Chapter 14

34 5 2
                                    

Nathan's pov

Pag gising ko nung tanghali na yun ay gumanda na ang pakiramdam ko kahit papano pagtingin ko sa gilid ko ay andun si clarence nakatulog na sa sofa dahil siguro sa pag aalaga nya sakin buong umaga ay nakatulog na sya

Kaya ang ginawa ko para makabawi sa kanya ay nagluto ng tanghalian saktong pagkatapos ko magluto ay biglang may bumatok sakin at paglingon ko ay nakita kong masama ang tingin ni clarence sakin

"hoy baka mabinat ka sa ginagawa mo baka gawin mo nanaman akong private nurse mo"sabay irap nya sakin

"hindi noh gusto ko lang makabawi sayo kasi imbis na ako ang mag alaga at magbantay sayo eh kabaligtaran ang nangyari"

"ano kaba wala yun noh bestfriend kita kaya dapat lang mag tulungan tayo diba"sabi nya sakin

"tara na kumain nalang tayo"

At kumain na nga kami

Pagkatapos namin kumain ay sya na ang naghugas ng pinag kainan namin at pagkatapos nya ay bigla namang nag ring ang phone nya

Clarence's pov

"hello mama buti po at napatawag na po kayo kahapon ko pa po kayo tinatawagan eh"

(pasensya kana anak kung di na kami nakapag paalam sayo ha pero tumawag lang ako para sabihin sayo na baka matagalan pa bago kami makauwi dyan ng papa mo)

"ha bakit po ano pong nangyari kelan po kayo uuwi dito ma"

(pasensya na nak sa susunod nalang tayo mag usap ha kailangan ko na ibaba to)

Sasagot pa sana ko pero bigla namang binaba ni mama yung phone

"mukhang magtatagal pa tayong magkakasama dito ah"biglang sabi ni nathan

"pasensya kana ha at mukhang maabala nanaman kita"

"ano kaba wala yun noh para saan pa at naging bestfriend kita kung eto lang di ko pa magagawa para sayo"sabi nya na dahilan kung bakit ako kinilig pero buti nalang at napigilan kong tumili dahil sa kilig

Kinagabihan naisipan naming manood nalang ng movie pero syempre choice ko yung movie at syempre ang favorite ko na genre ang pinili ko at yun ay ang rom-com na movie

Pagkatapos namin manood ay nagluto na ko ng hapunan namin habang sya ay umuwi muna saglit para ipaalam sa parents nya yung tungkol dun sa sinabi sakin ng mama ko

Halos kalahating oras ang lumipas ay natapos na kong magluto pero wala pa rin sya nung umupo ako sa may sala ay bigla kong naalala yung nangyari nung isang gabi nung biglang may pumasok dito sa bahay kaya nung biglang bumukas yung pinto ay nataranta ako at biglang pinulot ang unang bagay na nakuha ko at binato dun sa pumasok

"aaah ano bang trip mo bakit moko binato"napasigaw sa gulat si nathan

"eh kasi naman nagulat ako sayo akala ko mauulit nanaman yung nangyari sakin"pagkasabi ko nyan ay tumakbo ako palapit sa kanya habang umiiyak

"buti nalang at unan lang ang nakuha mo at naibato sakin kundi baka kung ano nang nangyari sakin dahil sa pagbato mo"pagbibiro nya kaya napatawa nalang din ako tsaka umakyat sa kwarto ko

Halos mag aalas onse na pero di pa rin ako makatulog ilang oras na rin akong nakahiga dito kaya napagdesisyonan kong bumaba para silipin kung gising pa si nathan kaya lang mukhang tulog na sya kaya umakyat nalang ulit ako pero bago pa man din ako makaakyat ng hagdan ay biglang tinawag ako ni nathan na kakalabas lang ng kwarto nya

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon