Chapter 2

56 5 6
                                    

Nathan's pov

Pagkatapos ng training namin ay nauna nang mag shower silafrancine clarence at iba pang mga teammate naming babae at nagpahuli naman kami ni baste dahil nagpahinga muna kami sa pool

"mukhang nagiging close na close na talaga kayo ni francine ah"pang aasar nya sakin

Natameme lang ako sa sinabi nya pero bakas sa mukha ko yung hiya ko

"kelan mo balak aminin sa kanya yang matagal mo nang tinatago tago sige ka baka maunahan kapa ni mark kay francine"panakot nyang sinabi sakin

"haay bwiset ka talaga baste lalo tuloy akong nawawalan ng pag asa eh imbis na palakasin mo ang loob ko tinatakot mo pa ko eh bahala kana nga sa buhay mo dyan"sabay umalis na ko sa pool at magshshower na sana pero hinabol ako ni baste sabay hampas sa likod ko sabay napasigaw ako ng "aray"

"hooy eto naman niloloko lang eh galit na agad hahaha"pabiro nyang sinabi sakin paglabas namin ng shower room ay nakita naming nag aabang sila francine at clarence samin dahil ang parusa ni clarence ay ililibre nya kami ng ice cream sa labas ng school

Pagkuha namin nung ice cream ay sabay sabay na kaming naglakad pauwi at pagdating namin sa sakayan ng jeep ay humiwalay na samin si baste dahil malapit lang sa school yung apartment nya at tatlo nalang kaming sabay sabay na sumakay ng jeep

Tahimik lng ako habang bumibyahe nung malapit na si francine sa bababaan nya ay nagpaalam na sya "oh paano malapit na kong bumaba mag iingat kayong dalawa ha kitakits nalang sa school bukas" sabi nya samin "sige ingat ka rin kitakits bukas" sagot naman ni clarence

"bye mag iingat ka ha txt txt nalang at kitakits sa mata" sagot ko sa kanya at tumawa naman silang dalawa dahil sa biro ko sa kanila at pati ako natawa rin sa sinabi ko hanggang sa bumaba na nga si francine ng jeep 

Kami nalang ni clarence ang nandito sa jeep dahil magkalapit lang kami ng bahay pagbaba namin ng jeep ay naglakad na kami papasok ng subdivision namin

"hoy ngingiti ngiti ka nanaman dyan kinikilig ka nanaman kay francine ha hahaha"pang aasar nya sakin sabay kurot sa tagiliran ko na naging dahilan kung bakit napatalon ako sa gulat

"loko loko ka talaga clarence panira ka naman ng moment eh"reklamo ko sa kanya na dahilan kung bakit tinawanan nya lang ako at dinilaan ko naman sya sabay takbo kaso nahabol nya ko kase mas mabilis siyang tumakbo sakin eh sabay kinurot nya ang magkabila kong pisngi tsaka sinabi na "eto naman tampururut agad joke lang naman yun eh" pagkabitaw nya sa pisngi ko ay dinilaan nya rin ako sabay halakhak nya

Maya maya pa ay dumating na kami sa bahay nila dahil mas mauunang madaanan ang bahay nila bago ang bahay namin

"babye ingat ka sa pag uwi mo ha at daanan moko bukas ng umaga ha sabay na tayong pumasok"pag uutos nya sakin

"grabe gawin daw ba kong service bakit kasi di ka pa pumili dun sa mga nanliligaw sayo para may maghahatid sundo na sayo eh" pang aasar ko sa kanya bago ko lumakad na pauwi

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon