Chapter 1

102 5 8
                                    

Nathan's pov

Tok tok tok

"gising na tanghali na baka ma late ka first day of school ngayon"sigaw ni momy sa labas ng kwarto ko.

"opo gising na po babangon na po" pero hindi pa ko nakakalabas ng kwarto ko bigla nalang nag vibrate yung cellphone ko.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay nakita ko na nagtext si Clarence sakin

Sms: espren Clarence

"goodmorning Nathan gising na alam kong tulog kapa hahaha anyways kitakits nalang sa school mamaya sana magkaklase pa rin tayo :)"

Sms to: espren Clarence

"loko loko gising na ko hahaha goodmorning din oo nga sana magkakaklase p rin tayo pati ni francine :)"

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong pumunta sa kusina para kumain ng almusal at pagtapos ko kumain ay maliligo na ko at magbibihis para pumasok sa school maagang pumapasok sila momy at dady kaya nag cocommute nalang ako mag isa sa pagpasok.

Pagdating ko ng school ay agad akong pumunta sa may tapat ng registrars office para tingnan ang schedule ko at pagdating ko dun ay nakita ko dun si Francine tumitingin din ng schedules

"hi Francine goodmorning"

"hello Nathan goodmorning din mukhang magkakaklase ulit tayo pati ni clarence ah"sabi nya sakin at tumingin na rin ako sa schedule ko

Bago ko matapos isulat ang schedule ko sa notebook ko ay biglang may nagtakip ng mga mata ko"sino ba to ang lakas ng trip mo ah"

"hulaan mo kung sino ako hahaha" boses ng isang babae at dahil sa tawa nya ay nalaman ko kung sino sya

"Clarence alam kong ikaw yan dahil tawa mo palang eh halata kana haha" pang aasar ko pa sa kanya na dahilan kung bakit bigla nya kong binatukan "aray bakit kaba nang babatok masakit kaya"pagrereklamo ko sa kanya

"namiss lang kasi kita haha"sabi nya sakin bago nya ko hampasin ulit sa braso

"aray nakakarami kana ha pag ako naasar nako baka magsisi ka" reklamo ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako kaya natawa nalang rin kami ni francine

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na kami sa may clubroom para kunin ang mga gagamitin namin sa training tsaka kami pumunta sa pool at doon ay nag aabang na sa amin si baste

"you're all late dahil dyan ay may parusa kayo"panakot ni baste saming tatlo pero agad naman syang sinagot ni clarence

"eh kakatapos lang ng klase namin kaya kami na late cap" sagot ni clarence

"ganun ba kung ganun ay ikaw lang ang may parusa clarence" sagot ni baste sabay halakhak ng malakas

"waaaa bakit naman may violation ba ko wala naman ah"pasigaw na sagot ni clarence

"dahil tinawag mo nanaman akong cap diba sinabihan na kita na wag mokong tatawaging cap kundi paparusahan kita"pagmamalaking sagot ni baste na dahilan kung bakit tinawanan naming dalawa ni francine sila baste at clarence at agad naman silang napatingin samin

"anong tinatawa tawa nyo dyan" nag duet pa silang dalawa sa pag sita samin kaya bigla kaming napatigil sa pagtawa pero halatang halata pa rin sa mukha namin ang pilit na pagpipigil namin ng tawa buti nalang at dumating na ang coach namin kaya nagsimula na kaming mag training.

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon