32: DEMI'S HOUSE

76.4K 1.1K 93
                                    

DEDICATE TO MS. GREENWRITER!! KAKATAPOS LANG NG THE TIME CAPSULE NA FAVORITE NAMIN NG KAPATID KO. BASAHIN NYO RIN PROMISE GUGUSTUHIN NIYONG PUMUNTA SA BACOLOD :))

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."--Lao Tzu

CHAPTER 32

Pagkababa pa lang namin sa elevator itinulak ko na siya sa sobrang inis ko. Tuwang tuwa kasi ang loko. Kaasar siya! Hindi na ako nahihiyang makita siya dahil sa nangyari kahapon(the boner incident). Ngayon gusto ko na siyang saktan sa inis! Aba't hindi natinag at patuloy ang tawa habang hinihila ako sa kamay papasok sa mismong room este office niya.

Pagkapasok tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala yung tawa niya. Nakita niya atang seryoso talaga ako at hindi nagbibiro. Hindi ko ata nakakalimutan kung bakit ako nandito.

"Okay..." Alanganin niyang sabi na mukhang nahuhulaan na niya na galit talaga ako sa kaniya. "Bakit ka naparito?"

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Sorry, hindi ko nasabi na may anak na ako."

"WHAT?"

"Joke!"

"Rafael naman!"

"Sige serious na. Nasabi ko naman kung bakit ako nagkakaganon kahapo. Wala naman akong hindi sinasa.." Mukha naman may naalala siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes, I need an explaination why do I own 15% shares in the company that I work."

"Ahhh... Ahh.. I.. Ahh..."

"Wala ka bang balak sabihin sa akin?"

"Sasabihin ko naman. Actually, that is my surprise to you. Naaalala mo yung date natin tapos biglang dumating si Ruiz? Sasabihin ko sana sayo."

Naalala ko na. "Pero bakit mo ginawa yun?"

"I..."

"I? I? Wala ka na bang masabi? Rafael, I don't want this! I don't want a company! I don't know how to.."

"I know you Demi, kaya ko binili yun kasi kaya mo. "

"Hindi ko kaya!"

"Kaya mo!"

"Hindi ko kaya! Hindi ko kayang maririnig ko yung usapan nila na kaya ko nabili ang company dahil sayo...dahil mapapangasawa kita!"

"Pero--"

"Excuse me Sir." Natigil kami sa pagtatalo ng pumasok si Hoon. "Sir, Mr. and Mrs. Cavallero is here."

Nagkatinginan kami ni Rafael. Dali-daling hinablot ni Rafael yung eyeglasses ko at tinangal yung panali sa buhok ko. Ako naman ipinulupot ang kamay ko sa bewang nya.

"Hoon, papasukin mo sila."

"Opo." Kahit nawiwirduhan si Hoon sa amin hinayaan nya na lang. Lumabas siya at ilang sandali lang pumasok na yung mag-asawa.

Kung kanina sobrang magkasalubong na yung kilay ko ngayon halos mapunit naman yung labi ko kakangiti. We need to look happy. We need to kahit na ako hindi makabitaw sa bewang ni Rafael kasi sobra syang naka-akbay sa akin. Tapos yung salamin ko pa!

"How are you Mr. and Ms. Cavallero?" Bati ni Rafael habang nakikipagkamay. Yung isang braso niya hindi pa rin ako binibitawan.

"Hello Rafael! Oh Demi, nandito ka pala, at mukhang ang sweet niyong dalawa." Pansin ni Mrs. Cavallero.

"O-opo. Binibisita ko lang po itong si Rafael kasi baka may kalokohan ng ginagawa." Pagbibiro ko pero napapansin ko lang na mas hinihigpitan ni Rafael yung pagkakaakbay niya kaya kinukurot ko naman siya sa tagiliran.

"Anong kalokohan ba yang sinasabi ni Demi, Rafael?" Sabat na tanong ni Mr. Edmund Cavallero. Ngayon ko lang napansin na kapangalan siya ni Ed na bestfriend ko.

"Wala naman. Namimiss lang ako nitong si Demi." Bigla niya akong hinalikan sa pisngi na ikinakilig naman ni Mrs. Beth Cavallero. Siya naman yung parang older version ni Bea.

"Sa tingin ko mas mabuti pang iwan ko muna kayo. Mukhang may importante kayong pag-uusapan." Pagpapaalam ko. Baka mag-away pa kami ni Rafael sa harap nila.

"Ano ka ba Demi? Hindi mo na kailangang umalis."

"Mas okay na rin po yun. I have things to finish in my office." Bumitaw ako sa pagkakakapit kay Rafael. Aalis na talaga ako.

Pero itong si Rafael hindi pa rin bumibitaw sa pagkakaakbay. Tiningnan ko sya ng masama. Siya naman nginitian ako tapos lumapit sa akin para bumulong. "I'll talk to you later. Pupunta ako sa bahay niyo. Sa bahay niyo, get it?" Saka ibinalik sa akin yung salamin.

Sa bahay namin?









<3



Parang may hypnotism powers si Rafael. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niyang 'sa bahay niyo'. Ngayon tuloy nasa tapat na ako ng bahay namin. Nagdadalawang isip akong pumasok. My Mom is inside this house. Hindi pa kami nagkakausap simula ng magkita-kita uli kami nila Papa. Actually, hindi ko alam ang sasabihin ko. I hurt my Mama, given na yun pero nagsisi na talaga akong sigawan siya.

"Demi?"

"Tito Gardo?" Nakita ko siyang hingal na hingal at natatarantang bumaba sa kotse niya.

Saglit na tiningnan niya ako pagkatapos ay nagmamadaling pumasok siya sa bahay.

Hindi ko maintindihan kung bakit kusa na lang pumasok si Gardo. Nagulat ako sa inasal niya kaya't sinundan ko siya papasok sa bahay.

"Andrea?" Sigaw niya.

"Andrea!" Sigaw uli niya habang hinahanap si Mama sa buong first floor ng bahay.

"T-tito what's happening?" Nagtataka at natatakot kong tanong.

"Andrea!" Umakyat siya sa second floor ng hindi ako pinapansin. Nakita ko siyang pinasok yung kwarto ni Mama.

Susunod sana ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Gardo."A-andrea! ANDREA!"

Kaagad na umakyat din ako para makita kung ano yung sinisigaw ni Gardo. And to my horror, I saw my Mama coughing blood. She looks pale and nearly dying. Hindi ko alam ang gagawin.

Anong nangyayari kay Mama? "Ma?" Bumilis ang paghinga ko. "Ma, what..."

"Demi, we need to calm down." Sabi ni Gardo na sinusubukang maging kalmado. Binuhat niya si Mama at dinala pababa.

Wala akong ibang nagawa kundi sumunod.

"Ma.." What's happening to her? Oh God, help my Mama!

-------<3



Hindi ko na siya mapahaba pa. Next chapter na lang. IMPORTANT: Nakakatangap na naman ako ng nakakainis na demand galing sa inyo. Lagi na nga ako nagu-UD, hindi nga tumatagal ng isang linggo tapos yung iba jan galit pa. Uutusan na nga lang ako mag-UD. Nasabi ko na 'to dati, sa susunod na makakita pa ako ng ganung demand babawi ako at magdedemand din ako ng VOTE Quota bago ako mag upload :|





Vote.. "Ang cute mo!"

Comment.. "Ang ganda mo."

Vote and Comment.."Isang Diyosa ang kagandahan mo!"



Hahaha! Kaya CommVo na kung pang Diyosa ang ganda mo :)

pahabol: Add niyo pala ako sa twitter @KIMwillbe tag nyo ako sa status na sa WP niyo ako nakilala para mag follow back ako :)

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon