Chapter 34

13 0 0
                                    

Clarence's pov

Nandito ako ngayon sa may clubroom mag isa lang ako dito dahil may klase yung mga teammates namin

Ewan ko ba kung bakit iniwan ko si Nathan kanina siguro nabigla lang ako sa mga pangyayari

Tinanong na ko noon ni Nathan tungkol dito pero di ko inisip na aabot pa talaga sa ganito dahil akala ko maiintindihan kami ni Baste pero mali ako

Anong gagawin ko kapag di ko pinuntahan si Baste mawawala na sya sakin. Pero pag pinuntahan ko naman si Baste baka palayuin nya lang ako kay Nathan at ayokong mangyari yun

Lumipas ang ilang mga oras at halos mag uuwian na pero hanggang ngayon dipa rin ako nkakapagdesisyon kung anong gagawin ko

Kaya napabulong nalang ako sa hangin

"sino bang pipiliin ko sa inyo si Nathan ba na boyfriend ko or si Baste na matalik kong kaibigan"

"alam mo di mo na dapat pinag iisipan yan Clarence" biglang may nagsalita at nagulat ako nung makita ko si Francine

"Francine anong ginagawa mo dito?"

"alam mo sa totoo lang di ko dapat gawin to dahil nangako ako kay Nathan pero alam mo kaibigan ko kayong dalawa pero alam mo dapat sundin mo ang puso mo" sabi naman ni Francine

Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Francine.

Sino nga ba ang gusto ng puso ko sa tingin ko si Nathan yun.

Pero sinasabi kasi ng utak ko wag kong pabayaang mawala si Baste

Aaay ang gulo talaga

Sino bang dapat piliin ko si Baste na laging nandyan para sakin o si Nathan na tinitibok ng puso ko

Pag hindi ko pinuntahan si Baste mawawala sya sakin

Pag pinuntahan ko naman si Baste maiintindihan naman siguro ni Nathan yun

"Buo na ang desisyon ko pupuntahan ko si Baste"

"sigurado  kana ba dyan Clarence alalahanin mo boyfriend mo si Nathan pano kung magselos yun o di kaya ay ilayo ka ni Baste kay Nathan handa ka bang harapin ang maaaring maging consequences ng desisyon mo" sabi ni Francine

"oo alam ko namang maiintindihan ako ni Nathan"

"oh ano pang hinihintay mo puntahan mo na sya" sabi ni Francine

Kaya dali dali akong pumunta dun sa tambayan namin

Baste's pov

Eto na yun all or nothing na to sigurado ko pag pinuntahan ako ni Clarence akin na sya basta gawin ni Francine yung napag usapan namin

Flashback

Andito ko ngayon sa room nila Francine para kausapin sya dahil alam kong sya lang ang makakatulong sakin para mapunta sakin si Clarence

"Francine"

"oh captain bakit ka nandito may kailangan kaba sakin?" tugon ni Francine

"pwede ba kitang makausap... In private sana"

"oo naman po captain tungkol saan po ba?" sagot ni Francine

"basta sumunod ka sakin"

Pagdating namin sa clubroom ay kami lang ang tao dahil breaktime lang naman

"may gusto lang akong itanong sayo may gusto kaba kay Nathan?"

"ha bakit mo naman po natanong yan?"sagot nya sakin

"basta sagutin mo nalang ang tanong ko may gusto kaba kay Nathan o wala?"

"honestly meron po pero may gf na po sya kaya kuntento na po ako bilang kaibigan nya" sagot naman nya sakin

"ayaw mo bang mapunta sayo si Nathan? Dahil kung gusto mo ay magagawan natin yan ng paraan basta tulungan mo lang ako"

"ha pero masama naman yun at isa pa baka may kapalit yun kaya ayoko" tugon nya sakin

"walang kapalit ang inooffer ko sayo Francine dahil kapag nagtagumpay tayo mapapasayo si Nathan at sa akin naman si Clarence"

"pero pano naman ako nakakasiguro sa mga sinasabi mo?" usisa nya sakin

"alam mo nasasayo na yan kung maniniwala ka pero isa lang ang masasabi ko  sayo at yun ay totoo lahat ng sinasabi ko sayo kaya ano are you in or not"

"sige na nga alam kong masama tong gagawin natin pero mahal ko si Nathan kaya handa akong gawin ang lahat para mahalin nya rin ako"

End of Flashback

Ilang sandali nalang at malalaman ko na kung tagumpay ba kami o hindi

Nathan's pov

Di ko na namalayang nakatulog na pala ko dito sa rooftopnagising lang ako nung maramdaman kong may tumulong patak ng ulan sakin pero bago ko pa mabukas ang mga mata ko parang may masama akong nararamdaman di ko alam kung ano o bakit basta yun ang pakiramdam ko

Unti unti nang lumalakas yung ulan kaya bumangon na ko at tumakbo papasok ng building namin.

Saktong pagpasok ko bumuhos ang napakalakas na ulan buti nalang at di ako inabot nun kundi uuwi akong basa

Tumingin ako ng oras at halos mag uuwian na pala kaya bumaba na ko papunta sa room namin

Pagdating ko dun ay wala na silang klase kaya nakapasok agad ako hinanap ko si Clarence pero bakit parang wala sya dto

Nagtanong tanong na rin ako sa mga kaklase namin pero wala ni isa sa kanila ang nakaka alam kung nasaan sya

Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot nung naalala ko yung nangyari kanina nung inakbayan ko sya at tinanggal nya yun at iniwan nya kong mag isa

Pero wala eh mahal ko sya eh kaya di ko pa din matiis na di ko sya kasama kaya ittxt ko nalang sya

Sms to Clarence<3

Hi asan ka bakit wala kapa dito sa room?

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring reply si Clarence kaya lumabas na ko ng room para hanapin sya

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon