22: KISS GOODBYE

87.3K 1K 31
                                    

"You can't underestimate the power of a Stalker" –KeiPink (alam kong walang ka-connect-connect sa story. Swak na swak lang talaga yung sinabi ng kapatid ko sa naiisip ko ngayon)

CHAPTER 22

Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko. Nakapikit pa rin akong kinapa kung saan ko man nailapag yun kagabi. Half-concious na sinagot ko yung cellphone at bumalik sa pagkakayakap sa isang bagay... Ahhh.. Si Rafael pala.

"Demitria, hindi ka umuwi kagabi. Saan ka ngayon?"

"Ma, good morning. I slept here in his condo." Halos paungol pa yun dahil sa antok.

"With Rafael? Anak naman, sana tumatawag ka pag hindi ka uuwi. Pinag-alala mo ako."

"Sorry po. Sige po matutulog pa ako."

"Matutulog? Malelate ka na sa office mo."

Nasilaw ako habang tinitingnan yung screen ng cellphone ko. Six -thirty am na pala! Nagulat din ako. At mas nagulat ako sa nakayakap sa akin. Si Rafael na parang tukong nakapalupot sa akin.

"Demi? Gising ka pa ba?"

"O-opo Ma. Sige po magreready na po ako." Saka ko binaba yung tawag.

OMG! This is the first time I slept with a guy beside me, and as close as this! Wait, nagkatabi na pala kami dati nung nalasing ako. Pero yung ganito kalapit...gulp. I can definitly saw his long lashes, pointed nose, few frekels and warts, his growing mustache and beard. It may sound creepy but I don't mind seeing his features every morning. Wait! Ano ba itong iniisip ko. Dapat kumakawala na ako sa yakap nya.

Pilit kong tinatanggal yung kamay nya nang hindi nagigising pero walang epekto. Ang bigat nya kaya eto ginigising ko na sya. "Rafa! Pst! Gising na."

"Uhmmm.. Good morning." Ngumiti sya pero nakapikit pa rin.

"Gising na. Male-late na tayo sa trabaho natin."

"Wag na tayong pumasok. We own our company." ayun mas nagrelax pa at niyakap ako ng mahigpit.

"Own? Ikaw lang ang mayaman dito hindi ako. Wala akong pag-aaring company kaya bawal akong hindi na lang papasok para matulog."

Dumilat na sya na parang naiinis. "Okay."

"Okay, kaya bumitaw ka na sa akin."

"I one condition."

"Ano?"

"Dapat may morning kiss."

"Mukha mo!" I gulped. Kunwari hindi affected pero ng marinig ko pa lang yung kiss parang nagwawala na yung dibdib ko. Hindi naman ako ganito dati.

Pilit kong kumawala sa yakap nya. Successful naman kaya nakabangon na ako. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko na si Kendra na masama ang tingin sa akin. Hindi ko na pinansin at naligo na at nagpalit ng damit na nasa guest room. Prepared na ako para umalis ng may dumating. This time hindi yung secretary kundi si Gardo.

"Good morning Tito! What brought you here?" Salubong ni Kendra kay Gardo.

"Nandito ka pala Kendra." Nakita nya rin ako at tinanguan. "Nag-alala lang ako kay Rafael. Wala akong natanggap na sagot sa e-mail na pinadala ko. May emergency flight kami papuntang Australia mamayang 8. May kaunting problema sa branch ng hotel namin."

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon