Chapter 16

33 4 2
                                    

Nathan's pov

Parang nawasak ang mundo ko nung marinig ko yung sinabi ni clarence at parang narecord sa utak ko yung sinabi nyang layuan ko sya

Di ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi nyang iyon at di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sa kakaisip nun dahil nag rereplay sa utak ko yung itsura ni clarence nung kinakausap nya ko

Alam ko di dapat ganito ang maramdaman ko pero di ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito  alam ko masakit ang mag away kayo ng bestfriend mo dahil nag away na rin kami noon pero di naman ganito ang naramdaman ko noon ni hindi nga ako naiyak nung nag away kami noon pero bakit ngayon di ko mapigilang umiyak

Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ko dun sa ilalim ng puno at pag gising ko ay may kumot na na nakatakip sakin kaya bigla nanamang bumalik sa isip ko yung mga nangyari kanina kaya pumasok na ko sa bahay nila para matulog sa kwarto

Clarence's pov

Gumising ako ng maaga dahil balak kong pumunta ng probinsya namin dahil di ko alam kung paano ko haharapin si nathan matapos yung nangyari kanina

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong napansin na wala si nathan sa kwarto nya dahil bukas na bukas ang pintuan ng kwarto nya kaya tinignan ko sya sa labas at nakita kong nakatulog na sya dun kaya kinuha ko yung kumot nya at kinumutan ko sya dun tsaka aki naligo

Pagkatapos ko maligo ay mukhang pumasok na sya sa kwarto nya dahil nakasara na yung pintuan ng kwarto nya

Pagkabihis ko ay kinuha ko na ang gamit ko at bago ko lumabas ng bahay ay nag iwan muna ako ng note sa lamesa at pagkatapos nun ay umalis na ko para pumunta sa probinsya namin kung nasaan ang parents ko

Nathan's pov

Nagising ako dahil tumunog na ang alarm clock ko kaya agad agad ko namang pinatay yuntsaka lumabas ng kwarto at naisipan kong silipin si clarence sa kwarto nya pero pag akyat ko dun ay bukas na bukas ang pinto at walang bakas ni clarence kaya agad akong bumaba para hanapin kung nasaan sya

Nung di ko sya mahanap ay napaupo nalang ako sa sofa at may nakita akong sulat nung binuksan ko yun ay nahalata kong sulat kamay ni clarence yun kaya agad kong binasa

Nathan,
                Siguro pag nabasa mo to ay nakasakay na ko ng bus papuntang probinsya pasensya kana at di na ko nag paalam sayo ha sana maintindihan mo kung bakit di ko na pinaalam sayo gusto ko lang kasing mapag isa kaya bigla kong naisip na pumunta sa probinsya oh papano mag ingat kana lang dyan ha at kung pwede wag mo na sabihin kay baste yung tungkol dito <may kasunod pang nakasulat kaya lang burado na pero kahit papano ay nababasa pa rin>(i love you)

P.S kapag aalis kana ng bahay ay i lock mo nalang yung mga pinto at pakipatay sa main switch yung kuryente salamat

                                                        Clarence

Pagkabasa ko nun ay di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko nung binabasa ko yun kaya ginawa ko ang sinabi nya tsaka umuwi ng bahay

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni momy

"oh anak bakit nandito ka diba dapat andun ka kanila clarence at kasama sya"pag uusisa nya

"umuwi po ng probinsya si clarence kaninang madaling araw"

"ano bakit anong nangyari bakit bigla syang umalis"pag aalalang tanong nya

At di na ko nakasagot dahil di ko alam kung anong sasabihin ko

"may problema ba kayo anak? Pwede mong sabihin sakin yan baka makatulong ako dahil di ko kayang hayaan kang umiyak ng di ko alam kung bakit"sabi na na ikinagulat ko

Di ko namalayang tumulo pala ang luha ko dahil naalala ko yung nangyari kanina at bigla naman akong hinila ni momy papasok ng bahay

"ano ok na ba dito sige na sabihin mo na kung anong problema mo o niyo ni clarence"sabi nya kaya di ko na rin napigilan na sabihin sa kanya

"sinabi nya po kasi na mahal nya daw po ako"

"oh tapos anong sinabi mo sa kanya?"usisa nya

"nagsorry po ako sa kanya dahil ako pala ang dahilan ng pag iyak nya siguro dahil nakita nya kong kausap sa phone si francine tapos lumabas na po ako ..."hanggang sa natapos kong ikwento sakanya hanggang sa pagkabasa ko nung sulat nya

"eh ikaw naman ano ba talagang nararamdaman mo para kay clarence? Gaano ba sya kaimportante sayo"tanong nya sakin

"kung sa halaga lang napakahalaga ni clarence para sakin dahil bestfriend ko sya at kababata"

"pero di mo pa rin sinasagot ang una kong tanong anak ano ba talagang nararamdaman mo kay clarence kung talagang hanggang bestfriend lang ang turing mo sa kanya ay dapat sabihin mo sa kanya ng maayos at ipa intindi mo sa kanya na talagang hanggang dun nalang kayo para at least naipaliwanag mo na sa kanya ng maayos"pangaral sakin ni momy

Pagkasabi nya nun ay umalis na sya at pumasok sa kusina kaya bigla akong napapikit para mag isip tungkol sa sinabi ni momy sakin

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon