Chapter 31: Royal First Gift

12.9K 363 30
                                    


Abigail

"Thank you!"

Niyakap ko si Kael dahil sa sobrang tuwa ko na binigyan niya ako ng camera. Talagang tinotoo niya ang sinabi niya sa akin noong nasa Malata kami na bibigyan niya ako ng camera para makunan ko ng litrato ang mga lugar o bagay na gusto ko.

"I'm glad you love it. I had been thinking of ways to make you happy since you have been down lately."

"Sobrang saya ko. Salamat."

Nawala ang lungkot sa puso ko sa pag-alis ni Britta dahil nitong mga nakaraang araw, lagi akong pinapasaya ni Kael. Ngayon, sobrang saya ko dahil first time akong binigyan ng regalo ni Kael kaya espesyal ito sa akin.

"Let's try your camera outside. There's a lot of nice view outside the palace."

Na excite ako bigla pero may naalala ako. "Wala ka bang trabaho ngayon?"

Umiling siya. "I want to spend this day with you."

Napangiti ako. "Nagiging cheesy ka na talaga, Kael."

"Only to you," sabi niya saka hinawakan ako sa bewang at hinalikan sa noo. "Let's go now before it starts to rain."

Lumabas kami ni Kael at naglakad-lakad sa malawak na garden ng palasyo. Bawat view na nadadaanan namin ay kinukuhanan ko ng litrato. Minsan din ay nagse-selfie kaming dalawa ni Kael na kita ang garden sa background. Minsan, siya lang mag-isa ang kinukuhanan ko ng picture.

"Dito. Maganda ang view dito. Mag-pose ka dali," sabi ko sa kanya.

"Take a pic of it without me. I have been posing for your photos already." Parang nagrereklamo na siya. Kanina ko pa kasi siya pinapa-pose sa camera. Siguro mga tatlong oras na kaya naiinip na siya.

"Mas maganda kapag nasa picture ka. Mas lalong gumaganda ang view. Sige na, Kael. Please?" pakiusap ko.

"You're not going to sell my photos to the press, are you?" taas-kilay na tanong niya.

Natawa ako. "Hmm. Pag-iisipan ko dependi sa offer nila," biro ko.

Tumawa rin siya. "Silly," sabi niya saka pumwesto na sa harap ng isang fountain na may magagandang bulaklak na naka-design sa gilid. "Is this okay?"

"Umusog ka sa kaliwa. Ayan, okay na yan," sabay kuha ko ng litrato. "Isa pa. Gandahan mo ang smile mo Kael. Nice. Tapos isa pa na nakatawa ka." Sinunod niya rin ang sinabi ko. Ang saya lang dahil nagco-cooperate siya sa gusto ko. Pagkatapos ko siyang picturan ay tiningnan ko ang mga kuha ko sa camera. Ang gaganda ng pictures. Ang photogenic talaga ni Kael. Lalo siya gumagwapo kapag nakatawa siya sa pictures.

"Are we done? Did you get good pictures?"

Napatango ako habang naka-scroll pa rin sa camera. "Ang dami nang magagandang pictures lalo na 'yong mga nakatawa ka. Magkano kaya ito ibenta? Siguradong mahal ito dahil hindi pa nila nakikita sa newspaper na nakangiti ng ganito kasaya ang isang Prince Kael."

"May I see," sabi niya saka kinuha sa kamay ko ang camera at tiningnan ang sarili niya sa mga pictures. "You're right. I look good on these pictures. That's why just keep these to yourself if you don't want others to fantasize on me if they see these."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Sabagay, tama naman siya. Ayokong mas lalo siyang pagpantasyahan ng mga tao.

"Sige na nga. Hindi na. Pero sayang 'yong makukuha nating bayad, Kael. Yayaman tayo kapag binenta natin ang pictures mo," biro ko sa kanya.

Natawa siya saka sinabing, "I don't think we need their money. We are already wealthy. Don't you know that?"

Iyan ang gusto ko kay Kael. Sa maikling panahon na nakilala ko siya, natutunan ko na hindi siya ganid sa pera. Hindi rin siya madamot magbigay. Kaya natutuwa ako dahil hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na gagawin ang lahat para lang mas lalong yumaman at tumaas ang posisyon.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now