11: BESTFRIEND'S HELP

89.5K 978 61
                                    

"First they ignore you, then they laugh at you, then they fight you, then you win."---Mahatma Gandhi

CHAPTER 11

"OMG! You should choose this."

I rolled my eyes. Sige Kendra ikaw na ang magprepare ng kasal ko, ikaw na rin ang ikasal. Kanina pa sya pinangungunahan ang pagpili ko ng mga kailangan sa kasal. Kanina yung venue gusto ko garden wedding lang, pero sya gusto sa Manila Cathedral and worst, sya ang nasunod. Mas mukha kasing kampi itong wedding planner ko sa kanya. Sya ba ikakasal? Diba ako?

"Ano po sa tingin nyo Ma'am Demi? Mas bagay nga po yung pinili ni Ma'am Kendra na invitation. It's more classy."

Kita nyo yun? Mas mga marunong pa sila diba? "Sure." Walang gana kong sagot. Etong wedding gown na lang ang pinagkakaabalahan ko.

"Gown, right!" Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Kendra, sya na mismo yung naglilipat ng page. Ako kaya yung tumitingin tapos inuunahan nya na naman ako. Kaunti na lang talaga masasapak ko na itong si Kendra. Nagtitimpi lang ako dahil bestfriend sya ng mapapangasawa ko. Ano daw? Feel ko naman daw sabihing mapapangasawa.

"I'm going." Tumayo na lang ako. Kakawalang gana, makaalis na nga.

"Where are you going?" Kendra asked.

"Home?"

"Hindi pa tayo tapos ah."

"I'm not in the mood. Bukas na lang." Tska umalis na ako pero narinig ko yung sinabi ni Kendra na "Sasabihin ko to kay Rafael." E di sabihin mo. Sumbungera.

Tanghali pa lang ngayon. Maka-punta nga lang sa bookstore.

Kanina pa vibrate ng vibrate yung cellphone ko. Si Rafael kasi yung tumatawag. For sure alam na nya kung ano nangyari kanina. Sumbungerang Kendra.

"Anak hindi mo ba sasagutin?" Napansin ata ni Mama na kanina pa umiilaw at nangangatog yung cellphone ko sa tabi ko.

"Mamaya na po pagkatapos kumain." Pinagpatuloy ko lang ang pakain. Nagutom ako sa kakalibot sa bookstore kanina.

"Nag-away ba kayo?"

"PO?" Para naman akong nabilaukan sa sinabi ni Mama. "No!" Naku po baka isipin ni Mama na hindi talaga strong yung relationship namin, na maghihiwalay din kami.

"Demitria, kilala kita." Tinitigan nya akong mabuti. "You're independent, strong, dominant and sometimes stubborn pero anak sa pag-aasawa dapat malaman mo na yang mga katangian mo ay pwedeng makasira ng relasyon. Babae ka, ikaw ang dapat na umiintindi sa asawa mo. Ang trabaho ng may asawa ay dapat nararamdaman ng lalaking dumidepende ka sa kanya. Na pagdating sa kanya mahina ka. Dapat submissive ka sa kanya at makikinig ka sa mga desisyon nya."

Hindi ako nakapag salita dun. Alam ko ang mga bagay na yan. Kaya nga ayokong magpakasal.

"Sa tingin ko mas mabuting umattend kayo sa family planning seminar at marriage counseling. Tatawagan ko yung kakilala ko."

"No!" Bakit ba ako napapasigaw? "I mean, si Rafael na ang bahala dun. Plan talaga namin ang mag seminar bago ikasal." Shit! Nagsisinungaling na naman ako.

"I insist. Tatawagan ko na sya ah. Kain ka na lang muna."

Patay, excited na sya. Anong gagawin ko? Aksaya lang sa panahon ko yun. Lalo na kay Rafael na maraming ginagawa.

Bwiset pa itong tawag ng tawag. Masagot na nga. "Hello."

"Darn it Demi! Bakit nag walk out ka raw kanina?" Galit na galit sya doon sa kabilang linya.

"Nagsumbong na pala yang magaling mong bestfriend."

"What's wrong with you? Nagmamagandang loob na nga si Kendra para tulungan ka sa pagpeprepare tapos ganyan ka pa sa kanya."

"Edi sya na lang pakasalan mo. Tutal naman kanina sya lang naman nasususnod." I ended the call. Umuusok na kasi ako sa inis. Sa akin pa kasi nainis. Yang bestfriend nyang magaling ang pinapanigan nya kesa sa akin. Sa bagay, ano ba naman akong FAKE diba?

Nagligpit na lang ako ng pinagkainan namin saka pumanik na sa kwarto ko. Magbabasa na nga lang ako.

After 20 minutes na pagbabasa, nagba-vibrate na naman yung cellphone ko at si Rafael na naman.

"Ano? Ie-end na ba natin ang plano tapos papakasalan mo na si Kendra?"

"Damn! Will you please act rationally."

"Ikaw ba rational? Alam mo ba kung anong nangyayari dito para masabi mong hindi ako rational?" Napapasigaw na ako dito. Buti na lang nasa kwarto na ako.

"Why don't you like Kendra?"

Tinatanong pa ba yan? "She's getting on my nerves. I'm sorry to tell this to you but your bestfriend is a bitch. Hindi ko alam kung sa akin lang o ganun talaga sya. Kanina, lahat ng napagplanuhan sya ang may gusto. The Cathedral, the invitaion and maybe the gown tapos eto nagsumbong pa. Ano kami elementary para magsumbungan?"

Nanahimik sya. Hindi ko nga alam kung nasa kabilang linya pa sya.

"Pagpasensyahan mo na lang sya. Alam mo naman na nasa Australia ako at hindi kita matutulungan jan."

Pasensya. Tsk! Wag na lang kaya namin gawin ito baka magkaroon ako ng peace of mind.

"Demi.." He said when I didn't answer.

"Good night." Saka ko na in-end yung call. Nakakawalang gana. Jan na sya sa Australia. Ayoko na ng planong paghiwalayin ang mga magulang namin. Tutal hindi ko naman plano to sa simula pa lang.

Nandito na naman kami para mag plan ng wedding. Ngayon, tahimik na si Kendra, palagay ko kinausap din sya ni Rafael.

Kami na lang nung wedding planner yung naguusap tungkol sa color motif, theme tska sa reception. Pagdating naman sa gown sinukatan na ako. Mukhang matatapos ang araw na ito ng walang proble---

"Ms. Kendra are you okay?" Napansin kasi nung wedding planner na umiiyak si Kendra. Umiiyak ang bitch?

"I'm okay." Pero humahagulgol pa rin sya dun sa kinauupuan nya.

"May problema po ba?"

"Wala naman." Pero iyak pa rin ng iyak tapos yumakap pa dun sa planner.

Inis! Paawa-effect pa sya. Alam ko namang dahil sa akin kaya nagiinarte yang babaeng yan.

"Umayos ka nga." Nilapitan ko sya.

"Ma'am Demi." Yung Wedding Planner naman namin mukhang dedepensahan pa.

Dinedma ko lang sya. "Sabi ko umayos ka. Ano ba yang iniiyak-iyak mo jan? Kung may problema bakit hindi ka na lang umuwi?"

"YOU!" Bumitaw na sya sa pagkakayakap, tumayo at mukhang galit na galit na nakatingin sa akin. "Never in my whole life na napagtaasan ako ng boses ni Rafa, NGAYON LANG and it's all because of you."

"Hindi naman ata magagalit yang si Rafael sayo kung wala kang ginawang masama diba?"

"YOU BRUTE! I HATE YOU!" Gigil na gigil na sya.

"I know and I hate you too."

"WAAAHH!"

Fvk! Dinambahan nya ako at pinagsasabunutan. Ang lakas ng lecheng to!

"Feeling mo ang ganda-ganda mo! Nakakainis kaya yang pagmumukha mo lalo na yang bibig mo!" Halos matanggal na yung anit ko sa ginagawa nyang paghatak sa buhok ko. "Hindi ka dapat kay Rafael!"

Shit! Kung makakatayo lang ako dito sasapakin ko itong babaeng ito!!!! "Sinong gusto mo kay Rafael?! Ikaw?!"

------

Guys try my one-shot story entitled Daydreamer. Click the external link.

Thank you for reading!

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon