Chapter 33

19 0 0
                                    

Nathan's pov

Maaga akong gumising para maghanda sa pagpunta dun sa try out sa school at bago mag 6am ay umalis na ako para sunduin si Clarence

Pagdating ko sa bahay nila ay saktong 6am at lumabas si Clarence

"so ibig bang sabihin nito ay pupunta tayo sa try out?" tanong sakin ni Clarence

"oo wala namang mawawala kung susubukan diba"

Pagkasabi ko nun ay pumasok na sya at maya maya pa ay lumabas na si Clarence dala yung mga gamit nya

Pagdating namin sa may pool area andami nang tao kaya una naming ginawa ay hinanap namin si coach at pagkakita namin sa kanya ay sinabihan nya agad kami na mag warm up na dahil magsisimula na yung try out

Sabay na kami ni Clarence na nag warm up pagkatapos namin mag warm up ay pumunta na kami sa may registration booth at nagpalista na kami

Pagkatapos naman namin maglista ng pangalan namin ay nakita namin si Baste na nakatitig sakin ng masama kaya umalis nalang kami pero natigilan ako sa sinabi nya

"aba anong ginagawa mo dito walang lugar dito walang lugar dito ang mga hayop" biglang sabi nya sakin

"hindi ako nandito para makipag away Baste kaya kung pwede lang kung wala kang sasabihing maganda ay wag kana lang magsalita"

Pagkasabi ko non ay hinawakan nya agad ako at akamang susuntukin na sana pero pinigilan sya ni Clarence

"maswerte ka at nandito si Clarence kundi baka nadagdagan pa yang mga sugat mo sa mukha mo"  sabi pa ni Baste tsaka sya umalis

"wag mo nalang syang pansinin Nathan" sabi sakin ni Clarence

"oo alam ko Clarence"

Myamya pa ay inisa isa nang tawagin yung mga nagpalista inuna nila yung mga babae dahil mas konti sila isang batch lang sila dahil 8 lang ang babaeng kasali at saktong 8 din silang mga babae

Grabe ewan ko ba pero kinakabahan talaga ko dahil si Clarence ang unang sasabak

Natapos na yung try out nila dahil isang event lang naman yun isang 400im event lang yun (AN:sa mga di po nakakaalam ng ibig sabihin nyan individual medley ang ibig sabihin nyan na lalangoy ng in order na butterfly backstroke breastroke at huli ang freestyle bale dito tig 100 kada isa ng tuloy tuloy) tinawag na ang unang batch at hindi pa kami tinawag ni Baste ibig sabihin magkasama kami dun sa 2nd batch bale 16 kasi lahat ng lalaki

Pagkatapos ng unang batch ng lalaki ay tinawag na kami isa isa at sa di inaasahang pagkakataon magkatabi pa kami ng lane ni Baste

"go Baste galingan mo go Nathan kaya mo yan basta manalo matalo mahal pa rin kita" sabi samin ni Clarence nung papunta na kami dun sa may diving board

Hanggang sa nagsimula na nga at binigay ko ang lahat ng makakaya ko at nung natapos walang nakakalaalam samin kung sinong nauna kundi yung mga may hawak ng timer

Pag ahon ko ay dumiretso agad ako kung nasaan si Clarence

"Clarence sino sa tingin mo ang unang natapos kasi pagkatapos ko nakita ko tapos na rin karamihan eh"

"asa ka naman na ikaw ang nauna syempre ako na yun di moko kayang talunin Nathan marami kapabg kakaining bigas bago moko matalo" sabi ni Baste

"ano kaba Baste bakit kaba nagkakaganyan? Hay nako hayaan mo na nga sya dyan Nathan wag kang makinig sa sinasabi ni Baste" sabi ni Clarence

"oh so mas pinipili mo pa talaga yang ahas na yan kesa sakin" sabi ni Baste

"hindi ako namimili sa inyong dalawa Baste kaibigan kita at boyfriend ko si Nathan kaya wala akong kinakampihan sa inyo"  sagot naman ni Clarence

"hindi Clarence panahon na siguro para mamili ka samin dahil hanggat malapit ka kay Nathan ay magkikita at magkikita kami kaya mas ok na na mamili ka yung pagkakaibigan natin o si Nathan" sinabi ni Baste kay Clarence

"ha ano banhlg sinasabi mo Baste wala akong balak na mamili sa inyong dalawa dahil parehas kayong mahalaga sakin please wag mo nang paabutin pa sa ganito Baste" sabi ni Clarence

"kapag di kapa pumili samin dalawa ibig sabihin lang nun eh mas pinipili mo si Nathan kesa sakin"dagdag pa ni Baste

At nung di umimik si Clarence ay bigla nalang tumalikod si baste

"ok ganito nalang Clarence hihintayin kita sa tambayan natin mamayang afterschool kapag hindi ka dumating ibig sabihin nun ay pinili mo si Nathan kesa sakin" pagkasabi nito ni Baste ay lumayo na sya

Si Clarence naman ay naiwang nakatulala at nung hinawakan ko yung balikat nya ay nagulat ako nung tinanggal nya yun

"Nathan sorry pero gusto ko muna mapag isa" pagkasabi nya nyan ay lumayo sya sakin at ako naman eto naiwan akong tuliro

Ilang saglit lang ang lumipas ay ina announce na pero di ko na napakinggan yung announcement dahil umalis na rin agad ako sa may pool area at lumakad papunta kung saan man ako dalhin ng mga paa ko

Hanggang sa nakarating ako sa may rooftop ng school buti nalang at excused kami sa klase dahil wala talaga ko sa mood para mag aral ngayong araw

Humiga nalang ako dito sa rooftop at pumikit nalang muna

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon