Tinulak ko palayo ang mukha niya habang tumatawa "newly weds mo mukha mo. Marami pa kong pangarap sa buhay. Magtatrabaho muna ako bago ako pakasal sa'yo"

I stuck my tongue out and we both laugh. Inalis niya ang pagkaka-akbay sakin as she fills the spaces between my fingers with hers.

"It's okay. Basta magpapakasal ka pa rin sakin. Sinabi mo na eh, wala ng bawian" she winked at napailing nalang ako.

"Wala naman akong balak bawiin" Kinindatan ko din siya bago ako dumiretso sa kusina.

Halos isang oras ata kaming kumain dahil sa kakulitan ni Bea. Ewan ko ba dito, ang hyper masyado. Pero wala naman akong reklamo, mas gusto kong ganito siya kaysa nakatulala at parang any minute iiyak. Hanggat maaari ay hindi ko binanggit ang sitwasyon ni tito Elmer. Natatakot kasi akong maiba ang mood niya. Kaya nagulat ako ng siya mismo ang mag-open ng topic. Nagpapatuyo ako ng buhok ng lumabas si Bea galing banyo.

"Love, ako magbabantay kay daddy ngayon ha?" She casually said

"Ok. Susunod nalang ako after class" umupo siya sa tabi ko at umiling

"Wag na. Diretso ka na sa dorm. I can handle"

"Pero--"

"Wag na makulit. Kapag sumama ka sa ospital, mapupuyat ka. May training tayo bukas diba?"

I sighed, knowing I wouldn't win against her. "Ok. Basta magtetext ka?" She smiled

"Tatawag pa ko kung gusto mo"

Pagtapos namin mag-ayos, umalis na agad kami ni Bea. Ihahatid niya pa kasi ako sa klase ko bago siya pumunta ng ospital. Sabi ko nga wag na, pero makulit siya eh. Ayaw patalo kaya hinayaan ko nalang.

"Hindi na kita masusundo, mamaya. I'll just ask Jia to pick you up"

"Ha? Wag na. Uuwi nalang ako mag-isa. Maiistorbo pa yun, malayo kaya building niya dito"

"Then I'll ask Maddie, or Mich, or Kim. Kahit sino, basta ipapasundo kita"

Natawa ako dahil sa pinagsasabi niya. Napapraning na naman po ang BeaDel ko.

"Baliw. Wag na nga, kaya--"

"We're here"

Bago pa ko makasagot ay bumaba na siya. Umikot siya para pagbuksan ako ng pinto.

"May I, milady?" Yumuko siya at nilahad ang kamay. Natawa nalang ako sa pinaggagawa niya.

Tinanggal ko muna ang seatbelt ko bago ko iabot ang kamay ko sa kanya. Inalalayan niya ko palabas ng kotse.

"Makinig sa prof" bilin niya pagkababa ko "wag mag-twitter habang may klase"

Magsasalita sana ako pero tinaas niya ang kamay niya telling me to shut up.

"And don't forget to text me when your class is done"

I chuckle and nod.

"Yes, boss"

"Good. Kiss ko" I rolled my eyes

"Tibay"

"Aba--"

"Joke lang. Eto na nga oh" I smiled before kissing her cheeks "Ingat. I love you"

"I love you too"

Aalis na sana ako ng bigla niya kong yakapin. Hinampas ko siya ng mahina.

"Baliw ka na talaga"

"Saglit lang. I need some energy, today"

I chuckled and hugged her back.

Complicated HappinessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora