Ghad Damn it!!! Bahala na!!!
As the trunk opened, I swiftly forced myself out just to realize na nakagapos pala ako at marahang sumalampak sa concrete na floor ng isang parking lot.
Sh*t. mamatay nalang ako ang sagwa pa ng pose! Wala talagang hustisya.
Hindi ko na nagawa pang maramdaman ang sakit ng pagtama ng aking mukha sa malamig na sahig nang matuon saaking mga mata ang isang pares ng pamilyar na sapatos.
Mabilis akong napatingala.
"What's with that look of yours, Vaughn?" A very very familiar looking man said as he then picked me up on the floor.
Nagkasalubong aking mga kilay as I gazed through his serious face illuminated by the lamp posts on the lot in the dead of dawn.
"Hhhnggggg Hng!!!!"
"What? Make it clearer you dufus.." He sarcastically said and smiled and harshly pulled off the tape out of my lips.
Wow! Just wow!! Mukhang malaki talaga ang galit ng isang 'to saakin. Paano na lang si Stella-babes pag tuluyang napunit ang aking kissable lips?!
"Hagalaz!!!!" I shouted as I gave him a killer eye look. He then smiled as he let go of me causing me to stumble down again helpless like a grasshopper without his legs.
"Hmm! You still remembered my name. It's a good start Vaughn." He said followed by his smirk.
"How many times do I have to say! Von! Not Vaugh—"
Mabilis na naputol ang aking paninigaw nang without any hesitation ay agad niyang inilabas ang kanyang silver caliber 45 na baril at mabilis na pinaputukan ito dahilan upang ako'y mapapikit.
Damn it! Ano ba kasing nakain ng isang to!! Ito naba ang epekto ng tumatandang virgin?!
"Hey! Daig mo pa ang babaeng may PMS—" sigaw ko ngunit agad ding natigilan nag maramdaman ako ang pagluwag ng makapal na laser cuffs nakagapos saaking kamay.
He just looked at me with his serious blue eyes. Tanging ang ilaw lang sa madilim na parking lot ang nagbibigay liwanag sakanyang kabuaan.
Hindi parin matinag ang kanyang tingin saaking habang inaabot niya ang iilang bagay mula sa loob ng kanyang itim na kotse gamit ang kanang kamay samantalang tutok na tutok parin ang dulo ng kanyang baril na hawak niya mula sakanyang kaliwang kamay.
Kaliwete pala ang matandang 'to. Psh. Of all the things. Mukhang may similiarities din pala kami, bukod sa pagiging pogi naming dalawa.
Maya-maya pa ay hawak na niya mula sakanyang bakanteng kamay ang isang planstadong uniporme ng Xavierheld na nakahanger.
May kung anong kaba ang aking naramdaman nang makita kong hawak hawak niya ang bagay na iyon.
"Hubad."
"Wait What!!!!?" I exclaimed.
Mahabaging langit! Never knew that this old hag had been allured by my charm. Dang it!
"Hindi ba malinaw yun, huh, Vaughn? Hubarin mo ang mga damit mo." He then added as I stood up and looked at him with confusion.
Seriously? in the middle of a cold parking lot at 3 am!? Walang pinipiling oras ang rape damn it!
"Seriously, Hagalaz? Seriously?!"
"Tch! Don't make it gay Vaughn! Now dress up kung ayaw mong lagyan ko ng bala yang ulo mo." He coldly said sabay hagis ng nasabing uniporme saakin.
"Okay! Okay! Geez. Grumpy old hag."
********************************
Unti unti ko nang nararamdaman ang pangangalay saaking braso dala ng palagihang pagsaludo sa bawat gising na emplyadong makasalubong namin nang tuluyan kaming makapasok sa isang space craft facility.
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 22 : Forced Enlistment
Start from the beginning
