26: KAYA NG LONG DISTANCE?

81.2K 1K 72
                                    

"Distance means so little when someone means so much." ---unknown

CHAPTER 26

Hayy.. Nakakapagod makasama yung dalawa kong bestfriend. Nakalimutan ko na kung gano sila kakulit.

Nasa pad pala ako ni Rafael ngayon. I have my own key and I know everything inside this pad kaya bukas kaagad ng wifi! I have to finish some articles for the next issue of GLAM. Buti may dala ako ng laptop kaya kaagad akong nalunod sa aking pagtatrabaho ng may nagdestruct sa akin.

Skype. Rafael.

Wait! Mukha na akong bruha! Nakasalamin pa ako! Yung buhok ko! Wala akong make-up! Yung dam--- teka nga. Ano naman ngayon kung panget ako? Alam naman niya yun. Tsk! Baliw na talaga ako. Pinindot ko na yung answer button.

Kaagad na lumabas yung mukha ni Rafael. Sht! Bakit kailangang video call? Pwede namang voice call lang.

"Ang tagal mong mag-online." Nakasimangot niyang bungad. Aba't bipolar mode na naman ata.

"Tinakasan ko muna yung mga kaibigan kong nasa bahay."

"Right. Sandali, nasa pad ko ba ikaw?"

"Right." Ginaya ko siya sabay irap.

"So, you ran from your friends? Aren't you happy to met them again?"

"Masaya pero ang kulit. Nakausap mo naman sila ah."

"I think they're funny. Hindi ko nga alam bakit ka nila naging kaibigan."May himig ng pang-aasar yun. Alam ko!

"Sapak gusto mo?"

"Kaya mo? Sige sapak na." Tinaas niya yung kamay niya. Talagang magpapasapak. Alam niya kasi na hindi ko magagawa. Yung laptop ko lang masisira ko.

"Kakaasar ka! Kung wala kang matinong masasabi i-end na itong video call mo."

"Wait! Eto naman hindi ma biro. Wag mo akong babaan. Hindi pa ako naaantok, wala akong makausap." Aba't paawa effect siya. Nakita ko yung background niya nasa loob ng room ng hotel. Naka-shirt na lang siya at gulo-gulo ang buhok. Yung mga mata naman niya namumungay na. Sinong hindi naaantok?

"Ihiga mo na lang yan. Makakatulog ka rin."

"But I can't I misssythsonwr."

"Huh? Parang choppy ka. Miss ano?"

"I miss there. Gusto ko na umuwi." Nag-pout siya. Ang cutrr..nevermind.

"Home sick kaagad? Parang hindi ka naman laging nasa ibang bansa." Pinagloloko ako nitong lalaking 'to. Miss niya kagad dito eh lagi naman siyang nasa ibang bansa. Last time nga nasa Australia siya ng isang buwan.

"It's different now."

"Psh! Tumatanda ka na." I joked.

"At least hindi kasing tanda mo." and it backfired that fast.

"SIGE BYE!" Asar!

"JOKE! JOKE LANG. HAHAHA!" Tawa lang siya ng tawa sa kabilang linya. "Ang sasabihin ko kasi... At least tumatanda akong kasama ka. Ayiiee! Kinilig."

"Shut up!" Namula ako dun. Buti na lang talaga dim light lang ako dito kaya hindi halata sa camera. "Ikaw makapang-asar ng ganyan parang highschooler. Isip bata!"

Tumawa lang siya ng tumawa. Nabobored na ako sa kakatingin ng joking niyang mukha kaya tinangal ko na yung salamin ko. Hahayaan ko na lang open itong laptop tapos ako hihiga na.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon