29: VISITORS, MASSAGE

79.3K 927 72
                                    

5/24/17: Republishing My Painkiller on Wattpad. Sana magistuhan nyo rin ☺️

"I feel like a visitor just about everywhere." --John Corbett

CHAPTER 29

"Ms. Demi, may bisita ka na naman uli."

"Ana!" Bakit ba ang sagana ko sa bisita ngayon?

"Ms. Demi, lalaki siya ngayon. Boyfriend nyo rin po? Hindi kasi si Sir. Rafael."

Hindi si Rafael? Sabagay nasa office yun ngayon. Sino kaya?

Lumabas na lang ako. And to my surprise it's my Kuya Zero. Parang masama ang kutob ko dito. Mukhang pumunta siya dito para tulungan ang magaling kong tatay na kampihan siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala man lang bang hug?" He stretched his arms for me to hug.

"Bakit ka nga nandito?" Sabi ko habang tinatapik ko yung likod niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Mag early lunch ka na lang. Tara na?"

"Sandali!"

Wala naman akong nagawa. Basta nadala na lang niya ako sa isang fastfood chain. Umorder muna siya tapos kumain na kami.

"Kuya?!" Mejo naiinis na ako. Wala pa kasi siyang sagot sa tanong ko kanina at wala siyang ibang ginawa kundi ngumiti.

"Okay magsasalita na. Alam mo naman siguro ang pakay ko dito diba?"

"Inutusan ka ni Jacinto na kausapin ako?"

"ENGK! Kala ko alam mo na." Hindi ko alam pero parang ang lively ni Kuya ngayon. "Ang totoo niyan narinig ko yung pagkikita niyo kay Mama at nadismaya ako sa ginawa mo. Ama pa rin natin siya Demi. Respect."

"How can I respect a man who ruined his family?"

"Demi."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Ayoko ng usapang ito. Ayoko!

"Iniwan din ako ni Papa." He shouted.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakita ko serious na rin sya. "Dinala niya ako sa America pagkatapos mahati ang pamilya natin. Alam mo kung anong nangyari? Iniwan niya ako sa isa sa mga kamag-anak niya dun. Nalaman ko na lang na nakulong na pala siya. Lumaki ako mag-isa Demi. Binuhay ko ang sarili ko. And look, I become successful. I cursed Papa for leaving me, for hurting our mom, for leaving you. Galit ako...pero napatawad ko siya. Demi, alam ko na pag nasa sitwasyon ka ni Papa ganundin ang gagawin mo." Tumayo na rin siya tulad ko. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago umiwas ng tingin. "May meeting pa pala ako... Please forgive him."

Umalis siya. Ako naiwang tulala. Kuya live in America alone? I didn't even know that! Kaya ba bihira ko lang siya makita dati? Na kahit gusto siyang kunin ni Mama hindi niya magawa? Tapos, nakulong si Papa... Buti nga sa kaniya!





<3

I felt down when I went home..er..went sa pad pala ni Rafael. Wala pa akong balak umuwi. Ano ba kasing sasabihin ko kay Mama? Hindi nga rin sya tumawag. Sa totoo lang, gulong gulo pa rin ako.

"Nandito ka na pala." Maya-maya dumating din si Rafael. Tumabi siya sa couch na kinauupuan ko. Tiningnan ko lang siya saka ibinalik ko yung mata ko sa pagkakapikit. Hindi na niya ako kinulit kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang naman din siya.

"What?"

"Napagod ako."

"So, bakit ka nakatingin sa akin?"

FAKE FIANCE ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu