Datum 18 : The Partial Truth

Start from the beginning
                                        

Bahagya akong natigilan saaking narinig. Isa sa mga bayani? Nandirito? Ngunit sino sakanila? Could it be—

"Ayan na! Ayan na silaaaaa!!" Buong ingat na pag bulong nung isa saaking mga studyante. Kung makapagsagap ng chismis, daig pa ang mga dagang nakakita ng isang malaking keso.

Kids nowadays.

Ngunit mukhang isa narin ako sa mga tsimosong dagang yun as I found myself being one of them as we carefully stare towards the main path.

Naroon naglalakad ang iilang matataas na military escorts ng paaralan na ito. Hindi natitinag ang kanilang mga mukha, lalo na aking kanilang pagbabantay sa nasabing VIP.

Hindi naglaon ay natigilan ako nang masagi ng aking mga mata ang isang pamilyar na babaeng nakausot ng full Xavierheld Uniform.

The gold rays of the setting sun then reflected her sadness on her emerald green eyes, as the gentle winds then sways her straight long chocolate brown hair.

I stood there, just like an idiot monkey who saw a banana over a tree. Confused, as well as delighted. An..Anong.. ano bang nangyayari dito?

"Ang ganda nung babae. Isa ata siyang high ranking officer base sa kulay ng damit niya."

"Ano kaba! Halata naman eh! Tulad sila ng kulay ng uniporme ni Captain, isa nga siyang Elite! Tanga nito!"

"Captain, diba siya ung babaeng natamaan ninyo ng bola a month ago?"

May kung anong pakiramdam na tumakbo saaking pangangatawan. Nanlamig ang aking mga kamay at nadinig ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Captain?"

Hindi ko na nagawa pang mapasagot saaking mga nagtatakang estudyante. Napahawak ako sa fence wall as I stare through her.

I cannot help but to let go of a smile on my lips.


Stella's Point Of View

"Is there a problem, Lieutenant?" agarang pag tanong saakin ng isa sa mga school escorts nang akoy biglang mapatigil saaking paglalakad nang makaabot kami sa tarangkahan ng grand building.

I felt that someone is staring at me in an unknown place. Huh.. hindi.. wala ito. Guni-guni mo lang yun Stella.

I know you're nervous but please! Put yourself together!

"It's nothing. Please, let's proceed." I said as I shook off my head at nagsimulang maglakad ulit. Just as I expected, the Grand building is quite silent at these times.

Wala ka nang makikitang estudyante sa lugar na ito by beyond 6pm. Those rules, up to now ay hindi parin nagbabago.

Naririnig ang aming mga yapak sa maluwang na hallways. Just like before when Captain Hagalaz had brought me here. Those days. Those times.

I felt a feeling of intense nostalgia as I let my feet walk upon the establishment that had once welcomed me in her arms.

The establishment that had witnessed my early beginnings. It's a shame na ngayon ko lang ito binabalikan.

"Right after you, Lieutenant." The chief escort then gave his way patungo sa isang bukas na crystal lift. Agad kaming napasakay roon. We felt the lift then elevated us giving me the opportunity to have a bird's eye view of the whole academy.

Maraming bagay na ang nagbago since na restore at na renovate na ang buong lugar after the war. The academy itself served as a military base sa kasagsagan ng kagukuhan 2 years ago.

Agad na bumukas ang pinto at wala pang iilang minuto ng aming paglalakad ay nagawa na naming marating ang lumang opisina ni Admrial Maris.

They said that, dito usually tumatambay si Admiral tuwing dinner. Oo nga pala, bago ko malimot ay mahilig rin pala siyan magluto ng kung ano ano.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now