Chapter 4: Royal Meet Up

15.2K 448 24
                                    


Abigail

Isang linggo na akong nakatira rito sa palace pero naninibago pa rin ako hanggang ngayon.

Ang hirap pala ng buhay ng isang prinsesa. Madaming kailangan na aralin. Akala ko nung bata ako ay masarap ang buhay ng royal family pero hindi pala madali dahil may mga tungkulin sila na dapat gampanan para sa bansa kaya hindi sila pwedeng magpakasaya lang sa buhay. Ang busy pala nila dahil madami silang trabaho.

Naging busy din ako simula nung dumating ako dito sa palace. Araw-araw ay nag-aaral ako ng royal etiquette at history ng bansa lalo na ang history ng monarchy at si Lady Zia mismo ang nagtuturo sa akin. Ang talino niya pala at ang dami niyang alam tungkol sa royal life and royal history. Kaya pala siya ang pinili na maging right hand ko. Hindi rin pala biro ang trabaho niya.

Nagbabasa ako ng libro ng mga former kings and queens at nalaman ko ang mga magandang bagay na nagawa nila para sa bansa. Nakakatuwa ang dedication nila para mapaganda ang Pagonia. Ako kaya, ano ang magiging contribution ko sa bansang to?

"Miss Abby, kalahating oras nalang po at pwede na kayong tumigil sa pag-aaral. Bukas na naman po ulit," sabi ni Lady Zia.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Akala ko may dalawang oras pa tayo? Ang aga naman atang matatapos ang lessons natin ngayong araw?"

"Yun po ang plano pero nagbago na po. Nakauwi na po kasi si Prince Kael kanina lang at inutos ni King Reagan na magkita po kayo ng prince mamaya para makapag-usap po kayong dalawa bago ang engagement party po ninyo bukas."

Bukas na pala yung engagement party. Sa dami ng nangyari nitong nakaraang mga araw ay nawala sa isip ko ang tungkol diyan.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nung maalala ang isa pang sinabi ni Lady Zia. Makikita ko si Prince Kael mamaya? Sana pala ay hindi nalang siya umuwi. Sana doon nalang siya sa Spain. Kinabahan tuloy ako. Makikita ko ulit siya. Huli ko siyang nakita ay noong gabing yun.

Pumunta kasi siya sa Spain nung dumating ako dito sa palace kaya hindi pa kami nagkikita. May inasikaso raw kasi siyang charity doon kaya natagalan siya.

"Okay lang po ba kayo, miss?"

Napatingin ako kay Lady Zia. "Hindi ako okay, Lady Zia. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita ang prinsipe."

Ngumiti siya sa akin saka sinabing, "Kailangan niyo na pong masanay dahil darating ang araw na araw-araw niyo na pong makikita ang prinsipe."

Tama siya. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa presensya ni Prince Kael kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita namin.

Pagkatapos ng kalahating oras ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Ewan ko ba bakit kailangan ko pang magbihis eh maayos naman ang damit ko kanina.

Sa totoo lang, naninibago ako sa sarili ko. Lagi na kasi akong nagsusuot ng formal na damit. Halos dress na lagpas ng tuhod ang lagi nilang pinapasuot sa akin dito. Lagi rin akong naka-heels. Minsan kapag papayag sila, nagda-doll shoes nalang ako or kahit anong flat shoes na pwede. Hindi ko na nga nagagamit ang mga damit na dala ko dahil hindi raw iyon bagay dito. Ganito pala ang buhay dito. Hindi pala ako ang nagde-desisyon para sa sarili ko. Pati pananamit at kilos ko ay sila rin ang nagdidikta. Pagkagising ko sa umaga ay kailangan ko raw agad maligo at magbihis pagkatapos kong mag-breakfast. Planado na rin ang mga gagawin ko para sa buong araw.

"Papunta na po ang prinsipe sa garden. Kailangan na po nating bumaba."

Tumango ako sa kanya at agad na tinapos ng dalawang maids ang pag-aayos ng buhok ko. Nagpasalamat ako sa kanila. Sila lagi ang nagbibihis sa akin at nag-aayos ng buhok at mukha ko. Noong una ay hindi ako komportable na inaayusan ako pero ngayon ay hinahayaan ko nalang dahil wala naman akong magagawa. Mapilit kasi sila.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now