Datum 20 : Moonlight Sonata

Start from the beginning
                                        

Maybe it was built right after the war kaya ngayon ko lang ito nagawang mapansin.

Muling kumilos ang aking mga paa hanggang sa narrating ko ang kabilang dulo. Kapansin-pansin ang kakaibang disenyo ng mga pillars ng building. Not modern, but more likely they look like Greek pillars.

Natigilan ako as I gazed upwards.

Nararamdaman ko ang mahinang pagpalo ng malamig na hangin saaking mga paa na dahilan upang bahagya akong kilabutan.

Parang..Parang may kung anong mali sa lugar na ito. But still, curiosity of the new building did not stop me to push through.

As I landed my foot on the ground of the building's second floor ay agad akong natigilan saaking nakita.

"Mural paintings?" I whispered as I began to walk towards the hallways. Kapansin-pansin ang mga kakaibang paintings sa magkabilang dingding ng nasabing floor.

Some of them are brightly colored and expresses their commemoration of peace and unity in times of war but some really had sent chills on my spine, lalo nat gabing gabi and come to think of It ay nagiisa lang sa buong building na ito.

Kailan pa nilang naisip na magtayo ng isang Art Building para sa academy na ito? It's creepy as f*ck tuwing gabi!

I stood still in between the hallways. An eerie feeling suddenly bit me and telling me to go back.

Mukhang maling mali ata ang pasya kong ituloy ang paglalakad ko sa hallway na ito. Damn it!

Mabilis na akong tumalikod at nagpasaya nang bumalik. Nararamdaman ko ang panimulang panginginig ng aking mga paa habang naghahalo na ang takbo at lakad saaking mga binti.

Ghad damn it!

Pilit kong iniwas ang aking paningin sa bawat mural painting na aking makasalubong. Naalala ko tuloy ang iilang mga sabi sabi bago pa ako pumasok sa academy na ito noon, hinggil sa mga iilang paintings na kusang gumagalaw especially ang kanikanilang mga mata in the dense of the night.

I know. Shit it so baloney I can eat it, but still. It still gives me the creeps!

"Please don't blink. Please don't blink." Bulong ko saaking sarili at pilit na iniiwasan ng tingin ang mga paintings mula sa magkabila.

Napatingala ako at nasilayan ang ramp paibaba ng first floor. Unti unti nang bumibilis ang aking paglalakad hanggang sa tuluyan na akong kumaripas ng takbo paibaba.

Sh*t! Sh*t! Sh*t!!

Saaking pagbaba sa ground floor ay natigilan ako nang marinig ko mula sa gawing tabi ng ramp ang maikli at malakas na pagpress ng isang piano key mula sa loob ng isang silid.

Agad akong napahawak saaking noo at napapikit. Sa sobrang wild ng aking guni-guni ay mukhang na pe-penetrate na nito ang aking isipan.

"Wala yun Stella. Better get your ass off here.." I whispered to myself.

As I decided to walk back, unusual chills then run through my spine nang marinig muli ang pag press ng piano tile sa same room.

Shit.

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko saaking katawan nang marinig ang pagtuloy tuloy ng pag stroke ng piano keys sa tugtog ng Moonlight Sonata.

Dahan dahang lumalakas. Dahan dahang lumalapit saaking tainga. Dahan dahang pinapatayo ang bawat balahibo saaking balat.

"Shieeeeeeetttttttttttt!!!!!!"

Gigil-takot kong pagpigil saaking boses . Sa lahat ng pwedeng ipa tugtog, bakit ang first movement pa nito!!!

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now