21: PRETENDING

88.7K 1K 48
                                    

Masyado nyo akong pinapasaya sa comments and votes nyo... dagdagan pa para mas mabilis ang UD. Chos!

"What is it in us that makes us feel the need to keep pretending... we gotta let ourselves be."---Christina Aguilera

CHAPTER 21

I got home without saying a word to Rafael. Basta na lang kasi akong hinla ni Kuya Zero. Tska, pano ko kakausapin si Rafael lalo na't narealize ko na nagseselos ako. Pinagseselosan ko yung manager ng restaurant (na isa pala sa mga business na pinapatakbo nya) nya. Yung sinabi ko, yung feeling na galit ka sa pagdikit ng babaeng yun kay Rafael. Hindi ba evidence yun na nagseselos ako. Pero bakit ba ako nagseselos?

Tsk! Isa pa sa gumugulo ng utak ko ay ang hindi pagtawag ni Rafael kaninang umaga. Usual na yung pagtawag nya pero ngayon wala akong natangap ni text man lang.

"May hinihintay?" Tanong ni Agnes ng pauwi na kami. "Kanina ka pa sulyap ng sulyap sa cellphone mo. Si fiancé ba?"

"Walang tawag ang loko."

"Bakit hindi mo tawagan?"

"Ayoko nga!" Hindi ko gagawin yun, hindi ko kaya.

"Nag-away kayo noh?"

Away? Hindi ko alam kung away na ba yung matatawag. "Hindi naman."

"Baka may nagawa kang mali?"

Hindi naman ata sya asar talo para magalit sa ginawa namin kahapon ni Kuyang pagtawa sa kanya.

"Think hard Demi, and be sure to say sorry to him. Uwi na ako."

"Sige ingat." Sumakay na rin ako sa kotse ko. Baka kailangan ko nga magsorry.



<3



I end up looking for him at his condo pero mukhang wala pa sya. Buti na lang prepared ako at may pagkain akong dinala. Habang naghihinya, kumain na lang ako saka nagligpit, naglinis na rin ako ng sala at ng room na tinutulugan ko. Wala pa rin siya kaya nanuod na lang ako ng TV. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na nga lang ako na para akong nakasuspend sa ere tapos bumagsak sa malambot na...kama?

Pagmulat ko ng mata ko, kagad kong nakita si Rafael.

"Sorry if I woke you up. Hindi ko lang kayang makita na sa sofa ka lang matutulog."

Napatingin ako sa paligid ko; nasa room nya ako. Wait, room nya?

"Bakit dito?" Napaupo ako kaagad. Bihira lang ako napapadpad dito sa kwarto nya. Everything is in white and grey. Malinis naman yung lugar at amoy na amoy yung pabangong gamit ni Rafael.

"Kendra is here."

I scowled. "Kendra? You're with her?"

"Bigla na lang sya nagpunta sa Hotel at hinahanap ako. She's been crying for I don't know how long. Basta maga na yung mata nya. Ayaw magsalita kaya inuwi ko na lang sya dito."

Bestfriend act, ano pa ba aasahan ko? Tsss...

"Rafa!" Bigla na lang pumasok si Kendra sa kwarto. "Tabi tayo matulog!" Niyakap nya si Rafael habang umiiyak.

"Kendra.."

"Uuwi na lang ako." Anunsyo ko. Iniiwasan kong magalit at magselos na naman. Wala naman akong karapatan para umakto ng ganun.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon