PREQUEL: LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE

33.2K 290 10
                                    

LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE








"I'll wait."





That's the sweetest thing I heard from a man. His words is full of assurance and faith for our relationship. Wala pa naman kaming masasabing siguradong relationship ni Angelo pero kung ipipilit na i-classify kung anong meron sa amin, masasabi kong mag MU kami. Meron kami nitong tinatawag nilang Mutual Understanding ni Angelo pero hindi pa kami pwedeng lumampas sa ganiyang estado, bawal pa kasi.





"I love you, Demi." Dagdag pa ni Angelo.





Gusto ko sanang sabihing 'I love you too' kaso lang natatakot akong paasahin siya. Pero ang totoo? Gusto ko talaga siya. Ayoko namang mapasama siya sa Mama ko at sa feeling protective (pero lagi namang wala) kong Kuya Zero. Masyado silang mahigpit sa akin pagdating sa ganitong bagay. Hindi ko nga maintindihan sa mga yun kung bakit kailangan pa nila maghigpit sa akin eh mas matino naman ako mag-isip sa kanila. At alam naman nilang issue na sa akin ang commitment dati pa kaya mapili talaga ako sa lalaki.





"Iuuwi na kita." Sabi niya nang wala akong isagot sa kaniya. "Oh baka magalit ang mama mo sa akin?"





"Sa may kanto malapit na lang sa amin mo ako ibaba." Pinilit kong ngumiti kahit ayoko masabi lang na hindi ko siya tinatanggihan at maramdaman niyang gusto ko rin siya.





Pagkarating namin malapit sa bahay ko pinasalamatan ko na siya at nagmamadaling tinangal ang seatbelt para makalabas na ako. Kaso lang pinigilan niya ako.





"You're going to my graduation, aren't you?" Taning niya.





Graduating student na pala si Angelo Yambao. Mas matanda at ahead siya sa akin ng isang taon. Pagkatapos niya sa college, siya na kaagad ang papalit sa papa niya sa pamamalakad ng mga stocks nila sa iba't ibang company. Yes, he's rich and somehow I'm intimidated to his life status. Isa ata yun sa dahilan kung bakit mas pumayag ako at hindi ko sinuway sila Mama-- ayokong magmukhang maliit sa harap niya. Gusto ko munang may mapatunayan sa buhay.





"Oo naman. Sige, bababa na ako." Hindi na ako lumingon pa, diretsyo uwi na ako sa bahay namin





"Good evening, anak!" Salubong ni Mama.





Hindi ko siya niyakap o hinalikan. Awkward lang. Nagmano lang ako. "Eve," Matipid kong sagot.





"Sandali, kasama mo yung manliligaw mo noh?"





Pinilit kong wag magpahalatang gulat ako. Nakakainis lang kasi ang lakas ng radar nitong mama ko. Tamang hinala lagi.





"Baka kayo na ng lalaking yun. Sabi ko namang no boyfriend while studying." Umastang nanay na naman siya.





"We're not. Ma, please, pagod ako at may thesis pa akong tatapusin."





"Basta ang lagi kong paalala sayo. Wag na wag mong isusuko ang bandera--"





"Ma!" Ang kulit talaga. Dinaig pa ng mama ko ang nagmumurang kamatis.





"Okay! Hindi na kita guguluhin. Alam ko namang mabait kang bata."








<3





Dumating ang graduation ni Angelo. Noong araw na yun nakilala ko ang parents niya. Isinama pa nila ako sa dinner nila. Mabilis ko silang nakasundo at wala akong masamang nasabi. Wala namang masama sa kanila. Super down to earth ng family ni Angelo. Mas lalao akong nahuhulog sa kaniya.





FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon