"Sige. Patapos na ako," sagot ko saka sinuklay na ang buhok ko pagkatapos kong magbihis. Lumabas agad ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay napansin ko na nakaupo sa sofa sina mama at papa habang may kausap silang lalake na naka-formal na damit. Nakaupo ang lalake sa isang sofa namin na gawa sa bamboo na nakalagay sa harapan nina mama at papa.

"Good morning po," pagkuha ko sa atensyon nila.

Napatingin sa akin ang lalake na naka-tuxedo at agad itong tumayo saka binigyan ako ng ngiti.

"Good morning din sa 'yo, Miss Abigail."

Nagulat ako nung sinabi niya ang pangalan ko. Paano niya ako nakilala? Eh hindi ko naman kilala kung sino siya. Pero mukhang familiar sa akin ang mukha niya.

"Good morning din po. Kayo po ba ang naghahanap sa akin?"

Tumango siya sa akin saka sinabing, "Pinadala ako ni King Reagan para kausapin kayo ng pamilya mo at para imbitahan ka sa palace. Naghihintay sa 'yo ang hari."

Napatingin ako kina mama at papa na mukhang nag-aalala.

"T-teka, tungkol po ba ito sa balita last week? Hindi po totoo yun. Hindi po ako hinalikan ng prinsipe. Hindi rin po niya ako girlfriend. Nagkamali lang po sila," paliwanag ko dahil feeling ko ay lagot ako kaya ako pinapatawag ng hari.

"Oo nga, sir. Walang kasalanan ang anak namin. Nadamay lang siya sa nangyari," pagtanggol sa akin ni mama.

"Don't worry, maam. Hindi po iyan ang dahilan bakit pinapatawag ang anak ninyo. Sa katunayan, may pakiusap sa kanya si King Reagan. Meron itong offer sa kanya."

"Offer?" takang tanong ko.

"Yes, miss. Malalaman mo kapag sumama ka sa akin ngayon."

Napatingin ako kina mama at papa saka sa suot kong uniform. Pagkatapos ay tumingin ako sa lalakeng nandito.

"Ngayon na po ba? May trabaho pa po kasi ako. Hindi ako pwedeng umabsent."

"Kami na ang bahalang kumausap sa boss mo, miss. Sumama lang po kayo ngayon sa akin at kami na din ang bahala sa trabaho mo. Hindi ka mawawalan ng sweldo para sa ngayong araw."

Tumingin ako kay papa para hingin ang advice niya.

"Sumama ka na sa kanya, anak. Hindi magandang tanggihan ang imbitasyon ng hari kaya sumama ka na."

Tumango ako kay papa bago tumingin sa lalake. "Sige, sasama po ako."

"Thank you," sabi niya saka nauna ng lumabas kaya sumunod ma rin ako sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya nagpasalamat ako saka pumasok sa loob at umupo sa likod, sa back seat. Pagkaupo ko ay sinarado na niya ang pinto saka umupo siya sa passengers seat na nasa harapan na katabi ng driver.

Habang nasa byahe kami papunta sa Main Palace ay tinanong ko ang pangalan nung lalake at nalaman kong Chief Edric ang name niya at siya ang kanang-kamay ng hari.

First time kong makapunta sa palace kaya naman sobrang namangha ako sa nakita. Ang laki-laki nito sa personal. Ang ganda pa ng garden na nakapalibot sa palasyo. Hindi ko akalain na makakatapak ako dito.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon