23: Ruiz

85.7K 896 39
                                    

"It is one of the blessings of old friends that you can afford to be stupid with them"----Ralph Waldo Emerson





CHAPTER 23

He texted me about our date. Yup, may date kami at doon nya raw sasabihin ang surprise nya. I can't wait. Maaga akong umuwi ngayon galing sa trabaho, which I never did before. Bukod doon, I tried to dressed up for the date but I failed. Mukha pa rin akong manang gaya ng tinatawag sa akin ni Rafa. I sighed in frustration. Mukhang yung eyeglasses ko lang ang maiiba ko ngayon, naka contacts lang ako.

Before I went out, my Mama asked me where I am going. And when I said 'date with Rafa' she practically lectured me about premarital sex, sacred marrige, pregnacy.. Oh, not now!

"Ma. I know that. Sige na aalis na ako."

Within thirty minutes nakarating na rin ako. Damn traffic!

Pagkapasok ko sa restaurant, madali ko syang nakita. Nakangiti sa akin at kumaway pa. Pagkalapit ko sa kaniya, niyakap nya ako at pinaupo na.

"Decided not to put you glasses huh?" Yun kaagad ang napansin niya. Pero as usual, pang-aasar nya na naman yun sa akin.

"Bakit? Sabi mo wag ako mag glasses, ayan sinusubukan kong masanay sa contacts." I tried not to blushed.

"Okay, uhmmm.. Do you missed me?"

Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata. Of course I missed him but I don't like to admit it to him. Maski nga sa sarili ko ayaw kong i-admit na miss ko sya. "Asa!"

"Ouch!" He faked hurt. "Miss pa naman kita."

It was a joke, I knew but I can't help but to blushed harder. After he said goodbye with a kiss, I been acting like a girl-in-love. Really?! Ang tanda ko na para kiligin ng ganito. "Kumain na nga lang tayo."

Tahimik lang kami habang kumakain. Minsan tinitingnan ko siya kaso lang nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kaya umiiwas ako kaagad. Nakakailang lang. After the main course, nag dessert kami ng milkshake.

"Demi"

"uhm?" Tiningnan ko siya at mukhang hindi siya komportable.

"Ang sarap ng milkshake."

"I know." I looked at him with an unbelieving look. Bukod sa uncomfortable sya, ngumingiti sya na parang pilit, pahid pa sya ng pahid ng panyo nya sa mukha nya na tila ba naiinitan (ang lamig kaya dito dagdag pa yung shake na iniinom namin), at yung kamay nya hindi mapakali kung ilalagay ba sa ibabaw ng mesa o sa ilalim. "What's wrong?" Hindi ko na napigilang tanungin sya.

"Huh? Ah.. Demi."

I frowned.

"About the surp---"

"Is that you Rafael? Oy Dude!" Naputol yung sinasabi nya ng may isang magwapong nilalang este lalaking kaaya-aya tingnan ang nasa harap ng mesa namin. For a split of seconds naalala ko kung sino sya. He is Ruiz! An actor and a host. Na-interview na namin sya sa 'On the Bachelor', yung usal segment ng Glam Mag. Katulad ng segment kung saan nainterview ko si Rafael.

"Ruiz! Man, it's been a long time." Rafael stood up and gave him a manly hug.

"Last reunion I guess. Balita ko magpapakasal ka na raw?" At saka nya pang ako napansin. "Oh, is she..."

"My fiancé, Demi Magsaysay. Demi, you know him right."

"Ruiz" At nagkasabay pa kami ni Ruiz. We shook hands.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon