15: TELL HIM

88.7K 964 38
                                    

"The real things haven't changed. It is still best to be honest and truthful; to make the most of what we have; to be happy with simple pleasures; and have courage when things go wrong."

― Laura Ingalls Wilder

CHAPTER 15

Ngayon daw yung balik ni Rafael.. Gustong gusto ko na syang makausap ng personal. Ngayon kasi alam ko na ang sagot sa tanong nya. Three weeks din akong nagtitiis i-e-mail sya. Doon ko nga nalaman yung uwi nya. Nakailang palitan lang kami ng message. Ang balak ko sa personal ko sasagutin ang tanong nya. Na hindi ko mahal si Angelo.

"Anak, saan ka pupunta?" Yan kagad ang bungad ni Mama pagkakita nya sa akin na nakagayak. Linggo kasi ngayon kaya ang akala nya magmumukmok lang ako sa kwarto.

"Sa airport po. Sige aalis na ako." Nagmamadali na ako kasi baka malate ako sa pagdating. At kakamadali naiwan ko yung salamin ko sa mata. Ano ba naman yan?! Kailangan ko pa tuloy bagalan ang takbo ng sasakyan ko para lang makasiguradong hindi ako mapapahamak dahil sa malabo kong mata.

After 1 hour nakarating na rin ako. Kaagad kong tiningnan yung monitor kung nakarating na ba yung eroplanong sinasakyan ni Rafael. Wala pa. Mga 45 minutes pa raw.  Umupo na lang ako at naghintay. Nagcecellphone na lang ako para mag e-mail sa mga staff kong may kailangan ako.

After fourty-five minutes... Delayed daw yung flight! Waah! Nakakainip na. Ine-enjoy ko na lang yung sarili ko sa mga magkakamag-anak na tuwang tuwang sinasalubong yung mahal nila sa buhay. Naghintay pa ako ng nag hintay hanggang sa nakita ko na sa monitor na 'arrived' ang nakalagay.

Hindi ko alam gagawin ko parang sumasakit na naman yung tiyan ko at kinakabahan pa ako. After three weeks makikita ko na uli si Rafael. And I'm not excited na makita sya. Excited lang ako na makausap sya.

Pinagtataka ko ang dami ng tao sa paligid. Andami naman atang susundo? Tska yung mga security guard naghihigpit sa mga nakaabang.

Shoot! Oo nga pala. Si Rafael Raymundo ang darating. Panigurado may mga press na makikigulo sa pagdating nya.

"Ayun si Rafael." Narinig kong may sumigaw sa di kalayuan at sa isang idlap pa may mga nagsilapitan ng mga media. Marami-rami rin ang nagpunta. May mga civilian pa ngang nakikisigaw ng "I love you Rafael" at "Hiwalayan mo na yung Finacé mo."

Hello? Katabi nyo lang kaya yung finacé. Tsk!

Pano na pala ako makakalapit nyan? Hindi pa naman alam ni Rafael napupunta ako at may barikadang nakaharang dito kaya hindi ako makalapit.

Right! I'll call him. Tinawagan ko nga sya at umaasang na on nya na yung phone nya. Parang ilang metro lang ang lapit ko sa kanya pero hindi ko magawang lumapit. There he was with Gardo surrounded by security guards and media. As always nakangiti sya na sinasagot kung ano man ang tanong ng media.

"Pick it up, pick it up!" Ring lang kasi ng ring. Papasakay na sila ng kotse, pero hindi pa nya ako nakikita. Dapat sa pad na lang nya ako naghintay. Stupid me. 

"Hello, Demi?" My heart leap. Nasagot nya na! Tinignan ko sya na papasok na sa kotse.

"Rafael, I'm here."

"What? Pasensya na maingay."

"I'm here! Tumigin ka sa harap mo." Kumakaway na ako dito. Dibale na magmukhang tanga dito. Ganito rin naman ginagawa ng mga ibang sumusundo.

"I cannot hear you. Wait."

Asar! "RAFAEL!"

Yung feeling na lahat sila nakatingin sa akin. Tumahimik nga yung paligid, maski yung press.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon