Chapter 35

23 0 0
                                    

Clarence's pov

Malapit na ko sa tambayan namin nung biglang umulan

May nasalubong akong mga kaklase namin at kinausap ako sinabi nya sakin na hinahanap daw ako ni Nathan

Kaya pumasok nanaman sa isip ko kung tama ba ang gagawin ko o hindi

Bigla kong naisip ano kayang magiging reaksyon ni Nathan kapag ginawa ko to

Pero sabi nya naman sakin eh okay lang sa kanya kahit na anong maging desisyon ko

Kaya itutuloy ko na to wala nang atrasan to

Pagdating ko sa tambayan namin nakita ako ni Baste at tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako

"Clarence salamat  at mas pinili moko kesa kay Nathan napakasaya ko Clarence mahal na mahal kita Clarence sabi ko na nga ba mahal mo rin ako eh" sabi nya habang nakayakap sakin

"teka wala naman..." di ko na natapos ang sinasabi ko nung biglang bumalibag yung pinto kaya napalingon ako sa may pinto at nakita kong nandun si Francine

"Francine ikaw ba yung nagbagsak ng pinto?"

"ah eh hindi ako s-si" pautal utal nyang sagot

"kung hindi ikaw sino naman yun?"

Hindi pa rin sya sumagot kaya medyo napataas ang boses ko

"sino ba yun Francine sabihin mo na kasi"

"ano s-si ano kasi yun eh" sagot nya ulit kaya medyo nainis na talaga ko

"SINO!!"

"s-si N-Nathan" sagot nya na ikinagulat ko

S-si Nathan i-ibig sabihin narinig nya yung mga sinabi ni Baste

Nako pano na to kailangan kong habulin si Nathan kailangan kong makausap si Nathan

Paalis na sana ko pero bigla namang hinawakan ni Baste yung braso ko

"Baste bitawan moko hahabulin ko si Nathan kailangan malaman nya ang totoo"

"pero Clarence eto ang totoo mas pinili mo naman talaga ako kesa sa kanya eh dahil kung pinili mo sya edi sana wala ka dito ngayon" sagot naman nya sakin

"ano bang sinasabi mo"

"bakit Clarence totoo naman diba mas pinili n moko kesa kay Nathan kaya ang ibig lang sabihin nun ay mahal mo rin ako at di moko kayang mawala" sabi nya sakin

Pinilit ko pa ring kumawala sa kanya at hinabol ko si Nathan may mga nasalubong akong kaklase namin at tinanong ko sila kung nakita nila si Nathan

Tinuro nila sakin na tumakbo sya palabas ng school

Pero ang lakas ng ulan pero pumunta pa rin ako sa may gate ng building namin pero di ko na nakita si Nathan

Sinubukan ko syang tawagan pero nakapatay na ang phone nya

Nakita ko naman na pabalik na yung guard galing sa labas kaya tinanong ko sya kung nakita nya si Nathan alam kong kilala sya nung guard dahil kapit bahay lang namin yung guard ngayon

Sabi nya sakin nakita nya daw na tumatakbo palabas ng school kaya pumunta ako agad sa locker ko at kinuha yung payong ko para sundan sya kahit di ko alam kung nasaan sya

Bahala na kung saan ko sya hahanapin

Nathan's pov

Grabe ang sakit sakit ng nakita ko

Flashback

Halos malibot ko na yung floor kung nasaan yung room namin

Nung papunta na ko sa may hagdan nasalubong ko si Francine na pababa ng hagdan

"Francine nakita mo ba kung nasaan si Clarence?"

"nakita ko sya papunta dun sa tambayan nyo" sagot nya sakin

"ah ganun ba salamat"

Bigla kong naalala yung sinabi ni Baste na kapag mas pinipili ni Clarence si Baste ay puntahan nalang sya sa may tambayan namin

Wag naman sana mas piliin ni Clarence si Baste

Pagdating ko dun nakita kong bukas yung pinto kaya dumiretso nalang ako ng pasok

Pero sa di inaasahang pagkakataon nakita ko silang magkayakap

"Clarence salamat  at mas pinili moko kesa kay Nathan napakasaya ko Clarence mahal na mahal kita Clarence sabi ko na nga ba mahal mo rin ako eh" sabi ni Baste kay Clarence

Teka ano tama ba ang narinig ko na mahal din ni Clarence si Baste

Dahil sa narinig ko di ko napigilan ang sarili ko at naibalibag ko yung pinto tsaka ako tumakbo bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko basta gusto kong tumakbo palayo

Hanggang sa nakalabas na ko ng school at nakarating ako dun sa may pinakamalapit na park tsaka ko lang naramdaman na umuulan nga pala at basang basa na ko

End of Flashback

Napayuko nalang ako habang umiiyak nagulat nalang ako nung biglang nawalan ng patak ng ulan sakin

Kaya napalingon ako at nakita ko si Francine na pinapayungan na pala ako

"Francine"

"Nathan  kung kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob nandito lang ako para sayo" sabi nya sakin

"salamat Francine  yun nga talaga ang kailangan ko ngayon pwede mo ba kong samahan gusto kong makalimot umiinom kaba inom naman tayo"

"ah eh hindi ako umiinom eh at isa pa under aged pa tayo kaya di rin tayo makakapasok at makakabili ng alak at isa pa diba hindi ka naman umiinom" pag aalalang tanong nya

"oo pero sabi nila eto raw ang pinakamadaling paraan para makalimot eh diba mag isa kalang na nakatira sa appartment  mo pwede bang dun nalang sa tindahan nalang ako bibili para pagbentahan ako please Francine sana pumayag ka"

"ha osige ok lang sakin pero sigurado kaba na gusto mong uminom?" muling tanong nya sakin

"talaga salamat Francine oh ano pang hinihintay mo tara na"

At hinila ko na agad si Francine

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon