Chapter 10

40 4 4
                                    

Clarence's pov

Mag iisang oras na kong nakahiga sa kama ko pero di pa rin ako makatulog at syempre dahil binabantayan ako ni nathan ay pati sya hanggang ngayon ay di pa natutulog

"nathan sige na matulog ka na ok na ko dito may pasok pa tayo mamaya kaya dapat makatulog ka kahit papano"

"ok lang ako dito clarence babantayan kita dito hanggang sa mag umaga kaya ikaw ang dapat na matulog na"sabi nya sakin

"pero ako kahit papano nakatulog na kanina eh ikaw hindi pa kaya matulog kana"

"eh ikaw bakit di kapa matulog?"tanong nya sakin

"ah eh dipa kasi ako dinadalaw ng antok eh"pero ang totoo di ako makatulog dahil sa takot na nararamdaman ko dahil kahit binabantayan nya ko dito eh di ko pa rin maiwasang matakot

At hanggang sa nakatulog na ko pero nagising din agad halos isang oras lang akong nakatulog at pag lingon ko kay nathan ay gising pa rin sya

"goodmorning clarence buti naman at nakatulog ka kahit isang oras lang"pagbati nya sakin

"goodmorning din ikaw di kaba natulog nung nakatulog na ko?"

"diba sabi ko sayo babantayan kita kaya matulog ka lang at wag kang matatakot dahil nakabantay lang ako sayo kahit sa pagtulog mo"sagot naman nya sakin

Aaminin ko na kinilig ako sa sinabi nya pero syempre di ko pinahalata yun sa kanya

"pero dapat natulog ka rin kahit sandali ano kaba"

"ano kaba mas importante sakin na makapagpahinga ka ng maayos dahil ako puyat lang to kayang kaya ko to pero ikaw iba ang pinagdaanan mo at di basta basta yun kaya mas importante sakin na mabantayan ka at masiguradong ok ka dahil bestfriend kita"sermon nya sakin

Kikiligin na sana ko sa mga sinabi nya kaso bigla akong nalungkot dahil hanggang ngayon pala ay bestfriend pa rin ang turing nya sakin

"salamat sa pag aalala mo sakin ha nathan napaka swerte ko talaga na dumating ka sa buhay ko"sabay niyakap ko sya at gumanti din sya ng yakap

Nagkwentuhan nalang kami hanggang sa mag 7am na dahil kahit na may nangyaring masama kagabi ay pinilit pa rin naming pumasok para mawala sa isip ko yung mga nangyari

Nathan's pov

Habang papasok kami ng school ay napansin kong parang takot na takot pa rin si clarence kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay nya para kahit papano ay mabawasan ang takot nya

"sigurado kabang gusto mong pumasok ngayon kakayanin mo ba talaga na pumasok ngayon?"

"oo nathan para di ko na maisip yung mga nangyari"sagot nya sakin

"wag ka mag alala clarence andito lang ako babantayan kita kaya wala kang dapat ikatakot di ko bibitawan ang kamay mo para makasiguro ka na di ako lalayo sayo"

Pagkasabi ko nun sa kanya ay bigla nya akong niyakap

"salamat nathan dahil nandito ka para sakin pero gusto kong wag mong sasabihin kahit kanino yung nangyari ayokong may ibang makaalam nito ha" sabi nya sakin

"sige pangako wala akong ibang pagsasabihan pero kahit ba kay baste ay di mo sasabihin ang nangyari syempre bestfriend din natin sya kaya kahit papano ay dapat malaman nya to"

"wag please mag aalala lang yun eh maabala pa natin sya pag nagkataon kaya wag na"sabi nya sakin

"osige kung yan  ang gusto mo"

At nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang school

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon