Chapter 8

43 5 5
                                    

Clarence's pov

"haaa ano nagbibiro ka po ba momy?" narinig kong sigaw ni nathan mula sa taas kaya di ko na din napigilan ang sarili ko para umakyat sa 2nd floor nila at nung makalapit ako sa kwarto ni nathan narinig ko silang nag uusap ni tita

"hindi ako nagbibiro anak doon ka muna matutulog sa bahay nila clarence sasamahan mo muna sya doon hanggang sa makauwi ang parents nya"dinig kong sabi ni tita

"ano bang sinasabi mo momy naiintindihan mo po ba yang sinasabi mo? I mean lalaki ako at babae sya tapos hahayaan nyong magsama kami sa iisang bahay ng ilang araw"reklamo ni nathan

"wala nang reklamo pa nathan lee sa ayaw mo at sa gusto yun ang gagawin mo kaya ihanda mo na ang gamit mo para sabay na kayong pumunta sa bahay nila at hinihintay kana ni clarence sa baba"sermon ni tita kay nathan tsaka lumabas ng kwarto ni nathan at  nasalubong nya ko paglabas nya

"ah tita ok lang naman po akong mag isa kaya ko na po ang sarili ko"

"hindi clarence napag usapan na namin to kanina ng parents mo dahil napadaan ako sa may bahay nyo kanina bago sila umalis"sabi nya sakin

"hindi na po kaya ko na po talaga mag isa maiistorbo ko lang po si nathan pag ginawa nya yun"

Bigla namang lumabas ng kwarto nya si nathan na may dalang bag nung makita nya kaming nag uusap ng momy nya

"oh ayan na pala si nathan eh sige na umalis na kayo baka lalo pa kayong gabihin"sabi ni tita samin ni nathan tapos hinila na ko ni nathan palabas ng bahay

"uuhhmm nathan di mo naman kailangang gawin to eh kaya ko naman ang sarili ko"

"hindi tama din naman si momy eh di dapat kita hayaan na mag isa lang sa bahay nyo para saan pa at magbestfriend tayo kung di ko gagawin to"sabi ni nathan kaya bigla namang uminit ang pisngi ko buti nalang at madilim na kaya di halata na namumula na ang pisngi ko sa sinabi nya dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon

Pagdating namin ng bahay ay itinuro ko na sa kanya yung kwarto kung saan sya pwedeng matulog pagtingin ko sa orasan ay 10pm na pala kaya nagpasya na kong pumasok ng kwarto ko para makapag ayos na para matulog

Nung matutulog na ko ay bigla namang may kumatok sa pintuan ng bahay kaya lumabas ako para tignan kung sino yun

At sa di inaasahang pangyayare ay isang lalaking naka jacket at bonet ang pilit na pumasok ng bahay kaya naisip kong sumigaw pero bago pa man din ako makasigaw ay natakpan na nya ang bibig ko at kinaladkad ako sa kwarto

"wag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay"bulong sakin nung lalaki

Mangiyak ngiyak na ko nung mga oras na yun

At unti unti nyang itinaas ang suot kong t shirt habang nakatakip pa rin ang bibig ko at nakatali ang mga kamay ko

Napapikit nalang ako sa takot na nararamdaman ko pero bago pa man nya naitaas ng todo ang t shirt ko ay biglang may kumalabog at pagdilat ko ng mga mata ko ay may nakita akong lalaki pero malabo ang nakita ko at nawalan na ako ng malay

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon