Chapter 18

31 3 2
                                    

Nathan's pov

Pagkakain namin ng hapunan ay naligo na ko at tsaka dumiretso sa kwarto ko pero dipa rin maalis alis sa isip ko yung mga sinabi sakin ni momy at francine

At dahil gulong gulo na ang isip ko ay kinausap ko ulit si momy na nasa sala at nanonood ng tv

"momy pwede ka bang istorbohin kahit sandali lang"

"oo naman anak bakit may problema kaba?" sabi nya

"opo eh hindi pa rin po kasi ako matahimik dahil sa mga sinabi nyo kanina di ko na po maintindihan kung anong nararamdaman ko eh gulong gulo na po ang isip ko"

"alam mo anak ikaw lang ang makakasagot sa pinoproblema mo tulad nga ng sinabi ko sayo alamin mo muna kung ano ang totoong nararamdaman mo para kay clarence kung bestfriend lang ba talaga ang tingin mo sa kanya o higit pa dun"sabi nya sakin kaya napaisip nanaman ako

"eh momy pano nyo po ba nalaman na may gusto po kayo kay dady noon?"

Hmmm pano nga ba ewan ko ba basta ang alam ko nagising nalang ako isang araw na di na sya mawala wala sa isip ko at lagi ko na syang hinahanap hanap na para bang ayoko na syang mawala pa sakin"sabi nya

Pagkasabi nya nun ay tumayo na ko at nagpaalam sa kanya tsaka umakyat na ulit sa kwarto ko

Pagpasok ko ng kwarto ko ay nakatulog na din agad ako malamang dahil sa pagod na pagod na ko kakaisip

Kinaumagahan pagdating ko ng school ay agad kong nakita sa may gate ng school si baste

"pwede ba tayong mag usap?dun sa cafe sa may sakayan"

Di na ko nagsalita at sumunod nalang ako sa kanya

Pagdating namin dun ay nag order na kami at umupo pero binalot kami ng katahimikan

"tapatin mo nga ako nathan wala ka ba talagang nararamdaman para kay clarence? Gusto kong sagutin mo ng totoo meron ba o wala"sabi nya sakin

Di ako sumagot dahil kahit ako ay naguguluhan sa nararamdaman ko

"t**** i** nathan sagutin mo ang tanong ko madali lang ang tanong ko oo o hindi lang ang sagot dun"galit na sinabi nya

"hindi ko alam naguguluhan talaga ako"

"pwes alamin mo sa lalong madaling panahon ayoko nang masaktan pa ng lalo si clarence tuwing nakakausap ko sya ay lagi nalang syang umiiyak at ayoko nang marinig man lang na umiiyak sya"sabi nya sakin

"nakakausap mo sya kamusta na ba sya bakit hindi man lang sya nagttxt sakin"

"di mo pa rin ba naiintindihan hanggang ngayon mahal na mahal ka nya na mas pinipili nyang sya nalang ang masaktan kesa sa madamay kapa mas pinili nyang mapag isa para makalimot na hanggang ngayon ay ginagawa nya pa rin mag isa gustuhin ko man na damayan sya pero ayaw nyang sabihin kung nasaan sya"inis na sabi nya sakin

Dahil sa sinabi nyang yun ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil nalaman kong grabe pala syang nagdurusa dahil sakin

"pwede mo bang sabihin sa kanya na gusto ko syang makausap kahit sandali lang baste"

"pasensya kana nathan pero sa bagay na yan di na ko magdedesisyon nyan at isa pa pano mo naman naisip na tutulungan kita kung alam ko naman na sasaktan mo lang sya"pagsabi nya nun ay umalis na sya

Ilang minuto din akong nakatulala at malalim ang iniisip

Bumalik lang ako sa ulirat ko nung biglang may humampas sa balikat ko

"huy kanina pa kita kinakausap bakit ka nakatulala at mukhang napakalalim talaga ng iniisip mo? Tungkol ba yan kay clarence?"sabi ni francine

Anlakas ng pakiramdam neto ni francine ah nalaman nya agad yung pinoproblema ko

"oo hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako ang nasa isip ko ay ikaw ang mahal ko pero pag kasama kita di mawala sa isip ko si clarence kaya gulong gulo ang isip ko kung ano ba talagang nararamdaman ko"pagkasabi ko nito ay napayuko nalang ako sa table

Nung biglang narinig ko na bumulong sakin si francine "alam mo kung ano ang nararamdaman mo para kay clarence minsan dapat ay sundin mo ang puso mo at wag kang magpapadala sa takot"pagkabulong nya nyan ay tumayo na sya at mukhang umalis na sya

Pag angat ko ng ulo ko ay nakita kong palabas na ng cafe si francine at biglang nag vibrate ang cp ko kaya sinilip ko at nakita kong may text galing kay francine

Sms from francine

Alam mo kung mahal mo ipaglaban mo tandaan mo Y.O.L.O. sige ka baka pagsisihan mo sa huli pag nagpadala kapa sa takot mo

Parang bigla naman akong natauhan sa tinext ni francine kaya agad agad akong umuwi ng bahay

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon