Chapter 25

21 1 1
                                    

Clarence's pov

"bravo" biglang may sumigaw na lalake kaya napalingon kami kung sino yung biglang sumigaw

Paglingon namin ay nagulat kami nung bigla naming nakita sila mama at papa sa may pinto

"mama papa kanina pa po ba kayo dyan?"

"oo anak at narinig namin ang pag uusap nyo mula nung umpisa hanggang dulo"sagot ni papa samin hala edi ibig sabihin pati yung kiss nakita din nila "at oo pati yung pagnakaw ni nathan ng halik sayo eh nakita din namin"hala may pagka mind reader pala to si papa kaya napalingon ako kay nathan na pulang pula na ang mukha hahaha mukhang tinablan sya ng hiya sa ginawa nya ah

"hay nako akala ko pa naman magkakaroon na kami ng apo"nakangising sabi ni mama

"what/ha??" sabay pa naming sabi ni nathan at alam ko na pulang pula na kami ni nathan sa sobrang kahihiyan na nangyayare ngayon

"Nathan pwede ka ba naming makausap at anak pwede bang dun kana muna sa kwarto mo may pag uusapan lang kami ni nathan"nag nod nalang ako bilang sagot at dumiretso na sa kwarto ko

Nathan's pov

Kinabahan talaga ko sa sinabi ng papa ni clarence bigla nalang nila kong kakausapin at ang masaklap pa dun ako at ang mama't papa lang ni clarence ang nandito ngayon

" una sa lahat nathan gusto kong itanong sayo kung gaano mo kamahal ang anak namin"pagbubukas ng papa ni clarence

"ahmm ang totoo po nyan ti--sir di ko po kayang ipaliwanag yung nararamdaman ko para sa anak ninyo basta ang alam ko po ay sya na ang hinihintay kong babae na makakasama ko sa habang buhay di man sya ang dream girl ko pero masasabi ko po na sya ang dream wife ko"

"kung ganun siguro dapat mong malaman ang tungkol sa tunay na kalagayan ni clarence"biglang naging seryoso ang papa ni clarence

"po bakit po may problema po ba si clarence may sakit po ba sya?"yun lang ang nasabi ko dahil alalang alala na talaga ko dahil sa sinabi ng papa nya

"magagawa mo pa rin kayang mahalin ang anak namin kung malalaman mo na hindi kailanman mabubuntis si clarence?"

Na shock ako sa sinabi ng papa nya kaya di ako nkaka imik sa sinabi nya

"nadiagnose sya nung nagpa check up sya noon sa isang ob yun ay nung na ospital sya nung nakaraang buwan at doon namin nalaman na di kailanman sya mabubuntis kaya gusto kong pag isipan mong mabuti ang gagawin mo mananatili kaba sa tabi ng anak namin pagkatapos ng nalaman mo tungkol sa kanya?"dagdag pa ng papa nya

"opo inaamin ko po na nalungkot ako sa nalaman ko pero kahit na ganun pa man mas lalo pa dapat na di ko iwan ang tabi nya dahil mahal ko po ang anak nyo di ko po kayang makita syang malungkot wala po akong paki alam kung di man po kami mag ka anak na galing saming sariling laman pwede naman po kaming mag adopt kung gugustuhin man namin na magkaroon ng anak"halos mangiyak ngiyak kong pagpapaliwanag sa kanila

"sapat na ang mga narinig ko mula sayo nathan at gusto kong malaman mo na ibinibigay ko sayo ang basbas ko sa relasyon nyong dalawa pinapaubaya ko na sayo ang anak ko nathan at sana wag kang sumira sa pangako mo"

"opo makaka asa po kayo"taas noo kong sagot

"ako din nathan ay binibigay ko na rin ang basbas ko sa relasyon nyong dalawa dahil napatunayan ko na ang tunay na intensyon mo sa anak ko"

Ha kelan parang wala naman akong naaalalang ginawa ko

"alam kong iniisip mo kung anong ginawa mo para makuha mo ang basbas ko at yun ay dahil sa ginawa mo nung inaya ka ni clarence na matulog kasama sya pinatunayan mo na malaki ang respeto mo sa anak namin kaya nasisiguro ko na malinis ang intensyon mo sa anak ko"

"maraming salamat po sa inyo ti-sir ma'am makaka asa po kayong hinding hindi po ako sisira sa mga sinabi ko"

"osya sige na pumasok kana sa kwarto ni clarence at matulog kana dun"sabi ng mama ni clarence

"po? Hindi na po kailangan yun dun nalang po ako sa labas matutulog kahit na alam kong may basbas na ko mula sa inyo ay hindi pa rin po magbabago ang isip ko tungkol dyan"

"ano kaba syempre di kayo magtatabi ni clarence dahil kayo ng asawa ko ang magsasama sa kwarto ni clarence at ang anak ko naman ang makakasama ko sa kwarto ko"pagkasabi nun ng mama ni clarence ay nagsi pasok na kami sa mga kwarto namin at natulog na

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon