Chapter 49

397 29 5
                                    


Naging maayos at masaya naman ang byahe namin pauwi sa Batangas. May kaunting traffic kaming naranasan sa SLEX pero hindi namin pansin 'yun dahil kasama namin ang isa't isa. Kaya lang nagbago ang lahat ng iyon when we pulled up our driveway. Nandun kasi sa front door namin naghihintay si Addie. At ito naman po ang misis kong nakasimangot.

"Wow! Kelan pa nagkaroon ng welcoming committee dito sa bahay n'yo?" she said.

She's obviously irritated by Addie's presence... and I just can't help but smile inside.

"Nagseselos ka ba?"

"Ako? Nagseselos? Of course not! Sino ba siya para pagselosan ko? Sino ba ang pakakasalan mo? Ako di ba?"

"Oo, ikaw lang talaga!" Talagang pinatulan ko ang pagmamaktol niya.

"Ano bang kailangan niya sa 'yo? Ibigay mo na kasi nang tumigil na sa pagpunta dito."

"Hmmm... anong kailangan niya? Siguro ang puso at puri ko. Gusto mo ibigay ko na sa kanya?"

She gave me a death stare. Ha... ha... ha!

"Eh di ibigay mo kung gusto mo," ang pagalit nyang sagot sabay aktong baba na ng sasakyan. Syempre agad ko syang pinigilan.

"Wow naman ang S ko tampo agad. Of course that's a joke. I would never give it to her. Sa 'yo lang ako - my heart, my mind, my soul and body. Pero sa tingin ko ang pinakagusto mo sa lahat ay yung body. Tama ba ako?"

Mas lalo nya akong sinimangutan. Ha... ha... ha! Kaya bago pa sya tuluyang magalit sa akin ay kinuha ko na ang mukha nya at hinalikan sya. At kahit alam kong nagtatampo sya ay naramdaman kong she's kissing me back. I was ready to you know... ah... give more but we suddenly heard a knocking on the window from her side.

Ang tint ng kotse ko ay parang magic tint - when you are inside, you can see everything that's outside. But when you are outside, it would be hard to see what's inside. At dahil ganito nga ang tint ko ay nakita namin si Addie na tinitignan ang loob ng kotse.

"Istorbo naman," I said.

"Halika na nga, baba na tayo. Kanina pa naghihintay 'yan sa 'yo."

"I love you, S," I told her before finally going down.

Naglakad na ako paikot sa passenger's side para pagbuksan ng pinto si Ailee pero sinalubong ako ni Addie at sabay hinalikan ako sa pisngi. Agad akong napatingin sa kotse ko. I can't see her but I bet she's rolling her eyes now.

"Hi Iggy! What took you so long to go down?  Atsaka I was always texting you but you're not replying. What are you doing ba in Manila? Bakit ang busy mo that you don't even have time for me?"

What am I doing in Manila? Getting the girl of my dreams to marry me. "Oo. Busy kasi ako eh."

"With what?"

Hindi ko na siya sinagot at dumeretso na ako sa pagbukas ng pinto ni Ailee. I offered my hand to help her out. Kinuha n'ya iyon at kahit nakababa na siya ay hindi ko pa rin ito binitawan.

"Addie, this is my girlfriend, Ailee. S, this is my childhood friend, Addie."

"Girlfriend?" ang sabi ni Addie.

"Ah yeah. We've met before. Di ba nagkita na kami the last time I was here?" ang sagot naman ni Ailee.

Ang galing talaga umarte nitong asawa ko. Alam kong inis na inis na siya pero nagagawa pa niyang maging friendly kay Addie.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon