1: Meet Ariana

30.1K 377 7
                                    

[Chapter One]


"Yes finally, uwian na..." tinignan ko 'yung oras sa cellphone ko "Pero wala pa din si Ate Diane." Napabuntong hininga na lang ako

Pero hinahayaan ko na lang kasi may anak siya na dapat niyang alagaan. Hindi niya maiwan kasi wala siyang asawa at hindi niya kasama ang mga magulang niya. Alam ko ang pakiramdam ng ganon, walang maaasahan kaya hinahayaan ko na lang.

"Wala din naman akong gagawin sa bahay saka overtime din 'to, dagdag kita kaya okay lang." Sabi ko na lang sa sarili ko at nagsimulang ayusin 'yung inventory

Nagtatrabaho kami sa isang maliit na candy shop malapit sa school na pinapasukan ko. Maliit lang ang sweldo pero ayos lang kasi part time job lang naman 'to at naghahanap pa ako ng ibang trabaho na mapapasukan ko na may mas malaking sahod.

Isa akong working student, nag-aaral ako sa West Academy at third year college na ako, konti na lang at matatapos na din ako.

 Isa lang akong average student, pero kilala ako dahil sa maatas na grades ko. 

Tuwing matatapos ang klase ko ay dumidiretso na ako dito sa candy shop at sisimulan na ang shift ko kahit na pagod na ako at madaming assignments sa araw na 'yun. Mahirap na kasi, baka matanggalan ako ng trabaho, sayang din 'yong konting kita. 

"Gawin ko muna 'yung assignment at projects ko since tapos na shift ko at pati pag-aayos ng inventory at isa pa, hinihintay ko na lang naman si Ate Diane." Inilabas ko na 'yung notebooks ko at nagsimula ng magsulat

Pero sinumpa ata 'tong araw na 'to at minamalas ako, hindi ko pa nasusulatan 'yung notebook ko eh may dumating na customer.

Sa totoo lang, pagod na ako. Ayaw ko na pala magbenta, di pala okay 'to kahit dagdag sahod. Ate Diane, where are you? Huhuhu

Nilapag ko sa baba 'yung mga gamit ko at binati 'yung pumasok

"Good Afternoon, Sir! Welcome to the Sweetest Candy Shop!" Pinilit kong ngitian siya

Isang matangkad at mukhang mayaman na lalake 'yung pumasok sa shop at pamilyar 'yung pagmumukha niya.

Mula sa pagtingin niya sa mga candies ay lumipat ang tingin niya sa akin at nagulat naman siya nung makita niya ako. Sino ba 'to?

"Oh? Ariana? I didn't know you're working here?" Humagalpak siya ng tawa, 'yung nang-iinsulto

"Ano bang kasalanan ko sa mundo ngayon?" Bulong ko sa sarili ko 

Putangina? Sa dinami dami naman ng pwedeng maging customer, 'yung bwisit pa na lalakeng 'to. 

Sa lahat ba naman ng tao sa mundo, bakit si Jerard pa? 

Nagtataka ba kayo kung sino siya? Siya lang naman 'yung #1 playboy sa West Academy. 

Nagtataka din ba kayo kung bakit naiinis ako sa kanya? Nanggagalaiti? Kasi siya 'yung nanakit sa best friend ko kaya sobra talaga 'yung galit ko. Masyadong mayabang at mahangin pero teka parehas lang 'yun, diba?

"Sa tingin mo may pakialam ako sa sinasabi mo? Kung wala ka namang bibilhin, umalis ka na lang dito kasi ayaw kong masira 'yung araw ko." Bulyaw ko sa kanya at tumalikod para balikan 'yung assignments ko 

"Are you stupid? Alam ko mataas naman grades mo." Sabi niya habang kunwari ay nag-iisip "Pupunta ba ako dito kung wala akong bibilhin?" Saka niya ako inirapan "And besides, tindahan 'to kaya pwede akong pumunta, maliban na lang kung pagmamay-ari mo? Hindi mo din ako pwedeng sigawan dahil customer ako, hindi ba?" Tanong niya habang namimili ng chocolates "Tandaan mo, customers are always right." 

Maid For HireWhere stories live. Discover now