Chapter 27

16 0 0
                                    

Nathan's pov

Mahigit isang oras din akong nagsisibak ng kahoy pagkatapos ko ay pinuntahan ko na si Clarence na kwarto nya sabi ng mama nya

"tok tok tok"

Naka ilang katok na ko pero walang sumasagot kaya binuksan ko na yung pinto

Pagbukas naman ng pinto ay nakita ko si Clarence na natutulog kaya naisipan kong ipagluto sya ng pagkain syempre ang specialty ko ang nilagang itlog hahaha oo yun ang specialty ko haha di naman kasi ako marunong magluto at yun lang ang pwede kong lutuin pero marunong din naman akong magprito kaso wala naman ako maluluto

Pagkaluto nung itlog ay pumunta na ulit ako sa kwarto ni Clarence dala dala yung niluto ko sakto namang pag dating ko dun ay nagising si Clarence

"Clarence breakfast on bed"

"wow ang sweet mo naman Nathan anong niluto mo?"sagot nya sakin

"aba syempre ano pa ba edi yung specialty ko nilagang itlog hahaha"

Sabay abot ko sa kanya nung itlog

"at syempre dahil special ka binalatan ko na yan para di kana mahirapan magbalat nyan pasensya kana Clarence ha yan lang kasi kaya kong lutuin eh"

"ano kaba anong lang ka dyan wag mo nga i lang lang tong luto mo ang importante yung nag effort ka para gawin to" sabi nya na sinabayan nya ng halik sa pisngi ko

"salamat Clarence ha kasi napaka understanding mo i love you Clarence"

"i love you too Nathan wag kang mag alala magaling ako mag luto kaya di tayo magugutom pag ahmmm..."sabi pa nya sabay biglang namula yung pisngi nya kaya nahalata kong kinilig to

"pag ano Clarence? Tsaka bakit ka namumula dyan nilalagnat kaba?"

"ah ano nevermind nalang yun hehe" sabi nya at lalo pa siyang namula kaya talagang na curious na ko kung ano ba yung gusto nyang sabihin kanina

Teka di kaya

"ano ba yun Clarence? Sabihin mo na wag kanang mahiya"

"haaay sige na nga sasabihin ko na ang ibig kong sabihin kanina ay di tayo magugutom pag ahm... Naging ano... Mag asawa na tayo in the future"sabi nya na lalo pang nagpapula sa mukha nya

Kaya niyakap ko sya ng mahigpit sabay bulong ng "i love you"

"i love you too"sagot din nya

Bigla namang may nagsalita

"ehem ehem baka langgamin na yung buong bahay sa kasweetan nyo"pagharap namin nakita namin ang papa nya na sya palang nagsalita

"ahmm hindi naman po sorry po kung niyakap ko si Clarence"

"hahaha bakit ka naman humihingi ng tawad sakin wala namang kaso sakin yun tutal mag boyfriend at girlfriend naman kayo eh basta isa lang ang ipapaalala ko sa inyo yun ay dapat alam nyo ang limitasyon nyong dalawa maliwanag ba?"

"opo/opo papa"sabay naming sagot ni clarence

"oo nga pala after lunch uuwi na tayo ihanda nyo na ang mga gamit nyo"pagkasabi nun ng papa nya ay lumabas na ito ng kwarto

"ahmm Clarence gusto mo tulungan na kitang mag impake ng gamit mo?"

"hindi na kaya ko na to mag ayos kana lang rin ng gamit mo"sagot nya sakin

Pagkasabi nya nun ay lumabas na ko ng kwarto nya at inayos ko na ang gamit ko

At di ko na namalayan yung oras dahil sa pagkatapos ko  mag aayos ng gamit ko ay pumunta ako sa bukid nila para mag lakad lakad nung bigla nalang may yumakap sakin habang nakatalikod ako at nung humarap ako para tignan kung sino yun ay nagulat ako nung makita kong si clarence pala yung yumakap sakin at umiiyak pa sya

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon