Chapter 6

45 5 5
                                    

Sebastian's pov

Lunch break ko na ngayon at nandito ako sa canteen at hinahanap ko kung nasaan sila nathan at clarence pero di ko sila makita kaya ang ginawa ko ay tinext ko sila

Sms to nathan&clarence

Hoooy!!! Asan na ba kayo lunch break na bakit wala pa kayo dito sa canteen diba usapan natin sabay sabay tayong mag llunch tsk tsk tsk.

Pagkatapos ko maisend yung text pag angat ko ng ulo ko ay nakita ko si francine kaya tinawag ko siya para tanungin kung nasaan yung dalawa

"francine"sigaw ko sa kanya at napalingon naman siya

"oh bakit po kuya baste?"sagot niya sakin

"asan ba sila nathan at clarence bakit di mo sila kasamang pumunta dito?"

"di ko po alam eh parehas silang wala dun sa first subject namin sige po pupuntahan ko na mga friends ko bye" sabi nya sakin

Bakit kaya parehas pa silang wala at talagang sabay pa silang nawala matawagan nga si clarence

Calling clarence....

Pagtapos ng tatlong ring ay sinagot na nya ang tawag ko

Hello clarence bakit di ka pumasok? May sakit ka ba kaya di ka nakapasok?

<ha hindi noh ok lang ako papunta palang kasi ako ng school>

Ah ganun ba akala ko kung ano na nangyare sayo at di ka nakapasok

<eh ako hindi mo ba itatanong kung bakit di ako pumasok?>

(teka parang kilala ko tong boses na to ah si nathan!!! bakit sila magkasama)

Aaah nathan ikaw ba yan? Bakit magkasama kayo ni clarence? Nagpplano kayo ng wala ako ha grabe kayo

<oo ako nga baste di naman to planado noh biglaan lang to ewan ko ba dito kay clarence nung nalaman niyang di ako makakapasok ng first class eh sumama naman siya sakin>

Loko loko ka talaga nathan dinadamay mo nanaman si clarence sa kalokohan mo

<hindi noh kita mo tuloy clarence ginawa mo pa kong b.i>
<hoy hindi naman ako pinilit ni nathan na sumama sa kanya eh sarili kong desisyon yun baste ano kaba>

Call ended

Sabay baba ng phone mukhang nagalit pa yata sakin si clarence nakakainis na talaga bakit ba baliw na baliw siya kay nathan eh kung ikukumpara naman kami di hamak na mas gwapo naman ako sa kanya

"sebastian cruz!!!" sigaw ng isang lalaki kaya bumalik ako sa ulirat ko

"coach kayo po pala bakit po ba kayo sumisigaw"

"kanina pa kase kita tinatawag di moko pinapansin kaya sinigawan na kita ano ba kasing iniisip mo at mukhang napakalalim nyan"sabi nya sakin

"ah wala po inaantok lang ako bakit nyo po ba ko tinatawag?"

"sasabihin ko kasi sayo na wala muna tayong training mamaya ikaw na bahalang magsabi sa mga teammate mo"sabi nya sakin

"sige po coach"

Pag alis ni coach ay agad ko namangkinuha yung cp ko at tinext ang mga teammate ko para sabihin yung mga sinabi ni coach sakin pagkatapos kong itext sila ay namataan naman ng mga mata ko na sabay pumasok sa canteen sila nathan at clarence at lumapit sila sa kung saan ako nakaupo

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon