35: MAMA and PAPA

73.5K 985 48
                                    

"The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong." Mahatma Gandhi



CHAPTER 35

The next day I woke up early or should I say I didn't sleep so I decided to go to the hospital to visit my Mom. Syempre bago nun gumawa muna ako ng paraan para mawala ang pagkamaga ng mata ko. Hindi kasi matigil ang pag-iyak ko.

Before going to the hospital I met with Atty. Lee to talk about my shares in the company then I went to the company to fix something.

Mga 10:30 na rin ako nakadalaw. The first thing I saw when I enterd the room is my Mama laughing with Gardo. They look happy and as if my Mama doesn't have sickness. Look at her! She looks healthy! How can she have cancer?

"Demi, wala ka bang trabaho ngayon?" My Mama asked when she saw me.

"Wag po kayong mag-alala sa trabaho ko. Kakatapos lang po ng month kaya wala na kaming masyadong gagawin." I smiled. "Eto pala, prutas." Inilapag ko yung basket na dala ko sa mesa.

"Ako na magbabalat. Iwan ko muna kayo." Kumuha si Gardo ng kaunting prutas saka lumabas ng kwarto.

"Demi, okay ka lang?"

"Opo. Hindi ka dapat mag-alala sa akin. Inaalala mo dapat ang sarilo mo."

"I'm good. Gusto ko na ngang lumabas ng ospital na 'to." Pagbibiro ni Mama.

Ilang minuto rin kaming walang mapag-usapan. Pareho kaming tahimik at nag-iisip.

"Ma." "Demi." Nagkasabay kami.

"Ikaw muna mauna Anak. Anong sasabihin mo?"

"Ahh.. Good news." Pinilit kong ngumiti. "Nasabi ko na kay Rafael na itigil na namin ang pagpapangap." Napalunok muna ako bago nagpatuloy. "Ma, hindi ko na po kayo pipigilang magpakasal kay Tito Gardo."

Hindi makapagsalita si Mama. Hindi ko tuloy malaman kung masaya siya o hindi.

"Hayy..ngayon hindi na ako mahihirapang magsinungaling at magpanggap. Nakakaasar pa naman minsan si R-rafael."

Sa sinabi ko nakita kong ngumiti si Mama. "Salamat anak."

"Mama ko kayo eh."

Bumangon siya sa kama para yakapin ako. "Hindi ka na magsisinungaling sa akin ah?"

"Opo."

"Mabuti naman. Gusto sana kitang tanungin.."

"Ano po yun?"

"Mahal mo ba si Rafael?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Syempre sasabihin kong hindi pero nangako na akong hindi na magsisinungaling.

Kumalas sa pagkakayakap si Mama. Tiningnan niya ako sa mata.

"Ma.."

"You love him right?"

Yung kanina ko pa pinipigilang pagluha hindi ko na napigilan pa. Tumango ako sa tanong ni Mama. "..but not that m-much. Mama, Rafa said he loves me last night but I don't want him to love me; I don't want to love him."

"Demi, kung iniisip mong ginagawa mo 'to para sa amin ni Gardo, please wag. If you love him, then you do."

"but.. I don't want! I have to stop loving him. Hindi tama to."

"I'm not going to marry Gardo." Madiin niyang sabi.

"Ma naman!"

"Anak kita, dapat ako ang nagsasakripisyo hindi ikaw."

"Ma, hindi ko sinasakripisyo ang gusto ko kasi hindi ko namang gustong mahulog kay Rafael. Let's stop arguing."

"Pero.."

"Ma, I decided to gave you and Gardo time to catch up more. Siguro..pupunta muna ako kay Papa. Tama, pupunta ako sa kaniya para manghingi ng tawad at makapag-usap na rin."

"Si-sigurado ka ba jan?"

"Oo naman po. I want to talk to my Papa."

"If that's what you want..."

Ngumiti ako saka niyakap siya uli. "I love you Ma. Alam kong hindi ako sweet na tao pero ayokong sayangin ang pagkakataong masabi kong mahal kita. I love you more than anyone else."

"I love you too Anak."





<3



After I visited my Mama, I went straight back to our house to prepare my things. I decided to go to my Papa. Mawawala siguro ako for a few days, months, I don't know. It's for Mama and Gardo of course but I have other motives. I want to hide from Rafael and forget about him.

Umalis ako kaagad pagkatapos mag-ayos ng gamit. Dalawang oras din ang byahe para mahanap kung nasaan siya. Mag gagabi na ng makita ko na yung pinagtatrabahuan niya. He owned a carwash business. Mukha namang kumikita siya sa dami ng sasakyan ngayon.

"Miss, magpapa-carwash po kayo?" May isang carwash boy ang lumapit sa akin at tinitingnan yung sasakyan.

"Hindi. Gusto ko lang makausap si Jacinto Magsaysay. Anjan ba siya?"

"Si boss? Sandali lang Miss ah." Nagmamadali siyang pumasok sa loob. "Boss may bisita ka!"

Ilang minuto lang nakita ko na si Papa. Nagulat siya ng makita ako. Ilang minuto rin ata siyang nakatayo lang dun at hindi makapaniwala.

"Pa," I called him.

"Demi, anak." Lumapit siya ng nag-aalangan.

"Papa...so-sorry po." Kahit kanina pa ako umiiyak, hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Sobra na ang emosyon ko.. Hindi ko makontrol ang pag-iyak ko.

"Demi.." Mahigpit niya akong niyakap. "Sorry din anak. Sorry kung iniwan kayo ni Papa. Hindi ko naman ginustong iwan kayo. Sorry."

"Naiintindihan ko na po. Hindi nyo na kailangang humingi pa ng tawad."

I hugged him back. After so many years, nayakap ko rin uli si Papa. Lumuwag ang pakiramdam ko. Ngayong kasama ko siya parang ang lakas ko.







-------<3

Drama!! Haha! Gusto niyo bang malaman ang nasa utak ni Rafael? Matutupad na! POV niya sa susunod na chapter :))

TALE OF LATE UPDATE!!

Last Friday, handa na talaga si Kei mag-UD ng FF kaso lang nag mala-Cinderella siya dahil naubos na ang time niya sa computer shop..... Hindi na siya maka-UD kasi kasama niya ang kaniyang ina. Mabilis silang umalis sa computer shop para umuwi.

Saturday, ang pinaka-busyng araw ni Kei. Simula 7 ng umaga hanggang 2am siya gasing. Nagsimba, nagpunta sa tito niya, nag bonding with friends, nanuod ng City of Bones at nanuod ng Naruto. Balak niyang mag UD ng sunday kaso lang pagkabalik niya sa Manila ay nakatulog siya sa pagpupuyat at pagod kahapon. Nagising na lang siya ng kakain na ng dinner at hindi niya mapigilang wag manuod ng Suddenly it's Magic.... nagwapuhan kasi kay Mario. Ang kinahinatnan.... gabi na at tinamad ng lumabas...

Nagyong Monday, dapat kanina pa si Kei nag update kaso lang nabaliw na naman siya sa binabasang City of Bones. Pinanuod na nga binasa pa. tsk, tsk. Gabi na tuloy ang UD. Umaasa si Kei na wag kayong magsasawang mag vote and comment. Mahal na mahal daw niya ang mga readers niya..... And she lives..... not by the ENDING! may mga kasunod pa ang UD niya kaya paliligayahin niya pa kayo :))

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon