25: FRIENDS?

85.2K 1.1K 89
                                    

5/21/17: isasabay ko na rin ang My Painkiller sa pag uupdate. Sana suportahan nyo.

"Friendship isn't about whom you have known the longest... It's about who came, and never left your side.."- Unknown



CHAPTER 25

The next day, Rafael texted me that he's going to Thailand today.

Buti naman at walang makulit. At kailangan ko rin i-sort ang nararamdaman ko para sa kaniya. Baka mawala rin 'to. Bugso lang ng damdamin, mawawala rin. Tama.

Sa office pagkarating ko, nakita ko kaagad si Mrs. Sawako. Isa siya sa mga stockholders ng company. Isa siya sa may pinakamalaking shares ng company kaya naman napaka-importante niyang director.

Ang kaso nga lang imbyerna siya. Nagfefeeling magaling. Nakapangasawa lang naman ng mayamang hapon.

Kasalukuyan kong naririnig yung mga staff na nag bubulungan. Ang good news, hindi ako yung pinagchichismisan nila kundi si Mrs. Sawako.

"Pst!" Saway ko sa dalawang staff na napapalakas ang bulungan.

"Sorry po."

"Get back to work."

Tumango na lang sila at nagtrabaho na. Papasok na sana ako sa office ko ng makita ako ni Mrs. Sawako.

"So, you're still here Ms. Magsaysay. Kala ko titigil ka ng magtrabaho lalo na't nakabingwit ka ng mayamang mapapangasawa."

Hindi mo ako katulad. Yan dapat ang sasabihin ko. Pero nakakapagtimpi pa naman ako kaya hindi ko na siya papatulan. "I'm still working Ma'am. Hindi naman po magandang dahilan ang pag-aasawa ko para tumigil ako. Hindi naman ako paralize para tumigil."

Tumaas yung kilay niya. Siguro natamaan sa sinabi ko. Bahala siya. "Gusto kong mag-round sa buong office." Pag-iiba niya sa usapan. Malugod ko namang tinanggap yung command niya. Wala naman akong magagawa, mas mataas siya sa akin.

Nilibot ko na siya. Wala naman sanang problema kaso lang may hindi inaasahang pangyayari. Habang maglalakad kami bigla na lang siyang nabunggo ng isa sa mga junior writer.

"BULAG KA BA? ANG SAKIT-SAKIT!" Reklamo ni Mrs. Sawako.

"Ma'am, sorry po. Sorry.. Sorry!" Hihimasin sana noong staff yung paang nalaglagan ng mga books kaso lang sinipa siya ng matandang bruha.

"SORRY? Ganun na lang yun? Ang tanga-tanga mo! Ang laki ko para hindi mo makita sa dinadaanan. At hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Mrs. Sawako! 10% ng shares ng kumpanyang ito, sa akin!"

"Sorry na po Ma'am hindi ko po sinasadya." Naiiyak na siya sa sahig. Marahil sa takot at kahihiyan na rin. Halos kasi lahat ng mga staff sa amin nakatingin na.

"You're fired! Ms. Demi, ayoko ng nakikita yang pagmumukhang yan dito!" Nag-aalburuto na si Mrs. Sawako.

At ako... Sukdulan na rin. I want to wack her face! Dati pa. How dare she treat a staff like that?

"I'm sorry Ma'am but you can't fire her and I can't do what you said."

"Anong sinasabi mo Demi? Wag mo nga kakampihan yang tatanga-tangang empleyado mo. Hindi ko alam kung bakit kayo nagpapapasok ng katulad niya sa kumpanya."

"Una sa lahat..." Napakuyom na yung kamao ko. Nagpipigil akong masapak siya. Matagal na talaga akong napipikon sa bruhang yan. "..wala akong kakampihan hangat hindi ko alam ang tama. And you know what Mrs. Sawako? You're wrong that's why I side with her." Lumapit ako kay Yina. Nakasalampak pa kasi siya sa sahig at nangingiyak na. Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya para tulyngan siyang makatayo. She hesitate but gave in after she saw my sincerity.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon