Chapter 3

38 5 5
                                    

Clarence's pov

"grabe gawin daw ba kong service bakit kasi di ka pa pumili dun sa mga nanliligaw sayo para may maghahatid sundo na sayo eh" sabi ni nathan sakin na dahilan kung bakit ako biglang nakaramdam ng lungkot

Haay kung alam mo lang kasi naman ikaw yung gusto ko pero pinagtutulakan moko kung kani kanino eh

"ano ba kasing wala ako na meron siya at di moko magawang mapansin eh"sinabi ko ng mahina na sapat lang para di nya marinig yung sinabi ko

At tinitignan ko lng sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko tsaka ako pumasok sa bahay namin

Pagpasok ko ng kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko at nagmamadali akong kinuha agad yun dahil sinet ko ang cellphone ko na mag ring lang kapag si Nathan ang nagtxt sakin para malaman ko agad kung sya ba ang nagtxt o hindi kasi kung hindi ay pinapabayaan ko lang

Sms from Nathan<3

Clarence wag mong kalimutan yung pinapagawa ko sayo ha

Bigla kong naalala na nagpapatulong nga pala syang gumawa nung resume nya kasi balak nyang sumama sa pag aapply ko ng side line kasi balak ko mag working student wala kasi ako magawa tuwing weekend kaya naisipan ko yun

Nagreply naman agad ako sa kanya

Sms to Nathan<3

Oo eto na gagawin na nga eh basta wag mo ko kalimutang daanan bukas ng umaga ha para sabay na tayong pumasok sa school

Pagkaraan ng dalawang minuto tumunog na ulit ang cp ko

Sms from Nathan <3

Oo na dadaanan na kita bukas salamat espren :)

Pagkabasa ko nun ay biglang nagsalita si mama "hulaan ko si Nathan ang katxt mo noh" halos mapatalon ako sa gulat

"ma uso kumatok muna bago pumasok"reklamo ko sa kanya

"anong gusto mo sirain ko na yung pinto kakakatok eh kanina pa ko kumakatok walang sumasagot kaya pumasok nalang ako at nakita kita na abot tenga ang ngiti haha"pang aasar sakin ni mamapalibhasa alam niyang may gusto ako kay Nathan na kababata ko rin kaya kilala ni mama

"ma pwede ba stop teasing me baka tuluyan na kong magkagusto sa kanya sige ka baka magka boyfriend ako ng wala sa oras hahaha" syempre inasar ko rin si mama pero lalo akong nagulat sa naging sagot ni mama

"okay lang sakin yun dahil kilalang kilala ko naman si Nathan kaya kung sya ang magiging boyfriend mo ay ok lang sakin" sabi sakin ni mama sabay tawa dahil pulang pula na ko dahil sa kilig sa sinasabi ni mama akalain mo yun full support si mama kay Nathan

"Ang kaso nga lang mukhang malabo na mangyare yun dahil may iba syang gusto at matagal na syang may gusto dun"daing ko kay mama na halos mangiyak ngiyak na ko habang nagsasalita

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon