30th part 2: Happy 1st year!

Start from the beginning
                                    

"Sonny?"

Tiningnan ko ang babaeng tinutukoy nito at pilit minumukhaan pero talagang hindi ko ito mamukhaan dahil medyo madilim sa parteng kinatatayuan ng mga ito.

"Si Sonny ba talaga iyon?" tanong ko sa binata.

"Parang siya eh."sagot nito saka ako inakay palapit nang bahagya sa mga ito.

Pero nagulat kami nang biglang sumigaw ang mga tao sa paligid dahil naglabas ng kutsilyo ang lalakeng kasama nito.

"My God! Si Sonny nga!"tili ko nang tuluyan ko nang mamukhaan ang babae.

Agad namang tumakbo si Inigo para tulungan ang dalaga.

"Inigo! Bumalik ka dito!" habol ko dito at patakbong hinabol ito. Pero huli na dahil nakalapit  na ito sa dalawa.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Lalo na nang makita ko kung paanong nakipag agawan ito ng kutsilyo sa lalakeng kasama ni Sonny.

"Help!"sigaw ko saka umiiyak na humingi ng saklolo sa mga tao. "Please! Inigo, stop! Please!"

Nilapitan ko sa Sonny, "Ano ba?! What are you doing? Stop them!"sigaw ko dito.

Umiiyak lang ito at tila natauhan naman nang marinig ako.

"Mark! Stop please! Stop! Sasama na ko sayo! Please tama na!"sigaw nito.

Napahinto naman ang lalake na ngayon ay nasa ibabaw ni Inigo at nakaambang sasaksakin sana ang binata.

Tila nakakita naman ng pagkakataon si Inigo at sinamantala ang pagkadistract ng lalake.

Malakas niya itong tinulak at pinagsusuntok.

Nakita kong nabitawan nito ang kutsilyo kaya agad-agad akong tumakbo upang kunin iyon at ilayo sa dalawa. Tamang-tama naman na may dumating na mga pulis. Agad nilang hinuli ang lalakeng kasama ni Sonny na tinawag nitong Mark.

Patakbong nilapitan ko si Inigo, "Are you okay? My God Inigo, ano bang naisipan mo para umakto kang super hero?"umiiyak na sigaw ko dito.

"Honey, I'm alright. Tingnan mo nga, wala man akong sugat. Saka nagpapaimpress lang naman ako sayo eh."pagbibiro pa nito.

"Tumigil ka nga sa kayabangan mo! Alam mo ba kung gaano ako nagalala sayo? Hindi mo kasi a-" hindi ko na nagawang tapusin pa ang panenermon ko dito nang bigla niya akong halikan.

Unti-unti naman akong kumalma at tila nakalimutan na ang mga dapat ko pang sabihin. Hindi ko narin napigilan ang sarili kong gumanti sa halik nito. Napahinto lang kami nang makarinig kami ng palakpakan sa paligid.

Oo nga pala! Nasa labas kami!

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nahihiyang tinago ko ang mukha ko sa balikat nito.

"I-Inigo, L-Leanne, maraming s-salamat and I'm very sorry..."tila nahihiyang sabi ni Sonny. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa amin.

Kita ko ang pasa nito sa braso and she looked so pale. Nagaalalang hinawakan ko ito sa kamay.

"Okay ka lang ba? May pasa ka. Halika, samahan ka namin sa hospital."

Agad naman itong umiling, "N-no, thank you. I'm okay, don't worry. S-sorry kung naabala ko kayo. I wasn't expecting na makikita ko kayo dito and that... Mark would act that way..."

"At least naagapan natin kung ano man yung balak niyang gawin sayo. Dapat lang at makulong siya dahil hindi niya dapat ginagawa sayo iyon."naaawang sagot ko dito.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Napuno lang din siguro siya sa akin. Pilit niya akong pinapauwi pero ayaw kong sumama sa kanya. Anyway, Mark is my husband."

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now