20: JEALOUS

89.7K 1K 61
                                    


"The jealous are troublesome to others, but a torment to themselves."---William Penn

CHAPTER 20

Dinner date with my older brother. As usual, his playful smirk flastered on his face. Cock like some guy I know.

"Wow bunso! Is that really you?"

Inirapan ko lang siya at hindi na hinintay na paupuin niya ako. Kaagad umupo na ako sa mesa at tumawag ng waiter para ibigay yung menu.

"Gumanda at sumexy ka nga pero masunguit ka pa rin."

"Hindi nagbabago ang tao ng ganun-ganun na lang." Kuya Zero knew me well. Alam nyang hindi ako close sa mga lalaki, maski siya nahirapan akong amuhin ng magkita kami uli after seven years na umalis sila ni Papa.

"If you think that way." Nanahimik na lang sya hanggang sa makapili na kami ng oorderin.

Habang naghihintay sa pagkain namin, walang nagsasalita, pareho kaming busy sa cellphone namin. Siya nakangiti samantalang ako naiinis na. Si Rafael kasi kanina pa tawag ng tawag kahit nasa trabaho ako kanina nambubulabog siya. Natanong ko na nga kung wala ba syang trabaho pero sabi niya meron daw syang surprise inspection, meeting at staff evaluation. Busy siya pero may panahon para mang-asar. Ngayon naman text siya ng text kung na saan ako. Parang ilang beses ko nang nasabing may date nga ako.

Pagkarating ng pagkain saka dumaldal uli si Kuya Zero. Hindi mawala sa kwento nya yung childhood friend nya.

"You're in love." I told him.

"I know. I finally admit it to myself." Sabi nya na talagang in love na in love. Yung tipong animated na sya tingnan sa sobrang saya.

"Kailan mo balak sabihin sa kanya?"

Natahimik siya sa tanong ko. Lumungkot yung mukha nya hanggang sa napabuntong hininga sya. "She doesn't have to know."

"Why? Ang katulad mong lalake natotorpe?"

"It's not like that. I think she's in love with this guy."

"Who?"

"Yung matabang pumayat! I don't know what's gotten with her brain. He's a fvking macho with no brains."

Natawa na lang ako sa kanya. "Magpapatalo ka na lang ba?"

"Little sister, minsan talaga kahit na gwapo ka, mayaman ka, swabe ka at perpekto ka, hindi sapat yun sa isang babae. Masyado kasi kayong choosy."

"Kami pa ang nasisi."

"Ikaw ba, pag nakakilala ka ng gwapong tulad ko, mayaman ng kaunti sa akin, at masasabi mong perpekto gugustuhin mo na lang ba sya kung lagi mo syang inaasar?"

"Napapala mo sa kakaasar." Parang si Rafael. Pero gugustuhin ko nga ba ang isang taong pinapainit na lang lagi ang ulo ko? Gugustuhin ko ba si Rafael? Hindi! Iba pa rin talaga ang sitwasyon ni Kuya sa amin ni Rafael. Mas mahirap ang bumigay sa pag-ibig kung nagpapanggap lang kayo.

"Demitria? Hoy! Tulala ka na."

"Huh? Ah.. Wala."

"Anong wala?"

"Wala. Wala."

"Tama, wala ka nang pagkain kasi kinain ko na."

Nakita ko yung plate ko na wala na yung stake. Yung Stake ko!! "Zero Magsaysay?" Nanliit yung mata ko sa kanya. "Alam mo namang favorite ko itong Stake dito."

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon