Chapter 25: Royal Wander

13.4K 405 30
                                    


Abigail

Maaga akong nagising para mag-prepare ng breakfast namin ni Prince Kael. Tulog pa siya nung lumabas ako ng kwarto.

Nakaligo na ako at nakapagluto pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Akmang mauuna na akong kumain nung dumating na siya. Mukhang bagong ligo siya.

"Good morning," bati ko sa kanya.

Tumango siya sa akin saka umupo sa upuan na nasa tapat ko. "Good morning," sabi rin niya.

Tumingin siya sa mga pagkaing nakahanda sa mesa. Gumawa kasi ako ng omelette, toasted bread at oatmeal. Iyon kasi ang mga napansin ko na lagi niyang breakfast sa palasyo kaya 'yon ang mga niluto ko.

"Thank you for preparing our breakfast," sabi niya. "Thank you also for preparing my clothes."

Kumuha kasi ako kanina ng damit niya at nilagay iyon sa banyo para pamalit niya. Alam ko kasi na sanay siyang may nag-aayos ng mga gamit niya para sa kanya kaya ako nalang ang gumawa nun dahil wala naman kaming maid na kasama rito para gawin sa kanya iyon. Saka ayoko rin kasi na makitang magulo ang cabinet namin kaya ako na ang kumuha ng damit niya para hindi niya magulo ang mga damit na tinupi ko.

Ngumiti ako sa kanya saka sinabing, "Kain na tayo. Gutom na ako."

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa pero makalipas ang ilang minuto, nagsalita siya.

"What are you planning to do today?"

Umangat ako ng tingin sa kanya. "Siguro susubukan kong mag-horseback riding."

"Okay. I will join you."

Tumango lang ako saka kumain na ulit. Nakakapanibago talaga na maayos kaming nag-uusap ngayon.

Ako ulit ang naghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghugas ay niyaya ko na siyang lumabas. Naglakad kami papunta sa kung saan ang mga kabayo.

"Prince Kael," pagkuha ko ng atensyon niya.

Nasa tabi ko lang siya at sabay kaming naglalakad.

"Yes?" Nilingon niya ako.

"Talaga bang tayo lang ang nandito? Walang may nagbabantay sa atin?"

'Yon kasi ang sabi nila sa amin.

"I doubt that. I know that we are not alone in this area. They are just around here watching us from afar. They cannot come near but for sure, they can see us."

Tumango ako. Feeling ko rin na may nagbabantay sa amin kahit hindi ko sila nakikita. Imposible naman kasi na hayaan lang nila kami ni Prince Kael dito. Kahit nga sa loob lang naman kami ng palasyo ay ang higpit ng bantay nila sa amin, dito pa kaya na nasa labas kami ng palasyo.

Nung malapit na kami sa mga kabayo, nakuha nung isa yung pansin ko. Kulay puti ito at ang ganda niya tingnan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang ulo niya sabay haplos ng dahan-dahan.

"Hi," nakangiting sabi ko sa kabayo.

Lumapit sa akin si Prince Kael saka sinabing, "Do you know how to ride a horse?"

Umiling ako. "Hindi pa ako nakakasakay ng kabayo."

"I can teach you."

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Napansin ko na ilang beses na siyang nakangiti sa akin simula pa kahapon. Ang weird sa pakiramdam makita ang ngiti niya kaya nag-focus ako ng tingin sa kabayo.

"Prince Kael!"

Napatili ako sa gulat nung bigla niya akong hinawakan sa bewang ng walang pasabi saka binuhat pasakay sa kabayo.

Princess Abigail: A Royal JourneyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang