19: (wala akong maisip na title)

87.1K 898 21
                                    

"Security is like virginity: you're either a virgin or you're not. You either have security or you don't."---Lennart Meri

CHAPTER 19

"Pinag-alala mo ako Demi. Buti na lang tumawag ako kay Rafael kanina at nalaman kong tulog ka pa." Yan kaagad ang salubong ni Mama sa akin pag-uwi ko.

"Ma, okay lang ako. Papanik na po ako." I tried to ignore her. Pagkaharap ko sya naaalala ko sila ni Gardo. Nalulungkot lang ako.

"Mukhang hinahapon ka na rin sa pag stay kay Rafael. Baka sa susunod kahit hindi pa kayo kasal hindi ka na umuwi."

"Ma." Hindi mangyayari yun. Niyakap ko sya. Bakit kasi masaya pa syang nakikitang kasama ko si Rafael? Pwede bang magalit sya? Bakit nagpapangap syang masaya kung alam ko namang nasasaktan sya..sila ni Gardo. "Sorry Ma."

"Sorry para saan?" Niyakap nya rin ako. "Don't tell me sinuko mo na ang bandera ng kababaihan mo kahit hindi pa kayo kasal?"

Waahh! Oo nga pala.. Yung kagabi.. Wala akong maalala. May nangyari ba sa amin ni Rafael na...na yun? Isip! Isip! Ang tanga ko para maglasing ng sobra! First time ko malasing. Tapos yung mga sinabi pa ni Rafael.. Hindi ko alam yung sagot. May nangyari ba talaga? Kung...pero pano nya nalamang virgin pa ako? Hindi kaya...

"Demi?" Bumitaw sa pagkakayakap si Mama. Hinawakan ako sa balikat ko at tinitigan ako ng husto. "Demi.. May ginawa ka bang hindi maganda?"

Patay! Lagi pa naman akong pinagpapangako ni Mama na wag ko raw ibibigay ang virginity ko hanggat hindi ako nagpapakasal. At yung panaginip ko.. Mabubuntis ako.. NOOOO!

"DEMITRIA?"

"MA! W-Wala po! Wala, wala, wala. Hehehe!" Hindi ko sure kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Sigurado ka?"

"O-Opo! Si-sige po magb-bihis muna a-ako!" At nagtatakbo na ako sa kwarto ko.

Ano ba naman yan?! Bakit wala akong maalala? Wait, naaalala ko...uminom ako, nasukahan ko si Rafa, nasa kama ako, tapos sinusuotan ako ni Rafa. Yun na lang ang naaalala ko!

Rafael!!!

Tinawagan ko sya. Nakailang ring bago nya sinagot.

"Bakit?" Pabulong nyang sabi sa akin.

"Anong nangyari kagabi?"

"Anon--Ahhh.. Thanks for the night babe."

"Hoy! A-anong pinag sasabi mo? Linawin mo? Anonong nangyari sa atin kagabi? Did we.."

"We, what?"

"Did we..uhmm.. Did we have sex?"

Yung halakhak nya lang ang narinig ko. "Sorry. You may continue."

I frown. Mahina yung boses nya kasi at mukhang hindi ako yung kausap. "Rafael, nasan ka?"

"May meeting ako. Mamaya na lang tayo mag-usap, virgin."

"Hoy! Rafael? Rafael!" Kakainis! In-end nya na yung call at mas lalo akong naguluhan.



<3

Nagtulug-tulugan na lang ako buong hapon. Gabi na at kanina pa ako ginigising ni Mama para kumain pero nagpangap akong pagod na pagod at ayaw magising. Pero ang totoo naghihintay lang ako sa text ni Rafael. Kailangan ko ng paliwanag nya sa nangyari kagabi pero ang kumag walang reply sa text ko! Ten o'clock na ng gabi pero wala pa ring text. Gutom na ako tapos si Mama nasa sala pa rin at nanunuod ng kung ano mang reality show yun.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon