Datum 21 : Midnight Appointment

Start from the beginning
                                        

The dimmed room then welcomed me on its doorsteps. Malamig. Kasing lamig ng kalaliman ng gabi. Teka, at the first place, why would Admiral call for my presence in the middle of the night?

As I took my step forward, umugong ang mabigat na tunog ng academy bell sa buong lugar indicating the midnight transition.

Hindi na ako nakalingon pa as the door then automatically closed behind me.

"Come, Stella." Napatindig ako ng aking tayo nang marinig ang boses ng dalagang admiral mula sakanyang desk sa harapan.

Umugong ang kakaibang katahimikan as the sound of ticking grandfather clock lingers through her dimmed office.

Napatigil ako as I respectfully gave my salute as she then gazed through me using her tired but persistent eyes.

"No need for that formality Stella." She gently said as she stood up and prepared mugs of coffee near her neat desk.

"Pinapatawag nyo raw po ako, Admiral." I stated as she continue to prepare coffee for the both of us. I just stood there while observing and waiting for her to finish.

"Yes indeed." She smiled as she reached out a mug towards me na dahan dahan ko namang kinuha mula sakanyang kamay. "For a midnight appointment" tuloy niya na nagpalingon saakin.

"Mi..Midnight Appointment?" nauutal kong pahayag na lubos na nagpangiti sakanya.



Ielvy's Point Of View

Nag-aalala akong napasulayap kay kuya Von na himbing na himbing na sakanyang pagtulog mula sa kanyang kinahihigaang hospital bed.

Iilang araw palang ang lumilipas nang kami ay ilipat sa ospital na ito. Pero it seems na mas nagmumukha pa siyan pasyente kaysa saakin.

Panay kain at tulog lang ang kanyang ginagawa.

Napabuntong hininga ako as I gently and silently closed the door. Napatayo ako mula sa may pinto as I gazed upon the bright hospital hallway lights.

Ramdam ko ang lamig sa buong paligid na mas inamplify pa ng aking suot na manipis na mint green hospital gown.

Napakabusy parin ng hallways kahit alas dose na ng madaling araw. Walang kapaguran ang mga nurses. Lakad dito, takbo roon, minsan ngay napapadapa na sa sobrang pagkakayod.

Napangiti ako at nagsimula nang humakbang sa kung saan ako madala ng aking paa sa ospital. Mukhang okay lang din naman pagkat wala nang mga security personnel ang mahigpit na magmamatyag saaming bawat kilos.

Bagay na lubos kong ipinagtataka simula nang mailipat kami dito. Balita ko'y nagiging mabilis at maayos na ang recovery ni Ivann sa kabilang ward dahil sa isang espesyalistang doktor na tinawag ng Admiral para lamang sakanya.

Special Treatment. Why would they lavish special treatment to us, wherein fact, nung iilang linggo lang ay tinutugis nila kami?

Xavierheld is weird. Truly weird. But still, it's really an advantage for us.

Napangiti ako. Ibang iba ang trato ng mga taga Xavierheld saamin, hindi tulad ng mga taga EAF. Hindi ko parin maikakaila na mas may puso sila kumapara sa mga taong 'yun.

Kusang kumunot ang aking noo at napayukom ako ng aking mga kamao nang mabilis na sumagi saaking isipan ang mga panahong nasa "lugar" na iyon pa kaming dalawa ni Ivann.

Napatigil ako saaking paglalakad at pinagmasdan ng maigi ang aking mga palad.

"Hindi ko akalaing magtatagumpay kami sa kabila ng aming matinding takot. As if, destiny knew it all this time. Could it be that luck is on our side?"

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now