Chapter 28

13 0 0
                                    

Nathan's pov

"bakit ka umiiyak clarence?

"akala ko kasi panaginip lang yung lahat ng mga nangyari eh kasi pagkatapos ko mag ayos ng gamit eh nakatulog ulit ako tapos pag gising ko hinanap kita sa bahay pero wala ka dun tapos pati yung gamit mo wala na dun at natakot ako dahil akala ko di totoo yung mga nangyari sating dalawa hinanap ko sila mama para itanong kung nasaan ka pero walang tao sa bahay kaya hinanap kita andito kalang pala"tsaka sya humagulgol ng iyak at lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin

"Clarence ano kaba totoo tong lahat hindi ito panaginip tignan mo kapain mo ko(at talagang kinapa kapa nya yung mukha ko napakamasunurin talaga nitong girlfriend ko)oh diba sabi ko sayo totoo ang lahat ng to eh"

"haay buti naman at di pala ko nananaginip ahmmm Nathan wag na wag mokong iiwan ha kasi ako hinding hindi kita iiwan andito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari"paglalambing pa nya at aaminin ko kinilig ako sa sinabi  nya

"oo pangako yan Clarence dahil mahal na mahal kita pangako ko sayo na hinding hindi ako gagawa ng bagay na pwedeng makasakit sayo ahmm clarence pwede ba kitang halikan kahit sa noo lang ?"

"hahaha oo naman di mo naman kailangan na magpaalam pa yun lang pala eh"sagot nya pa sakin kaya hinalikan ko na sya sa noo at tsaka ko sya niyakap ng mahigpit

Bigla namang may sumigaw

"hoooy mga bata kakain na mamaya nyo na ituloy yan baka sirain ng langgam mga pananim dyan wala tayong pambayad dyan" kaya napatawa kami ng sabay sa sigaw ng mama nya tsaka kami lumakad ng sabay at magkahawak kamay pa  papunta sa bahay nila para kumain

Pagkatapos naman namin kumain ay nagpahinga lang ng konti at nagpaalam na kami sa pamilya nila Clarence para umuwi na

Pagsakay namin ng kotse ay magkatabi kami ni Clarence sa backseat at nakita kong parang pumipikit pikit na sya sa pagod na rin siguro at antok kaya pinatong ko yung ulo nya a balikat ko at niyakap ko sya para makatulog na sya at ako rin ay natulog na ng nakasandal sa ulo nya

Nagising nalang kaming dalawa nung dumating na kami dun sa bahay nila at pagbaba namin ay binuhat ko na yung gamit nya papasok ng bahay nila pagkapasok ko ng gamit ni Clarence ay nagpaalam na ko sa kanila para umuwi na at sinamahan naman ako ni Clarence papalabas ng bahay nila

"oh pano Clarence uuwi na muna ako ahmm susunduin nalang kita bukas para pumasok sa school at marami rami na ang hahabulin nating mga lesson"

"ok sige mag iingat ka pauwi ha i love you"sagot nya sakin

"i love you too sige uuwi na ko" sabay halik ko sa noo nya at niyakap sya pagkatapos nun ay umalis na ko

Pagdating ko ng bahay ay parang walang tao at may note sa labas

Nathan

Nagdate lang kami ng dady mo andyan yung susi sa pinagtataguan natin

Ps: kumain kana lang dyan ha

Pagpasok ko ng bahay grabe napakadilim sa loob at pagbukas ko ng ilaw ay nagulat ako nung biglang sumigaw sila dady at momy

"welcome home Nathan"

"dady momy akala ko po eh nagdate kayong dalawa"

"haha syenpre ginawa lang namin yun para  sorpresahin ka"sagot ni momy sakin

"ah ganun po ba haha salamat momy at dady pasensya na po ha wala akong pasalubong eh wala kasi akong pambili haha"

"ano kaba anak ok lang yun sapat na samin yung mag kwento ka sa mga nangyari mula nung pag alis ko"sagot ni momy sakin

Kaya naman kinwento ko nalang  ang mga nangyari as in lahat lahat no choice naman ako eh di ako titigilan nila momy at dady hanggat di ako nagkkwento sa kanila

Pagkatapos ko magkwento ay kumain na kami ng dinner at pumasok na ko sa kwarto ko

At pagpasok ko ng kwarto ay tinawagan ko si Clarence

Calling... Clarence<3

"hello Clarence"

(hi Nathan bakit napatawag ka yata)

"bakit ayaw mo ba kong kausap Clarence"

(oy hindi ah gustong gusto ko nga eh namimiss na nga kita eh)

"ako din naman noh kaya nga tinawagan na kita eh kasi namimiss ko na yung boses mo"

(sos bola hahah)

"bola daw pero kinilig ka naman hahaha"

(oo na kinilig na ko parang ikaw naman hindi)

"haha syempre naman kinilig ako"

(nga pala Nathan agahan mo pagsundo sakin bukas ha para makapag aral tayo nung mga lessons na na skip natin(Clarence Nathan may bukas pa matulog na kayo)oops Nathan narinig mo naman siguro yung sinabi este sinigaw ni mama kaya goodnight na and i love you)

"goodnight din Clarence i love you too"

Pagkatapos nung tawag na yun ay natulog na ko

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon