14: ANGELO

89.5K 999 35
                                    

"Being alone does not mean you are lonely, and being lonely does not mean you are alone."--- Angel Chernoff

CHAPTER 14

Bakit walang nagpapasakay sa akin na taxi?! Nakikita ko na ang mabagal na usad ng sasakyan. Hayy.. Naabutan na naman ng traffic. Magjejepp na lang ba ako? Bakit kasi hindi ako sumabay kay Agnes? Eto ang napapala ko.

"Hop in!" Sa pagrereklamo ko biglang dumating si Rafael. Iba yung sasakyan nya ngayon. Limo at may driver sya ngayon.

Tumingin tingin ako sa paligid. Para naman kasi akong pick-up girl dito na sasakay sa sasakyan ng customer.

"Hindi ka ba sasakay?"

Eto nga nga po. Tss.. Pagsakay ko narinig ko kagad yung music.  Instrumental Saxophone ang naririnig ko.

"Bakit ka naka-Limo?" I asked curious why he's riding this car.

"Kanina may emergency at sinundo na lang ako kaya naiwan yung sasakyan ko sa condo. No choice eto uli dala ko. Buti pala naabutan kita alam ko wala kang kotse."

"Buti naman alam mo." hinawi ko yung buhok ko at nilagay sa isang side ng leeg ko. Ang init mag hintay kanina.

Tahimik lang kami habang naipit kami sa traffic. Buti na lang hindi ako nakakotse kundi kumukulo na naman ang dugo ko sa inis.

Lumingon ako kay Rafael. Ang tahimik nya a----EH? "B-bakit ka nakatingin sa akin?"

"May dapat ka bang sabihin sa akin?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nakakailang yung tingin nya kaya iniwas ko na ang tingin ko. Nagfocus na lang ako sa pagtingin sa labas ng bintana. Kaso lang mukhang nagfofocus yung utak ko sa nangyari kanina sa amin ni Angelo. Yung kiss! Crap! I want to forget about it. Parang iba sa pakiramdam ngayong katabi ko si Rafael..parang...nagtataksil ako. No!!! Fake lang naman yung sa aming dalawa ni Rafael. FF ko lang siya.

"May nangyari ba kanina?"

Nabigla na naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Oops! Wrong move! Iwas ng tingin. May nangyari nga kanina pero hindi mo na kailangang malaman! At hindi ko na rin kailangang maguilty. "W-wala. The usal." Why should I be guilty? Fake! Fake lang naman yung sa amin ni Rafael. Fake! Eh yung kay Angelo? Ayoko na!

"Bakit ang feeling ko may tinatago ka sa akin?"

Hit the right button! May tinatago nga ako.

"No way! Bakit na-na m-man a-ako m---" Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko kasi palapit sya ng papalapit at tinuro yung leeg ko.

"What is that?"

"Ang alin?"

"That." Tinusok nya ng daliri nya yung leeg ko.

Kaagad naman akong kumuha ng salamin sa bag ko. OMG! What is this?! Angelo!! Si Angelo ang may kasalanan nito.. Sht! He left a hickey.

"Why do you have a love bite?"

"n-no! Pantal lang yan. Nakagat ako ng ng ng ng lamok."

"Lamok? Demitria I know it's not. Saan mo nakuha yan? Sino gumawa nyan? I don't remember giving you one."

"Its.. It's none of your business!" tinulak ko siya papalayo sa akin.

Noong ginawa ko yun hindi na sya nangulit pa. Seryoso syang nakatingin sa cellphone nya at kung ano-anong pinaggagawa. Buti naman at hindi na sya nangulit pero parang iba ang kutob ko..parang galit sya.

Pagkarating sa condo nya wala pa rin syang sinasabi. Ni hindi nga nya ako hinintay sa pagbaba ng kotse pati sa pag-akyat ng elevator. Hindi ko alam kung bakit kailangan nyang gawin sa akin yun. Dahil ba sa may chikinini ako para maging ganyan sya? We're not in a relationship for him to act like that!

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon