"Sige pasok ka." Sabi ko at sinundan ko siya ng tingin habang papalapit siya sa table ko. I motioned her to occupy the chair in front of my desk. Agad naman siya umupo at talagang siniksik niya ang sarili niya para mas malapit siyang makaupo sakin.


"What is your concern Dana? Parang hindi ka mapakali." Agad ko tanong sakanya. Paano ay palinga linga pa siya pinto at akala mo may pinagtataguan siya.



Pabaling baling din siya sa upuan niya. Hindi talaga siya mapakali. Dana has been working for me since I started in this company kaya naman matagal tagal na din kami magkasama. At tinuring ko na din siya bilang kaibigan ko. At sa tinagal din namin magkasama sa araw araw alam ko na ugali niya. Katulad na lang ngayon she is acting weird. Ganyan lang naman siya pag na tetense siya. Something is really off.



"Alam mo magrelax ka muna. Inhale exhale. At pumirmes ka nga dyan. Nahihilo ako sa likot mo." Sabi ko sakanya. At sumunod naman siya. Nagkamot pa nga siya ng ulo bago malakas na nagexhale.




"Ito na nga girl, hay paano ko ba sasabihin ito." Medyo nag monologue pa siya ng konti. Jusko!



"Ano nga? Kung sabihin mo na kaya ang problema at ng magkaintindihan tayo, no?" Medyo iritang sabi ko sakanya. Ang dami pa kasing hanash ni luka bago magsalita. Mainipin pa naman ako. And it's like I have all the time no? Ang dami ko pa kayang gagawin.



"Ihhh kasi." Nagpapadyak pa siya na parang batang nag tatrantums. Hala siya!  Nagpabebe pa ang bruha! Minsan parang si Aivan din itong si Dana e. Sarap kutusan. 



"Hala! Naginarte ka pa. Ano keri today?" Naiinis na ko at sinamaan ko siya ng tingin. Naramdaman niya din siguro ang pagka sarcastic ng tono ng boses ko kaya tumikhim siya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.




'Hay, alam ko wala ako sa posisyon magsabi nito Ma'am Arisha. Pero kasi, di ba sa tagal na natin magkasama siguro naman friends na din tayo. Hindi na ako iba sa'yo. Ano ba 'yan ang hirap kasi sabihin e." Panimula niya at napakamot siya talaga sa ulo niya na para bang gusto niya na sabunutan ang sarili niya out of frustration.



Napakunot naman ang noo ko habang iniisip ano ang pinapahiwatig ng mga sinasabi niya. Mataman lang kasi ako nakikinig sakanya.



"Mangungutang ka ba, Dana? Gipit ka ba ngayon?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sakanya.



Agad nanlaki ang mata niya at bumilog agad ang hugis ng bibig niya. Rumehistro agad ang gulat sa mukha niya at mabilis na nag iling iling siya ng kanyang ulo.



"Nako! Hindi! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Mali ka ng iniisip." Mabilis na pagtanggi niya sa sinabi ko at may hand gestures pa siya.



"E kasi ang gara naman ng sinasabi mo!" Maktol ko sakanya at napasandal na ko sa swivel chair ko. Parang baliw naman kasi kausap to si Dana e.




"E kasi hindi pa tapos yung sinasabi ko." Napanguso naman siya at kinamot ang kanyang kilay. Totoo? Di ba naligo ngayon to si Dana at panag kamot niya? Naguumpisa pa naman maging maalinsangan ang panahon.




"Ang tagal mo naman kasi. Alam mo naman mainipin ako." Napairap na lang ako. Mauubos oras ko dito kay Dana. Nalulukring lang ata. Siguro di nakainom 'to ng gamot niya. Hahaha. Joke lang 'yun, hoy. Baka mamaya seryosohin niyo.



Tinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa ginagawa kong trabaho. Hayaan ko na 'tong sekretarya ko na nalipasan lang ata ng gutom.



"Tuloy mo yung sasabihin mo habang tinatapos ko to. Mauubos ata oras ko sayo. Ang tagal mo magsalita. Naging OA masyado sa pagiging cliffhanger." Sabi ko.




"Ito na nga, ito na nga. Makinig ka mabuti sa sasabihin ko sa'yo." Sani niya. Hindi na ko kumibo at focused lang ako sa ginagawa ko sa computer.



"Wala ako sa posisyon magsabi nito pero dapat kasi alam mo di ba?" Ano ba ko manghuhala. Bakit parang cryptic naman masyado ang sinasabi nitong si Dana.





"Nung hinatid ko kanina yung files na pina rerevised nj Sir Stefan. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Sir Bert. Balak ka ata nila i fixed marriage kay Doc Zyren, Arisha." Sabi ni Dana. At parang nabingi ako sinabi niya. Kaya agad na bumaling ang tingin ko sakanya.



"WHAT?!"







I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon