Chapter 13 - Psychomotor Education

Start from the beginning
                                    

Wow. Lalo tuloy tumaas ang tingin ko sa kanila. I didn't know they were martial arts experts.

"What kind of combat and weapon do you want to learn and use?" tanong ni Ma'am Michiko kaya napaisip ako.

Ayokong gumamit ng sword dahil nakakatakot. Hindi rin ako accurate sa pagtukoy ng targets kaya Malabo ang archery. Gusto ko sana ay 'yong parang wooden staff lang na hawak ni Ken kanina.

"Uhm . . . a staff?"

Pagkasabi ko no'n ay biglang naging seryoso ang mukha ni Ma'am Michiko. Natakot tuloy ako dahil baka may nasabi akong mali.

"M-Ma'am?"

"Sorry," she muttered, snapping out of her weird expression. "I just remembered someone." She heaved a sigh. "Anyway, if you want a staff, then you must master jodo."

Naglakad siya sad ala niyang parang treasure box at binato niya ang isang staff sa akin. Buti na lang at nasalo ko 'yon.

Sinabi naman niya na i-observe ko muna kung paano gumalaw ang lima dahil may basic training na sila sa lahat ng klase ng combat styles. They started challenging each other with their preferred weapons. Akane sparred with Ma'am Michiko and I could see that she was great but Ma'am Michiko was just toying with her. Samantala, pumwesto naman si Riye sa pinakadulo ng room at nasa kabilang dulo naman ang target niya. Siguro fifty meters ang layo no'n mula sa kanya pero nang i-release niya ang arrow ay tumama iyon sa gitnang piece. Wow. The other three were practicing their combat styles at natakot lang ako dahil bumabagsak na lang bigla ang mga katawan nila.

After that, Ma'am Michiko taught me the principles of jodo. Ni hindi ko nga namalayang three hours na pala ang nakalipas at naramdaman ko ang sakit ng katawan ko noong bumababa na kami sa hagdan.

Our next class was Criminology and our teacher was Sir Kazuya. Paniguradong kaya lang sila nandito ay para samahan ako kaya medyo nakakahiya sa kanila.

"Next time, I'll teach you how our army and police weapons work," he said and that caught their attention. According to him, he still couldn't teach it to those below the 'green stage' na hindi ko naman alam kung ano.

After class ay dumiretso kami sa dorm. Pagod na ang katawan at utak ko pero kinailangan kong magluto para may makain kaming tatlo. Na-miss ko tuloy si Mama dahil pagdating ko ay lagi nang may pagkain sa bahay.

Kumusta na kaya siya? Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang Senshin din siya since lahat daw ay pureblood. Ano kaya ang sixth sense niya? Saang family kaya siya nabibilang? Kailan kaya siya nag-aral dito?

"Hoy!"

Muntik ko nang maitapon ang sandok na hawak ko dahil sa pagsundot ni Akane sa bewang ko kaya tiningnan ko siya at tinawanan naman niya ako.

"Your mind is open! You seriously need to practice closing it at all times," pang-aasar niya at bigla kong naalala si Hiro.

"Akane, bakit parang hindi ko mabasa ang isip ni Hiro? At kahit nakasarado ang isip ko ay nababasa niya?"

Pagkasabi ko no'n ay tumawa siya nang tumawa to the point na naluha na siya kahit na seryoso naman ang tanong ko sa kanya.

"S-sorry! Pfft!" Huminga siya nang malalim para kumalma. "I forgot to tell you. Hindi mo talaga mababasa ang isip niya. Maski kami, hindi 'yon kayang gawin."

"Bakit naman?"

"Hindi ba sabi naming sa'yo dati, nakabukas ang isip ng isang tao by default?" Tumango naman ako. "Hiro is an exemption. Because by default, his mind is closed."

Nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Kaya pala. Kaya pala nababasa niya ang isip namin, pero hindi ang sa kanya. That guy was too mysterious.

Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako at nagsimula na kaming kumain pero hindi pa rin 'yon mawala sa isip ko.

"Nee-chan, are you interested with Hiro nii-san?" sabay ngiti ni Riye. I really need to remind myself every minute that I have to protect my thoughts from them.

"Ha? Hindi, ah. Nahihiwagaan lang ako sa kanya."

"Interested nga," gatong pa ni Akane sabay ngiti nang nakakaloko.

"Hindi nga kasi."

"Okay, sabi mo, eh. Pfft."

Sumuko na ako at maaga na rin kaming nag-prepare para matulog dahil nakakapagod talaga ang mga nangyari ngayong araw. Sabi naman nila ay hapon pa ang klase namin bukas kaya paniguradong mahaba-haba ang itutulog ko nito.

And I was right. Past 9 AM na ako nagising kinabukasan at akala ko ay ako na ang last na bumangon pero tulog pa rin ang dalawa. Tumayo ako at naghilamos ng mukha pero halos manigas ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin. The moment I realized what was wrong, I yelled in fear and confusion and I collapsed on the floor.

Oh my god. Anong nangyari sa akin?!

"Akemi? Akemi? Anong nangyari?!" rinig ko kay Akane kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"A-akane . . . 'y-yong mga mata ko . . . "

Humarap ako sa kanya at maging siya ay nagulat sa nakita niya. My eye color turned into light brown.

"Oh my god, that's awesome!" she beamed as she stared right into my eyes.

"H-ha?"

"That's a sign that you're improving. And you're improving real quick!"

"A-anong ibig mong sabi—"

"Look at mine," she said and I almost yelped when I saw how her eyes turned light yellow.

"What the . . ."

"See? Don't worry, kung hindi ka comfortable, your eyes can always revert back to its natural color," she added and her eyes color turned back to dark brown. "But once you achieve the green stage, it will stay like that. Forever."

Ilang segundo akong nakatulala lang sa kanya dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nalaman ko. I think I need more sleep.


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now