Chapter 12

32 5 5
                                    

Clarence's pov

Pagdating namin sa subdivision ay dumiretso muna kami sa bahay nila nathan dahil may kukunin daw syang gamit sa bahay nila

Nung bubuksan na sana nya yung pintuan ay bigla nalang may tumawag sa kanya

"nathan"sigaw ng isang babae at paglingon ko ay si francine pala yung tumawag sa kanya kaya nilapitan muna nya si francine

At dahil sa tagal ng usapan nila ay kumatok nalang ako sa pintuan nila at pinagbuksan ng momy nya

Nathan's pov

"oh francine ikaw pala anong ginagawa mo dito?"

"ahm gusto ko sana magpasama sayo eh tinetext kasi kita di ka naman nagrereply kaya pumunta nalang ako dito"sagot nya sakin

"magpasama saan?"

"sa mall may sale kasi ngayon ng mga sports gears shops kaya gusto kong pumunta"sagot nya sakin

"ah sige ba sasamahan kita teka lang ha magpapaalam lang ako"

Pagkasabi ko sa kanya nun ay pumasok na ko para magpaalam kay momy

"momy aalis lang po ako ha"

"san ka naman pupunta ha nathan pagabi na sasamahan mo pa si clarence ngayon diba"sabi nya sakin

Oo nga pala bakit di ko agad naisip yun nako naman pano na to

"ah alam ko na isasama ko nalang ni clarence"

"mabuti pa nga ay isama mo na sya para makapag relax sya"sabi nya sakin kaya pinuntahan ko na si clarence na nandun sa may sala

"clarence tara punta tayo sa mall may sale daw yung mga sports gear"

"ha pano mo naman nalaman yun?"tanong nya sakin

"sinabi sakin ni francine nagpapasama sya kaya sumama kana rin samin"

"ayoko nga makakagulo lang ako sa inyo nung bebe mo eh baka ma op lang ako sa inyong dalawa"sagot nya sakin

"ayts ang ingay mo naman baka marinig ka nya andyan lang sya sa labas"

"sige na umalis na kayo ayokong makaistorbo sa date nyo ni francine"sabi nya sakin

Kaya lumabas na ko ng bahay pero bago ko lumabas napaharap ulit ako kay francine

"hintayin mo nalang ako dito sabay na tayong pumunta sa inyo" at tuluyan na kong lumabas ng bahay

Clarence's pov

Makalipas ang dalawang oras ay wala pa rin ni anino ni nathan at halos mag aalas otso na at maya maya pa ay tinawag na ko ng momy nya para kumain at di na ko makatanggi kaya sumama nalang ako

"clarence bakit di ka sumama kay nathan"tanong nya sakin

"aaah tinatamad po kasi ako eh tsaka wala naman po akong pera kaya wala akong gagawin dun"

"ah ganun ba nagsabi ba sya sayo kung anong oras sya uuwi?"tanong nya ulit sakin

"wala po syang sinabi eh"

"ah ganun ba osya itetext ko nalang sya para makapahinga kana rin at kung gusto mo ay umakyat ka nalang muna sa kwarto ni nathan para matulog"sabi nya sakin at sumunod naman ako sa sinabi nya

Pag akyat ko sa kwarto ni nathan ay agad naman akong humiga sa kama nya di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako

Nagising nalang ako nung biglang umingay sa labas at pagtingin ko ng oras ay alas diyes na ng gabi kaya bumaba ako para tignan kung bakit sumisigaw ang momy ni nathan

"ano ka ba naman nathan bakit nagpagabi ka alam mo naman na sasamahan mo pa si clarence sa bahay nila diba"sermon ng momy nya kay nathan

Ilang minuto din natahimik kaya nagsalita na ulit ang momy nya

"ano bakit di ka magsalita ganito nalang tutal di ka sumasagot kaya mr nathan lee you are grounded for 1 month"sermon ng momy nya

"what grabe naman nagpaalam naman ako sayo kanina momy ah bakit naman kailangan pang ma grounded ako"sagot naman ni nathan

"dapat lang yun sayo dahil di mo sineseryoso ang mga responsibilities mo"sagot ng momy nya

"what ano naman pong responsibility ang sinasabi mo eh umuwi naman po ako ng bahay ah at di ko nalimutang magpaalam bago umalis" sabi ni nathan

"baka nakakalimutan mong ikaw ang magbabantay kay clarence diba kaya bakit ngayon kalang yun ang dahilang kung bakit ka grounded for 1 month" pagkasabi ng momy nya non ay kinuha nya ang cp ni nathan

"no cellphone and school bahay kalang at pag nalaman kong gumala kapa bago umuwi ay kukunin ko pati ang perang baon mo"sabi ng momy nya

"what pati baon kong pera eh pano naman po ako papasok kung wala akong pamasahe"reklamo ni nathan

"si clarence na ang hahawak ng pera mo kaya siguraduhin mong susunod ka sa gusto ko kung ayaw mong mangyari yun kaya sige na umakyat kana sa kwarto mo at andun si clarence nang makapunta na kayo sa bahay nila"utos ng momy nya pero paglingon nila sa may hagdan ay nakita na nila ko kaya bigla nalang akong nilapitan ni nathan at hinila ang mga kamay ko palabas ng bahay nila at tahimik lang syang naglalakad

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon