27: UNEXPECTED VISITOR

82.1K 964 32
                                    

"Forgiveness might make us look weak, but the weakest person is the one who holds anger, hatred, and revenge."-- unknown

CHAPTER 27

"RAFAEL!"

Kaagad na bumubulabog sa pag tulog ko. Panira naman.

"Raf-- Sorry." Nakita ko si Gardo ang nagbukas ng pinto. "Uhmm..gusto ko lang naman makausap si Rafael, okay lang ba Demi?"

Hindi ko maintindihan si Gardo. Bakit ba siya nagpapaalam? Paki ko ba kung na saan si Rafa--- RAFAEL?

Napabangon ako sa kama. Katabi ko si Rafael matulog. Ibig sabihin hindi ako nananaginip! Tumingin ako sa wall clock, 12 na ng tanghali.

"RA-" Sisigaw sana ako kaso lang nakasilip pa rin si Gardo sa pinto. Baka isipin niyang nag-aaway kami. Ang ginawa ko na lang, lumapit ako sa kaniya at binulungan ko siya. "Rafael, your dad is here."

Silence..

"Rafa.."

Silence..

Aba't ayaw magising! "Rafael!" Napatingin ako kay Gardo. Opps! Nakasilip pa rin siya. "Raffy, gising na." Eww!

"Uhmm.."

Umungol lang ang bwiset. "Honey, wake up." hinawakan ko na yung dibdib niya. Pag ako napikon pupukpukin ko na siya.

"Demi..." Pero pano ko siya mapupukpok? Hinawakan niya yung kamay ko at hinila para yakapin niya. Ngayon tuloy nasa ibabaw na niya ako at nakasubsob sa collar bone niya. Sht! I can smell him.

"Rafael ano ba?!" Bahala na nga. Sisigawan ko na siya. "Gumising ka na pwede? Nanjan yung daddy mo!" Tsk! Nakakainis! Bumibilis tibok ng puso ko. No, no, no!

"Huh?" Gumalaw na siya. Sa tingin ko nakita na niya si Gardo. "Dad."

Sa halip na bitawan ako, mas lalo niya pa akong nilapit sa kaniya.

"Dad naman, panira ka." Sabi niya sa daddy niya tapos ako naman ang tiningnan. "Good morning Honey." Sabay halik sa noo ko. "Mukhang marami pa akong gagawin. You can sleep again." Binitawan na niya ako at tumayo sa kama. "Dad, what do you need..blah..blah.."

Oh my golly! Napahawak ako sa didib ko. Ang bilis ng tibok. Para akong magha-hyperventelate dito.

Bakit super affected na ako kay Rafael ngayon? Gustong gusto ko na ba siya?

Hindi pwede!

Makabangon na nga. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng side table.

What the! Pagkabukas ko sa cellphone ko napalitan na yung plain na wallpaper. Iba na siya ngayon. Picture na namin ni Rafael na parehong tulog.

Pano yun? Pareho kaming tulog? Tska, sinong nagpalit?

Pupuntahan ko sana si Rafael kaso lang narinig kong nagtatalo yung dalawa.

"You woke them up? You're being irreasonable. Alas'dose ng madaling araw pagtatrabahuin mo sila para makauwi ka kaagad?"

"Dad, sinusulit ko lang ang stay sa Thailand. Hindi kami pumunta doon para magpasarap."

"Hayy.. I know you did this for you to be with Demi again."

"Dad..."

Nakita ko rin yung pagkadisappoint sa mukha ni Gardo. Then he sighed.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon