2: MEET UP

121K 1.3K 61
                                    



Getting married is very much like going to a restaurant with friends. You order what you want, then when you see what the other fellow has, you wish you had ordered that.-- Anonymous

CHAPTER 2: MEET UP

Nakabalik ako sa office nang umuusok ilong. Yamot talaga ako sa mga preskong lalaki, gaya ni Rafael Raymundo. Hindi ko maintindihan kung bakit kilala sya ng marami, hinahangaan at gustong makatrabaho. Kung alam lang nila na walang kwenta ang lumalabas sa bunganga ng lalaking yun.

Pagpasok ko sa building kita ko na yung mga empleyadong papabalik na sa office namin galing sa lunch break. Noong makita nila ako mga nagsiyukuan.

Dagdag sa galit ko!

Sa elevator pinauna nila akong sumakay at hindi sumabay sa akin. Ano ako may sakit? May anghit?

Pagkarating sa 20th floor mabilis akong naglakad papunta sa office ko.

"Demi!"

Natigil ako sa tumawag sa akin kulang na nga lang gumamit ako ng telescope para malinaw ko kung sino ang nasa harapan ko. Parang hindi kasi ako sure kung bakit ko kaharap ang babaeng ito.



"Agnes? Kala ko naaksidente ka?"

"Bat ganyan ka makareact gusto mo talaga masaktan ako? Naaksidente nga ako pero yung tipong nagasgas lang yung sasakyan ko."

Nag-alala pa ako sa kanya ng husto.

"Ano na?" Tanong nya sa akin. "Kamusta ang interview kay Mr. Gwapo?"

Oh sh¡t!

"I screwed up."

"What do you mean?"

"Ang yabang nya Agnes! Kala mo kung sinong boss. Sinasabi nya kung anong gusto nyang sabihin kahit nakakasakit na sya."

Nanlaki mata nya. "Anong ginawa sayo?"

"Mukha daw akong matandang dalaga. At parang pinapalabas nya pang wala akong Sense of Humor." Kumukulo na naman dugo ko.

"Totoo naman diba?"

Agnes! Sa lahat talaga ng employee dito itong babae lang ang hindi natatakot sa akin. Siguro dahil sa 5 taong agwat namin (mas matanda sya)? O kaya naman sanay na sya sa akin? Ewan ko pero sa lahat ng katrabaho ko sya lang ang masasabi kong nakakausap ko ng personal na bagay.

"Ano na Demi? Sabi ko naman sayo. Change yourself. Matalino ka nga at nakapasa sa taste ng chaiman natin pero mahalaga pa rin ang Attitude Demi. Attitude."

I rolled my eyes. Like I know that.

"Kita mo? Nakita lang talaga ni Mr. Raymundo king sino ka at sya lang ang may lakas ng loob na sabihin sayo ng deretsyahan na may mali sayo."

"Hindi lang sya pati ikaw." Napaupo ako sa malapit na silya. "Agnes.. Hindi ko na alam. Binabago ko naman ang sarili ko pero nauuwi sa ganito. Madaling uminit ulo ko."

"Tumatanda ka na nga siguro."

Tiningnan ko sya ng masama.

"Ano? Kung lagi ka kasing seryoso sa buhay magmumukha kang matanda plus pa yang pananamit mong parang namana mo pa sa lola mo."

Sige na ako na mali!

Buti na lang nagsibalikan na yung mga employee kaya nagsimula na akong magtrabaho. Limang oras akong nakaupo. Nagbabasa, nag eedit at kung ano-ano pang dapat asikasuhin sa susunod na issue ng magazine.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon